Chapter 40: She's in coma A/N: Happy chapter 40! Haha. Mayapits na. "HUMIHINA...humihina ang heartbeat ng pasyante!" Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Xena. "Please, baby... Huwag ka namang bumitaw," I whispered as I kissed the back of her hand. Hindi rin huminto sa kakabuhos ang mga luha ko. Wala ng mas ikakasakit pa ang makita ko siyang ganito. Ang makita ko siyang nakaratay sa stretcher at walang malay. Marami na rin ang dugong nawala sa kanya. "Baby, lumalaban ka naman. H-Hindi ka...puwedeng bumitaw... M-May baby...may baby ka na...Xena..." Sa buong biyahe, sakay ng ambulansya ay wala akong tigil sa kakaiyak habang kinakausap ko siya kahit hindi naman niya naririnig. Dumating kami sa hospital at kaagad na inasikaso siya ng mga doktor at dinala sa ER. "Please... Take car

