Chapter 41: Regrets 24 hours had passed... Sa loob ng 24 hours na 'yon ay wala akong pahinga, ni hindi ako umidlip kahit ilang minuto lang. Bantay sarado ako sa pinto ng ICU kung lalabas na ba ang mga doctor at may dalang magandang balita o kung may pagbabago na ba sa kalagayan ni Xena. Bumukas ang pinto at nag-uunahan pa kami nina Cyan sa paglapit sa limang doctor na kakalabas lang. Umuwi na kagabi pa ang parents namin ni Xena at tanging apat na lamang kami ang naghihintay sa labas ng ICU. Ako, si Cyan at ang kasama niyang lalaki na si Reign daw ang pangalan at ang kaibigan ng asawa ko. "How's my best friend, hon?" Hersey asked her husband na in-charge doctor ni Xena. "It was confirmed na may injury sa left leg ang pasyente. Maliit na fracture lang at gagaling naman ito kaagad. He

