Chapter 18:Tears
PAGKAUWI KO sa mansion namin ay kaagad na tinungo ko ang pool. Hinubad ko ang damit ko at iniwan ko lang ang undergarment ko.
Bumagsak sa floor ang sunglasses ko at wala na akong pakialam kung expensive pa ba ito.
Saka ako lumusong sa ilalim ng malamig na tubig. Magpapalamig ako ng ulo at baka hindi ko matansya ang babaeng iyon. Baka mapatay ko siya ng wala sa oras at makakalimutan ko rin na may sanggol sa sinapupunan niya.
Hindi pa nauubos ang pasensiya ko sa lagay na ito, ha? Makikita talaga niya ang bagsik ko sa mga katulad niya. Pabalik-balik lang ang paglangoy ko hanggang sa mapagod ako ay nanatili ako sa ilalim ng tubig.
Gusto kong mag-isip. Tahimik sa ilalim kung kaya't nagugustuhan ko ang pakiramdam na ito. Nawawala ang bigat sa dibdib ko at nakakalimutan ko ang realidad.
Nakapikit ang mga mata ko at dinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko.
"Come up, Xena." Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ng asawa ko.
Nakauwi na sila kaagad? Dimwit, gusto ko pang mapag-isa. Ayoko pang makita ang pagmumukha niya.
Bumalik tuloy ang bigat sa dibdib ko. Panira talaga ng moments kahit kailan ang walang niya na ito.
"I said come up, Xena!" dinig kong sigaw pa niya pero hindi ko siya sinunod.
Nanatili pa rin akong nakapikit sa ilalim ng malamig na tubig. "Don't try to lose my patience, Xena. Come up, and let's talk."
Katahimikan...
Well, let's see what you can do, Eson. One thing I knew ay nasa tabi ko na siya at hinawakan niya ang baiwang ko para makaahon kami.
Awtomatikong napayakap ako sa leeg niya. Naramdaman ko kaagad ang init na nagmumula sa katawan niya. He's half-n***d.
"I'm sleepy," I whispered.
Hinawakan niya ang magkabilang hita ko at pinulupot niya ito sa baiwang niya saka ko naramdaman ang pag-ahon namin mula sa pool.
I rested my head on his shoulder at huminga nang malalim. "I'm sorry, baby..." I heard him saying before I drifted into the deep sleep.
Waking up one morning, feeling empty and brokenhearted. Noong wala ba ako, ganito rin ba ang ginagawa ni Eson kay Conrad?
Katulad din noong dumating sa buhay namin ang babaeng ito. Nakakasira ng umaga.
Napasandal ako sa pader at pumikit. Naririnig ko ang mga boses nila. Ang malambing na boses ng asawa ko.
Bakit nga ba hinahayaan ko lang sila? Bakit nga ba hindi ko pinaglalaban ang karapatan ko?
Pero ano nga ba ang kaya kong gawin? Na kahit mismo ang asawa ko ay pagtatabuyan ako pagdating kay Conrad. Ipapahiya ko pa ba ang sarili ko sa kanila?
Marahan na hinampas ko ang ulo ko sa matigas na pader habang kumakawala ang malulutong na mura ko.
Hanggang kailan ako ganito? Hanggang kailan aabot ang sakit sa puso ko na dulot nito ang asawa ko? Hanggang kailan ako magpapa-martyr? Hanggang sa umabot ako sa puntong ubos na? Ubos na ubos na ako at hanggang sa susuko na lamang ako?
Aabot pa ba ako sa puntong ipaglalaban ulit siya? O hindi na?
"Mamaya, aayusin ko ang magiging kuwarto ng anak natin," ani Conrad. Ayoko sa boses niya, masyadong mahinhin. Parang isang boses ng anghel na napakalambing nito.
"I can help you, Maria. Maaga akong uuwi mamaya. May gusto ka bang kainin? O katulad din ng pasalubong ko sa 'yo ang gusto niyong kainin ni baby?"
Umalpas ang luha ko mula sa mga mata ko. Parang ang normal, tila sila talaga ang totoong mag-asawa.
Kung wala lang talaga ako ay baka magkakatotoo na sila nga ang mag-asawa na sila ay kasal.
Who would have thought na napaka-malambing at maalalahanin ang asawa ko sa iba? Na ganito pala siya mag-alaga?
"Hindi na. Magpapatulong na lamang ako sa iba. Ayokong maabala ka at baka pagod ka sa trabaho mo. Gusto kong magpahinga ka na lamang." Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti ito.
Base pa lang sa ways ng pananalita niya ay alam kong masaya siya. Masayang-masaya dahil nasa kanya ang buong atensyon ng asawa ko.
"I adore you, Maria. You're such a kindly hearted woman."
"S-salamat."
Umalpas ang luha ko mula sa mga mata ko. Parang ang normal, tila sila talaga ang totoong mag-asawa.
Kung wala lang talaga ako ay baka magkakatotoo na sila nga ang mag-asawa na sila ay kasal.
Who would have thought na napaka-malambing at maalalahanin ang asawa ko sa iba? Na ganito pala siya mag-alaga?
"Hindi na. Magpapatulong na lamang ako sa iba. Ayokong maabala ka at baka pagod ka sa trabaho mo. Gusto kong magpahinga ka na lamang." Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti ito.
Base pa lang sa ways ng pananalita niya ay alam kong masaya siya. Masayang-masaya dahil nasa kanya ang buong atensyon ng asawa ko.
"I adore you, Maria. You're such a kindly hearted woman."
"S-salamat"
***
"Dear, nawala ka rin ng isang buwan. Saan ka nagpunta?" tanong sa akin ni Miamor.
Sinundo ako kanina ni Hersey at gusto raw makipagkita sa akin itong tatakbo bilang senator.
Sa loob ng isang buwan ay naging abala naman sila dahil nagsisimula na ang camping nila. Sa kung saan-saang lugar na sila pumupunta.
Nasa Amor resto ulit kami. Nasa tapat naming nakaupo ni Hersey si Miamor. May mga bodyguard siya sa kabilang table at kasama nito ang secretary niya.
Ang best friend ko naman ay tahimik lang din. Nasa loob din nito ang asawa niya. Kapapasok lang ng mga ito sa resto.
"I heard from Lay ang nangyari sa 'yo, month ago. Sino ang nagtangkang kumidnap sa 'yo?" Hersey asked me. Kahit malamig ang boses niya ay alam kong sa loob-loob nito ay nag-aalala siya sa akin.
Inayos ko ang sunglasses ko at tumikhim. "Si papa na ang umasikaso no'n. Saka mga kalaban lang 'yon ni papa," sagot ko and I shrugged my shoulder.
"What about your husband?" Miamor asked me at humalukipkip pa siya.
"Nothing change," walang buhay na sagot ko.
"Gusto mong bigyan natin siya ng leksyo--"
"No," putol ko sa sasabihin niya.
Kanina lang ay umalis na ako sa mansion namin ng hindi nagpapaalam sa kanya at ni hindi man lang ako sumabay na kumain ng breakfast kasama sila.
Naiirita ako sa pagmumukha nilang dalawa.
"Pag-ibig nga naman, dear. Masyadong mapanakit," Miamor commented at narinig ko ang mahinang pag-humming ng kaibigan ko.
Nawala ang ekspresyon sa mukha ko. Napasandal na lamang ako sa likod ng inuupuan ko.
Nakakairita rin silang dalawa. Nagawa pa ni Miamor na itap-tap ang table habang nakangisi.
Dimwit.
"Nananana..."
"Mommy..."
Nagulat si Hersey nang biglang lumapit sa kanya ang anak niya. Ang mini-version ng anak niya. One and half year old na ito.
It's Jinsel.
"Son, did I tell you that don't come near me when you are with your daddy?" mahinang tanong nito sa bata at namula kaagad ang mga mata nito. Senyales na maiiyak na ang anak niya.
"But...mom...gutto na po 'ita makatama. 'Yoko na sa gilpren ni daddy."
"Son--"
"Jinsel, come here, anak."
Napaayos ako ang upo habang si Miamor ay nakapaskil pa rin ang nakakalok*ng ngiti niya sa labi. Ngayon turn naman ni Hersey.
I sipped my orange juice. Natutuwa ako sa ganitong scenario--
"Xena? Maria Xena Carter?" Awtomatikong nasamid ako sa iniinum kong juice ng marinig ko ang boses ni Jinsen.
Kilala niya ako? I mean, naaalala niya ako? Napatingin ako kay Hersey, there is no expression written on her beautiful face pero nababakasan din ng pagkagulat.
Nakakapit sa braso niya ang anak niya ngayon ay lumuluha na.
"Do you know me?" formal na tanong ko sa kanya. Tinago ko ang pagkagulat ko.
Ang tagal ko rin na hindi nakausap si Dr. Jinsen at katulad pa rin siya ng dati. Guwapo.
"Xena, are you kidding me? You are one of my friends. Bakit naman hindi kita makikilala, we are friends about three years..." After saying those words ay napatulala siya at nilingon niya si Hersey. Pero nanatiling nakayuko si Hersey.
"I have to go," mariin na sambit ni Hersey at bigla siyang tumayo. Nabitawan tuloy siya ng anak niya na ngayon ay lumalakas na ang iyak.
Sinulyapan lang ito ni Hersey saka siya nag-walk out.
I look at Dr. Jinsen. "How about that girl, Jin? Kilala mo ba siya?" I asked him with amusement in my eyes.
"N-no..."
"Sad to say..." mahinang sambit ko.
"W-who is she?"
"Hmm...mas kilala mo siya kaysa sa akin."
"Don't try to remember her, babe. Stop brainwashing him, Carter--"
"It's, Mojeh," I corrected the b*tch na kasama ni Jinsen.
"And for your f*cking information. I didn't brainwashing your boyfriend," I said.
Tumayo ako at lumapit sa babae saka ako bumulong, "rather your f*cking ex-boyfriend. You are the one who brainwashing him, b*tch. Know your f*cking place," nakangising sabi ko at nagawa ko pang hinaplos ang pisngi niya before I turn my back from them.
"Nice to meet you, again, Jin. See you when I see you," pahabol ko at nag-wave pa sa kanya.
***
Dark, 'yan ang madadatnan ko sa loob ng condo ng best friend ko. Wala kang maririnig na kahit anong sounds.
Wala kang makikita dahil naka-off ang ilaw nito. Ganito ang madadatnan mo sa place ni Hersey, every time she was hurt.
She hides herself in the dark. Mas naco-comfort siya sa madilim at tahimik na lugar.
"I'm tired, Xena..."
I heard her whispering those words. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang lights dahil baka ayaw niya rin.
"Gusto mo na bang sumama sa akin sa Switzerland or Italy?" tanong ko sa kanya. Base on her voice ay nasa gilid siya ng kama niya. Nakaupo sa floor.
Tinabihan ko siya. Hindi naman ako nahirapan sa dilim. Sanay ako sa dark place.
"May magbabago ba, Maria Xena? Do I need to let him go?"
"If that's what you really wants."
"Ayoko pa, eh. Gimme time, Xena..."
Hinawakan ko ang ulo niya at dinala iyon sa balikat ko habang naririnig ko ang mahihina niyang hikbi.
We are the same, nasasaktan din ako pero pinili kong i-comfort ang best friend ko. Compare sa emotional na feelings ay mas matapang talaga siya. Nagagawa niyang pakalmahin ang sarili niya sa dark place. While me, kailangan ko pang maglabas ng sama ng loob. By fighting someone, or hurting myself physically.
Hinaplos ko ang buhok niya at ako naman ang nag-humming ng kantang Moments ni Christopher.
"Everything is gonna be alright. Sleep now, Hersey.
***
Iniwan ko si Hersey sa condo niya na tulog na. Nakahiga na siya sa kama. Alam kong paggising niya kinaumagahan ay magiging okay na siya. She's strong woman. Alam kong kaya niyang lampasan ito.
Wala si Eson nang makarating ako sa bahay. Pero nadatnan ko naman si Conrad na nakaupo sa sofa at napatayo nang makita ako.
Napangisi ako dahil mag-isa lamang siya. Pero alam ko na nasa tabi-tabi lang ang mga kasambahay na kakampi niya.
"Nakauwi ka na pala, Xena."
"And who gave you the permission to call me, Xena?" I asked her in a cold tone.
Mariin na hinawakan ko siya sa panga niya at nakakatuwa dahil nakikita ko ang takot niya sa akin.
"That's it. Matakot ka sa akin, Conrad. Dapat matakot ka sa akin."
"X-Xena..."
"Hmm... Ganito rin ba ang ginagawa mo sa tuwing wala ako? You are acting that you are the real wife? Naghihintay sa asawa niya?"