CHAPTER 19

1046 Words
Chapter 19:Kierson's baby "MARIA CONRAD... Alam kong may tinatago ka pa, hihintayin ko na lamang na laumabas 'yan. Alam kong inuunti-unti mo ang pagkukuha ng loob ng asawa ko. Magwawagi ka man, tandaan mo na babagsak ka pa rin sa mga kamay ko. As of now, magiging masaya ka na muna sa pansamantalang atensyon ng asawa ko," pagbabanta ko sa kanya saka ko lang binitawan ang panga niya ng may umagos na luha sa pisngi niya. I sarcastically chuckled. "Poor you, Conrad," I murmured before I left her there. "She made me stress all of the sudden." Daily routine, ganoon. Ganoon pa rin ang pag-ikot ng buhay namin. Lumilipas ang araw, buwan at mas visible na ang pagbubuntis ni Conrad. Na mas binibigyan ng atensyon ng asawa ko. Ako? Katulad pa rin ng dati, sa gabi lang may silbi. Ni hindi na rin naman kami nag-uusap, except sa bed, sa intimate scenes namin. Pero sa mga panahon na iyon ay kaya ko pa. Kaya ko pang tiisin ang sakit. Kaya ko pang lumaban. Mahal ko siya at hanggang may lakas loob pa akong harapin ang realidad ay mananatil ako. Mananatili pa rin ako sa buhay ng asawa ko. "Xena..." I closes my eyes when I heard his voice. Kasabay na unti-unti ang pagbaklas niya ng kasuotan ko. Tumihaya ako at kaagad na sinalubong niya ako ng mariin na halik. Sa ganitong paraan lang akong may silbi sa kanya. *** Hospital... Hindi mapakali and asawa ko habang nasa hospital kami at nasa delivery room si Conrad. Just a minutes ay makikita na namin ang panganay na anak ng asawa ko at kanina pa walang awat sa pagbilis ng t***k ng puso ko. Sunud-sunod ang paghinga ko. Parang unti-unti rin namang nadudurog ang puso ko. "F*cking calm down, Eson," malamig na wika ko sa kanya at sinipa ko ang paa niya. "F*ck, Xena. How can I calm myself kung hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ang mag-ina ko?" Mag-ina ko... I caught off guard. Malamig na sinalubong ko ang mga mata niya at nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha niya. "I...I'm sorry, Xena. Please, not now. I'm sorry," he said at bigla niya akong niyakap. Tinulak ko siya at walang sabi-sabi na umalis do'n. Heto na, Xena... Heto na... Nagsisimula na naman ang miserable mong buhay. Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatanaw sa ibaba. Nasa rooftop ako ng hospital. Matatanaw mula sa kinatatayuan ko ang malalaki at matataas na gusali. Sa kabilang panig nito ang libu-libong mga bahay. Ang sasakyan na patuloy umuusad sa EDSA. Muli akong bumuntong-hininga at naramdaman ko na lamang ang brasong pumulupot sa baiwang ko. Ang mahigpit na pagyakap nito sa akin mula sa likuran ko. Ang mainit na hininga niya na tumatama sa batok ko. Ang pamilyar na yakap na sa tabi ko na lamang nararamdaman. "Babawi ako...pangako, Xena. Babawi ako sa 'yo. I'm sorry..." mahinang sabi niya saka siya kumalas sa yakap niya sa akin. Nakaramdam ako ng lamig nang bigla ay lumayo siya sa akin. Gusto kong tumutol at sabihin na bumalik siya. Yakapin ulit ako ng mahigpit. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag niya akong iwan at dito lang siya sa tabi ko. Pero hindi ko kayang sabihin. Lalo na wala naman 'yong silbi. Dahil sa ngayon, hangga't nandiyan pa si Conrad ay ang babaeng iyon ang pipiliin niya. Ang mag-ina niya ang mas mahalaga sa mga oras na ito. At ako...maghihintay na muling mapansin niya. Para akong nauupos na kandila na lumuhod habang hawak-hawak ko ang dibdib ko. Sa physical na sakit ay kayang-kaya ko pang labanan. Walang-wala pa iyon sa akin. Pero hindi ang emotional na sakit. Unti-unti ako nitong pinapatay. Unti-unti ako nitong tinutupok ng apoy at baka kalaunan ay susuko na ako. Susuko na ang katawan ko at baka...maihihinto ko na ang katangah-n ko at ang pagka-martyr ko? Pero mahal ko siya. K-kaya ko ba siyang isuko? Kaya ko ba siyang ipaubaya sa iba? But I've come this far, ang tagal ko rin itong hinintay. Ngayon pa ba ako susuko? Ngayon ko pa ba siya susukuan? Ngayon ko pa ba titigilan ang lahat? Nang kumalma na ang puso ko ay bumalik ako sa delivery room at iyon na siguro ang pinakamasakit na eksena na nakita ko sa buong buhay ko. Ang makita ko ang asawa ko, ang lalaking mahal na mahal ko na ngayon nasa mga bisig niya ang isang sanggol. Ang kanyang panganay na anak sa ibang babae. Sakit, selos at hinanakit. Ngayon mas napatunayan ko ang pagkukulang ko, ang malaking pagkukulang ko. "Ssh...I'm your daddy, baby..." Ito na, 'di ba ang mas pinakamasakir na scenario ang nakita ko? Ako dapat ang nagbuntis, ako dapat ang nasa loob ng delivery room. Ako sana ang magbibigay ng unang anak kay Kierson Mojeh. Hindi ang ibang babae. Hindi ang Maria Conrad na iyon. Pero dapat ako ang sisisihin, right? Kasalanan ko, ideya ko ito. Hindi ko dapat i-blame ang asawa ko. Dahil ako, ako ang may gusto nito. Hindi siya o baka naging pabor din ito sa kanya. "Xena!" my husband called me. Lumapit siya sa akin habang karga pa rin niya ang anak niya. "Look at her, baby. She's beautiful, right?" he asked, amusement in his face. Sinilip ko ang sanggol ay tila may kung anong bagay na matulis ang bumaon sa dibdib ko. Parang pinipiga ito dahil sa sakit. Kamukha niya ang sanggol, hindi mapagkakailan na siya nga ang ama ng bata. Halos nakuha nito sa kanya lahat ang katangian sa kanya. "S-She's beautiful..." mahinang bulong ko. "You want to carry her?" tanong niya sa akin at mabilis na umiling ako. I don't want to. Hindi dahil ayoko sa bata. Dahil takot ako na baka mabitawan ko ang bata. Hindi ako sanay. "Come on, it's alright, baby," giit pa niya sa akin. Umatras ako pero hinawakan niya lang ang braso ko. Dumagundong ang kaba ko nang ilipat niya sa bisig ko ang sanggol. Halos manginig pa ang mga kamay ko. "E-Eson." "I'm here, it's alright," aniya at hindi siya umalis sa likuran ko nang tuluyan ko ng nahawakan ang bata. Napakaganda niya... May gumuhit na ngiti sa labi ko habang nakatitig sa anak ng asawa ko. Kahit nasasaktan ako na makita ang anak niya ay kahit papaano ay nagagawa ako nitong pangitiin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD