CHAPTER 20

408 Words
Chapter 20:Years later 2 years later... "No, Kienna! Come here!" tawag ko sa bata nang bigla itong tumakbo. One year and two months old pa lamang si Kienna, kaya hindi pa masyadong maayos ang paglalakad niya. Madalas siyang nadadapa pero ang likot ng bata, eh. Nasa garden kami, pagkatapos ko siyang paliguan kanina ay dinala ko siya rito. Ang hilig niyang maglaro. Hindi iyakin ang bata, maririnig mo lang siyang umiyak kung gutom ito o nauuhaw. Kienna Mojeh ang pangalan niya. Halatang pinaghalong pangalan namin ng asawa ko, 'no? Two years na rin ang nakalipas, ang bilis ng panahon, hindi ba? Parang kahapon lang ay umiiyak pa ako dahil sa labis-labis na sakit na naranasan ko sa kamay ng asawa ko. Na ngayon ay medyo maayos na ang relasyon naming mag-asawa. Hindi na ako hangin na noon nilalagpasan niya lamang. Na noon tila balewala ako sa kanya. Noon na umiiyak pa ako sa tuwing nakikita ko siya na kasama si Conrad. Na para bang ang normal nila, na sila talaga ang tunay na mag-asawa. Na ako ay isang kabit lang. Noon nararamdaman ko pa ang sakit at selos, pero ngayon. Masasabi ko na maayos na ako, hindi naman ako nakakaramdam ng hinanakit sa puso. My husband is true to his words, bumawi siya. Bumabawi siya sa akin. Kaya kahit hindi kami nagkaroon ng anak ay masaya na kami ngayon. Maayos na ang relasyon naming dalawa. At hindi na ba playboy ang asawa ko? He did f*cking women? Yes, hindi ko na siya nakikitang nakikipaghalikan sa ibang babae. Mas nararamdaman ko ang pagiging carrying niya at sweet. Pero kahit ganoon, hindi ko rin maiwasan ang mapaisip na... Hanggang kailan ang kasiyahan na ito? Hanggang kailan ko mararanasan na tila nasa alapaap ako? Hanggang kailan mauubos ang kabaitan ng asawa ko? Takot ako, honestly speaking. Takot ako na baka may magbabago na naman. Takot ako na baka babalik ako sa dati. Na mananatili sa isang apat na sulok ng kuwarto namin, nakasalampak sa sahig at tahimik na umiiyak. Natatakot na ako na baka mararanasan ko na naman ang masaktan. Natatakot ako dahil ayoko ng bumalik sa nakaraan kung saan na tila ubus na ubos na ako. Na parang tinalikuran na ako ng mundo at wala ni isang tao ang lumapit sa akin upang damayan ako. Gusto ko na ganito na lamang ako. 'Yong wala ng problemang kakaharapin. Pero alam ko na mas masasaktan pa ako sa darating na mga araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD