Kabanata Lima

1690 Words
Ang dala kong shades na nasa loob ng aking bag ay mabilis kong kinuha para maisuot ko. I sighed while looking at the huge mirror inside the Archit Legacy’s comfort room. Okay, I looked presentable now. Puwede na akong lumabas. Dito ako dumiretso sa loob ng comfort room at hindi kaagad lumabas ng firm dahil alam kong hindi titigil ang mga luha na bumabagsak mula sa aking mga mata kanina. Everything I told myself about moving on was a lie. Hindi totoong nakalimutan ko na siya, because I wouldn’t be weeping like this if I really did move on from him. I was in denial. I just forced myself to forget him which is not a good thing. Maling-mali na gano’n ang ginawa ko kaya ngayon ay ako rin ang nagdurusa. I wondered how long would I be like this. Ayaw ko na nang ganito. Kung iiyak lang ako sa tuwing makikita at makakausap ko siya, mas mabuti na lang siguro na maghanap na ako ng bagong architect para sa clothing store ko. Or maybe, if he just gave me an explanation, everything would be alright. And the last words he said, what did he mean by that? Hindi ko siya maintindihan. Wala akong maiintindihan sa kung ano mang gusto niyang ipahiwatig. Noong una, gusto niya na maging magkaibigan kami which was clearly not happening. Dapat ay alam niya na iyon. At ngayon ay nag-so-sorry siya ngunit wala naman siyang paliwanag na ibinibigay sa akin. It was maddening. Naglakad na ako palabas ng comfort room suot ang shades upang matakpan ang aking mga mata na namumugto at namumula dahil sa sobrang pag-iyak kanina. I’m so embarrassed of the tears that I couldn’t let anyone see the state of my eyes. “Are you going home, Ms. Marga?” Sinalubong ako ni Linda sa may hallway ng firm. Tumango ako bago magsalita, “I’m going to check the condo I found on the internet before going home,” sagot ko habang mabilis na naglalakad. Katulad noong unang punta ko rito sa firm, hinahabol na naman ako ni Linda at pilit na sumasabay sa aking paglalakad. “Oh? Lilipat po kayo ng condo, Ms. Marga?” tanong pa ni Linda, it looked like we were friends for a long time now dahil sa istilo ng pagtatanong niya. Tumango ako at hindi na sumagot. Ang mga naipon kong pera sa Paris ay ang gagamitin ko para maipatayo ang sarili kong clothing store at ang iba ko pang living expenses. Napagdesisyunan ko rin na kailangan kong maghanap ng kompanya kung saan ako puwedeng mag-apply ng trabaho. I couldn’t be unemployed right now dahil siguradong mauubos ang perang naipon ko sa Paris. “Take care po,” sambit ni Linda at kumaway sa akin. Nasa labas siya ng glass door ng firm at hinatid niya ako hanggang sa labas ng Archit Legacy. I smiled at her. “Thanks.” Kahit ngayon lamang kami nagkakilala ni Linda, magaan kaagad ang loob ko sa kaniya. Isa pa, mukhang close rin sila ni Seatiel ngunit wala siyang ibang tinatanong sa akin. It was strictly for work but I’m sensing that she was a friendly woman. Or my intuition about her was wrong also? Katulad noong inakala ko roon kay Aneesa. I rolled my eyes when I remembered it again. When I started the engine of my car, it didn’t start. Saka ko lang naalala na naubusan na ng gas ang kotse ko. How could I use my car now? I needed to commute or I would call grab to fetch me. Pero puwede ko kayang iwan ang kotse ko rito sa parking lot ng firm? I decided to call Linda first para ipaalam sa kaniya ang sitwasyon. Siguro naman ay papayag sila na iwanan ko muna ang kotse ko rito. “Hello, Linda?” “Ms. Marga? Napatawag po kayo?” “Uh, yes.” Inilibot ko ang paningin ko sa labas ng kotse. Walang masyadong naka-park na sasakyan. Puwede ko kayang iwan ang kotse ko rito? Bakit ba kasi kailangang ngayon pa maubusan ng gas, kung kailan na narito pa talaga ako sa firm ng ex ko? I huffed. “I just want to ask if I can leave my car in the parking lot? Naubusan kasi ng gas at balak ko na lang na mag-commute or kaya naman ay tumawag na lang ng grab." “Naubusan po ng gas ang kotse niyo, Ms. Marga?" “Yes.” I stopped myself from sighing because of irritation. Kailangan niya pa bang ulitin ang sinabi ko? “Sure po, Ms. Marga. If you want po, I can call someone to fill your car’s fuel.” "Really?" Napangiti ako sa narinig. "Thank you so much, Linda.” Ibinaba ko ang tawag at binuksan kaagad ang transport travel bookings app. It was a good thing mayroon akong ganito kahit na kauuwi ko lamang ng Pinas. I knew how to commute but it was a hassle right now so I needed to go look for a driver. I was about to book a ride when someone knocked on my car’s door. Bukas ang bintana kaya naman paglingon ko pa lang ay nakita ko kaagad kung sino iyong kumatok. I was shocked to see that it was Seatiel! He was looking at me with worry in his eyes at hindi ko alam kung para saan iyon. “Why are you here?!” I violently asked. Hindi talaga maiwasan na tumaas ang boses ko kapag siya ang kaharap ko. Katatapos lang namin mag-usap kanina. It wasn’t a pleasant talk but I guessed that was the best conversation we could have. Hangga’t hindi siya nagpapaliwanag ay walang patutunguhan ang mga pag-uusap namin at mapuputol lang iyon sa paghingi niya ng tawad na hinding-hindi ko naman matatanggap. “I heard from Linda that you were out of gas,” sambit niya at ilang minutong tumahimik. Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko alam kung anong iniisip niya. “If you want to, I can give you a ride. I’m also going outside…” Hindi na ako nagdalawang-isip sa isasagot ko, “No thanks.” Suot ko pa rin ang shades ko ngayon kaya hindi niya makikita ang namamaga kong mga mata. It was still swollen and if he saw this, there was no doubt that he would ask me about it which I didn't want to answer. “But it will be convenient for you if you accept my offer, right?” Hindi ko siya pinakinggan. Bumaba ako ng aking kotse, umatras si Seatiel nang padarag kong binuksan ang pinto ng driver's seat at madarag ko rin iyong isinara. Nag-decide ako na mag-commute na lang para mas mabilis. Kung hihintayin ko pa iyong sasakyan sa travel bookings app ay maghihintay pa ako sa masasakyan ko at siguradong kukulitin lamang ako ni Seatiel na sumabay na sa kaniya. Iyon ang pinakaayaw kong gawin. “If it’s with you, it will never be convenient,” sagot ko sa kaniya habang naglalakad nang mabilis. Malayo na ako sa sarili kong kotse at tatawid na sa kabilang highway kung saan puwede akong mag-abang ng bus o taxi. It was my first time commuting in my own country after almost 5 years but I didn’t have a choice. Mas pipiliin ko pa ang mag-commute kaysa sa makasama siya sa iisang lugar. “I’m sorry about what I did years ago. I understand why you can’t forgive me. It’s a shame, what I did to you. At pinagsisisihan ko iyon.” Sa mataas na sikat na araw ay naglalakad kaming dalawa ni Seatiel. Ako, mabilis na naglalakad para makawala sa pamimilit niya sa akin na sumabay sa kaniya habang siya naman ay hinahabol ako. The sun’s heat wasn’t making me irritated, though. It was Seatiel and his voice beside me while we were still walking. “Why are you telling me that you’re sorry if you can’t even tell me the reason yourself?” Huminto ako sa paglalakad nang makaramdam ng pagod. Nakatawid na ako ngayon sa kabilang kalsada at sinusundan pa rin ako ni Seatiel. “Kahit alam ko na ang sagot sa tanong ko, you should tell it yourself right? Bakit hindi ka nagpaliwanag sa akin? I called you so many times! I-I also texted you but I didn’t even get a single reply! Sa tingin mo ba ay kaya kitang patawarin?” Isa-isang bumuhos ang mga luha ko. Narito na kami sa may waiting shed at mabuti na lang at walang ibang tao na nag-aabang ng masasakyan. I didn’t want to cry but my heart wanted me to. Nakahihiya kung may makakitang ibang tao sa akin. “I-I even saw you with your new girl! You made a promise to me, Seatiel! You were the one who made a promise to me… You told me that you loved me even after we broke up. H-Hindi ba totoo iyon? Hindi mo na ba ako mahal noong mga panahon na ‘yon at napilitan ka na lang na mangako sa akin?” Sa gitna ng mga hagulgol ko ay nakuha ko pang magsalita. Hindi ko na kailangan ang suot kong shades dahil sa boses ko pa lang ay halata na ang pag-iyak ko. My chest tightened while doing my best to suppress my emotions. Pakiramdam ko ay sasabog na ako nang sobra kung hindi ko iyon sinabi sa kaniya. It was as if he was forcing me to forgive him. Ano ba talaga ang gusto niya? Sa tingin niya ba ay ganoon lang iyon kadali? Umatras ako nang sinubukan niya akong lapitan. “D-Don’t come near me.” “I-I’m sorry…” “I don’t want to hear that anymore. Hindi iyan ang kailangan ko. You know what I want.” Lumingon ako sa kaniya at nakita kong pulang-pula na ang kaniyang mga mata at nakikita ko rin ang takot sa mga matang iyon. Nag-iwas na lamang akong muli ng tingin dahil pakiramdam ko, isa na naman itong patibong at hindi na ako makaliligtas. “When the right time comes, I’ll tell you everything. Just, please... don’t stop talking to me.” Right time? When is that right time, Seatiel?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD