Kabanata Anim

1825 Words
“I’ve sent the copy of the plates for the project on your email. You can re-check it if you want.” Pinanood kong umupo si Seatiel sa kaniyang swivel chair. While looking at him, I couldn’t stop complimenting his look in my mind. He was wearing a black suit and it was what he wore every time I’m meeting him ngunit hindi pa rin nakasasawang tignan. It looked good on him, but I wouldn’t tell him that. That was just for my mind, hindi na kailangang sabihin pa sa kaniya nang personal at harapan. Tumango ako sa kaniyang sinabi habang tinitignan ang hard copy noong plate na ginawa niya para sa clothing store ko. I told him what I wanted and he did it without any complains. Of course, it was his job. Ngunit marami akong request sa kaniya kaya expected ko na magrereklamo siya, o baka sa isip niya lang siya nagreklamo. He also did it perfectly so I didn’t have any violent comments. As expected of him. “Okay, thank you.” Ipinatong ko iyong plate sa center table na nasa harapan ko. I sighed and stood up. It was 12 o’clock in the afternoon and I’ve been inside Seatiel’s office for 2 hours now. Ilang araw na rin ang lumipas noong napag-usapan namin iyong tungkol sa nakaraan naming dalawa at hindi na ulit iyon napag-usapan pang muli. I could sense that he was avoiding it. Okay na rin iyon dahil wala rin namang patutunguhan ang pag-uusap namin kung hindi niya kayang gawin ang hinihiling ko. I didn’t know why he couldn't tell me but I wouldn’t force him. It was not in my vocabulary to do that. “Where are you going?” Nakakunot ang noo ni Seatiel nang lumingon ako sa kaniya. “I’m going home now. We’re finished, right?” Tumaas ang isang kilay ko nang hindi sumagot si Seatiel. Sa halip ay nakatingin lamang siya sa akin na parang kinukuwestiyon ang sinabi ko. Napangiwi ako at nag-iwas ng tingin. Hindi naman siya sumagot kaya itinuloy ko na ang paglalakad ko palabas ng kaniyang opisina. Bago ko pa mabuksan ang pinto ay may nagbukas na noon galing sa labas. It was a woman that I’m familiar with but I don’t know her name. Nakikita ko siya sa labas ng opisina ni Seatiel, kung nasaan ang mga cubicles ng firm ngunit hindi ko talaga siya kilala. May bitbit siyang malaking paper bag sa kaniyang magkabilang kamay. “Good afternoon po, Ms. Marga,” nakangiting bati sa akin noong babae. I gave her a small smile at magtutuloy-tuloy na sana sa paglalakad palabas ng opisina ni Seatiel ngunit hinarangan naman ako noong babae kaya nahinto akong muli sa paglalakad. Kumunot ang aking noo at bumaba ang tingin doon sa babaeng employee. Mas matangkad kasi ako sa kaniya kahit na nakasuot na siya ng heels. At dahil madalas na ako rito sa Archit Legacy, kilala na rin ako ng ibang mga employee at panay ang bati nila sa akin sa tuwing dumarating ako. “Pinabili po ito ni Mr. Mendrez para sa inyong dalawa,” paliwanag noong employee at itinaas nang bahagya ang mga paper bag na hawak niya. “What?” Mas lalong kumunot ang aking noo. Tumaas pa ang isang kilay ko. Seatiel cleared his throat. Pumikit ako nang mariin at tumingala. Breathe in, breathe out. Kailangan ko iyong gawin bago ako makapagsalita ng mga hindi kaaya-aya. Okay, Marga. It was just lunch. There was no harm in eating with him, right? After all, we were only in an architect-client relationship. Nothing more, nothing less. Tumalikod ako galing sa pinto at bumalik na sa dati kong puwesto. Hindi kasi umaalis iyong babaeng employee sa may pintuan kaya wala akong choice kung hindi ang pumayag na lang sa gustong mangyari ng architect ko. I kept on rolling my eyes while looking at him. Umalis na iyong employee pagkatapos niyang mailagay ang mga paper bag sa center table. May maliit na flower vase na nakapatong sa gitna noong center table ngunit tinanggal iyon ni Seatiel at inilagay sa kaniyang office table para mailagay ang paper bag. “Let’s eat.” He smiled at me gently. Kinuha ko ang utensils at nagsimula ng kumain. I didn’t have a hard time opening the lid of the food because he already did it. Kahit ang tubig na iinumin ko ay nakaayos na rin sa harapan ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang kainin ang pagkaing nakahain sa aking harapan. “Won’t your girlfriend get jealous if she finds out about me as your client?” Tumaas muli ang isang kilay ko. I blurted it out without having second thoughts. Hindi ko na muling nakita si Aneesa. Kahit dito sa opisina ay hindi ko rin siya nakikitang nagpupunta, o kaya naman ay hindi lang talaga siya nagpupunta sa mga oras na narito ako? Pero alam niya kaya ang tungkol sa akin? Umiling si Seatiel bilang sagot sa tanong ko. Ang akala ko ay magsasalita siya ngunit patuloy lang siyang kumakain. Natigil ako sa aking pagkain at tumitig lamang sa kaniya. His features changed, huh. Iyong panga niya ay mas lalo nang nadepina ngayon. Kung noon, walang gaanong buhok ang palibot ng kaniyang magkabilang panga, ngayon ay mayroon na iyon ngunit hindi naman ganoon karami. Mas lumaki rin ang pangangatawan niya kumpara noong huli kaming magkita ilang taon na ang nakalilipas. What didn’t change was the gentleness in his eyes. It was his feature that I find the most attractive. “Marga?” Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Seatiel. Nakatingin na rin siya sa akin at hindi ko alam kung gaano katagal niya na akong tinitignan. s**t! I was daydreaming while complimenting his facial features! Siguradong napansin niya ang matagal na pagtitig ko sa kaniya. It was embarrassing! “Y-Yes?” I put food in my mouth after I said that. “Nothing.” Umiling siya ngunit nakita ko ang pagpigil niya ng tawa. I already knew that he clearly saw me gawking at him. What the hell. Iyon nga pinakaayaw kong mangyari ngunit ano ang ginagawa kong ito ngayon? Why am I talking about his looks in my mind? Ano naman kung may nagbago sa kaniya, mababago ba noon ang katotohanan na hindi na mababalik sa dati ang kung ano mang mayroon sa amin? And for the record, ayaw ko na dapat sa kaniya. Galit ako sa kaniya. Ngunit ‘pag nakikita ko ang mukha niya, para bang natutunaw ang lahat ng nararamdaman kong galit. All I wanted was just to look at him. Na hindi na dapat. Hindi ko na dapat gawin pa iyon. He has a girlfriend now. Hindi ako mang-aagaw. Alam ko ang posisyon ko, alam ko kung hanggang saan lang dapat ako. I should stop that kind of thinking. “Do you like the food, Marga?” Nag-angat ako ng tingin kay Seatiel mula sa pagkakayuko nang tanungin niya iyon. Tumango ako at hindi na nagsalita. The food was good. It was Tomato Basil Pasta with Rosemary Grilled Chicken. May rice rin ngunit hindi ako kumain noon. Ang kay Seatiel naman ay Pork Katsu with cheese inside. Siya lang ang kumain ng rice. Hindi ko mapigilang maisip na naalala pa ni Seatiel na hindi ako mahilig kumain ng kanin. Kaya siguro ito ang binili niya para sa akin? O puwede ring ako lang ang nag-iisip noon…. “I’m glad you like it. Kaya pasta ang pinabili ko para sa iyo dahil hindi ka mahilig sa rice.” Well, I was right all along, huh? Naalala pa nga niya talaga niya ang mga hindi ko hilig. Of course, hindi naman talaga siguro madaling kalimutan ang pinagsamahan niyo ng isang tao. Lalo na kung sobrang lalim ng pinagsamahan na iyon. “Anyway, how are you?” Halos maibuga ko ang kinakain ko dahil sa tanong niyang iyon. My eyebrow perked up as I tried to find the humor in his face, but there was none. Sarkastiko akong natawa, was he really serious about that? “Why are you asking me that right now?” malamig ang naging tono ng pananalita ko. He shrugged. “I-I just want to know. Can’t I?” he straightened his back after he said that. He stuttered too, mukhang napagtanto niya na may mali sa tanong niyang iyon. “Well, my physical body is doing fine. You can see that.” I smiled at him. Sarcastically. The mood was ruined all of a sudden. With just that one question, tumahimik ang buong opisina at walang gumagalaw sa amin. Kahit ang mga pagkain na nakapatong sa center table ay hindi na rin nagalaw. I didn’t know if he was being sensitive or what, but I just wished that he didn’t ask that. We were okay a while ago… hindi ko naman sinasabi na hindi na puwedeng kumustahin ang ex-boyfriend or ex-girlfriend mo pero iba-iba naman kasi ang circumstances pagdating sa relationships. And right now, we both knew that we were really not okay. May mga mahahalagang bagay pa kaming hindi napag-uusapan and we also both knew that. But I’m just waiting for him to speak up. Nang hindi ko na matiis ang katahimikan, I stood up and grabbed my bag. “I’m going now.” This time, hindi na ako pinigilan pa ni Seatiel. Naramdaman niya rin iyong pag-iba ng atmosphere kaya siguro pumayag na rin siya. That was good, because I couldn't suffocate myself more than this anymore. Hanggang dito na lang ang makakaya ko. “Please take care on your way out,” pahabol niyang sambit ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Tuloy-tuloy akong lumabas ng opisina. When I opened the door, I was startled when there was a woman standing in front of the office’s door. Speaking of, it was Seatiel’s girlfriend. Parang sinasabi ko lang kanina na hindi ko pa nakikita ang girlfriend niya na pumunta rito sa firm but she was in front of me right now. “Oh, hi!” Bumilog ang kaniyang bibig ngunit napalitan din iyon ng malaking ngiti at kumaway pa siya sa akin. I didn’t smile, though. I kept my serious expression on my face. “Hi.” I stepped once. Gumilid naman siya para makaraan ako. She was still smiling at me and I think she remembered me. At tama nga ako noong nagsalita na siya. “You’re the one in the coffee shop, right?” she was enthusiastic. “Yes,” sagot ko at isinuot ang shades na hawak ko lang kanina sa aking kamay. “Client ka pala ng boyfriend ko. Nice meeting you!” I didn't know but I think I heard her emphasizing the word, ‘boyfriend.’ Or pandinig ko lang iyon at nasa isip ko lang? Hindi rin naman siya nagtagal at pumasok na sa loob ng opisina, leaving me outside Seatiel's office. “Babe!” I rolled my eyes when I heard the endearment she used for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD