Nagmamadali kong kinuha ang bag ko na nakapatong sa bakanteng upuan sa aking tabi. I gripped on my phone tightly before walking towards Jonathan who was busy getting food for the two of us. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos, hindi ko na rin inalala kung sino ang masasaktan ko sa gagawin kong ito. “Jonathan,” I called his name. I was standing behind him. Lumingon siya sa akin nang nakangiti. “Oh, why?” Bumaba ang tingin niya sa dala kong bag at unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Where are you going?” “I…” Napalunok ako. I paused from what I was saying and looked at Jonathan’s face longer. Bumuntonghininga ako makalipas ang ilang sandali at ipinagpatuloy ang pagsasalita, “My parents are asking me to come home. I-I had proposed something to them the last time we talke

