Nanginig ang mga mata ko habang tinitignan siya. Kumunot ang noo ko at dahan-dahang napailing. Another batch of tears pooled on his eyes even though there were still grain of tears pouring and hitting the ground continuously. Panay ang pagtaas baba ng kaniyang mga balikat dahil sa sunod-sunod na paghikbi. I never thought that I would see him crying like this. Naramdaman ko ang panghihina niya nang mabitiwan niya ang mga kamay ko na kanina’y pinaglalaruan niya. Walang buhay na bumagsak ang mga kamay niya sa kaniyang magkabilang gilid. He was crying, and I did my best to take one step away from him. Napalitan ng gulat ang reaksyon niya nang makita kung ano'ng ginagawa ko. "M-Marga…" he called my name with a harsh voice, probably because of the crying that he did. Umiling ako. "Seatiel…"

