ZEELINA'S POV: Nagising ako nang hindi sinasadyang may mahawakan na malambot. Nang iangat ko iyon ay kumunot ang aking noo. "Petals? Saan naman nanggaling ito?" Taka kong tanong. Nang bumangon ako ay nalaglag ang panga ko nang makita ang maraming petals na nakakalat sa aking hinihigaan, pati na rin sa sahig. Halos mapuno na rin ng bulaklak ang buong silid. "Patay na ba ako?" Tinapik-tapik ko ang aking pisngi para magising, baka mamaya kasi ay nanaginip lamang ako. Nang mapansin ko ang hugis-arrow ng mga bulaklak na tila ba inilatag upang aking tahakin ay dahan-dahan akong lumabas hanggang sa masilayan ko ang romantikong kapaligiran at kumikislap na mga ilaw na nagre-reflect sa swimming pool. Kaya mas lalong iyong naging kaaya-aya sa aking mga mata. Namilog ang aking mga mata ng maki

