ZEELINA'S POV: Halos hindi ako makapaniwala nang makita si Nolan na buhay sa aking harapan. "Zee!" Umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin. "I'm sorry ngayon lang ako, I was in a coma for 2 years, at hindi rin kita naalala dahil nagkaroon ako ng amnesia kaya natagalan ang pagbalik ko." Malungkot nitong sabi. Tinapik-tapik ko ang likod niya, habang umiiyak na rin. Naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga luha. Masaya akong makita siyang buhay, ngunit ang mga salitang binitiwan niya ay nagdulot ng malamig na pakiramdam sa akin. "Natutuwa akong malaman na buhay ka, Nolan." Naluluha kong sabi. "I'm sorry wala ako sa tabi mo ng mahabang panahon, pero ngayong andito na ulit ako ay nangangako ako sa'yo na hindi na ako mawawala pa sa iyo." Madamdaming wika niya. Para naman akong binuhusan n

