ZEELINA'S POV:
Mag-aalas otso na nang kami ay makauwi sa bahay ni Castiel. Si Sister Alyana ay matiyagang naghihintay sa amin sa sala.
"Ang lakas ng ulan kanina, buti naman nakauwi na kayo," sambit niya, sabay kuha ng ibang bitbitin ko.
"Oo nga, dinalhan ka namin ng hapunan," masaya kong sabi, sabay bigay sa kanya ng isang supot na naglalaman ng pagkain niya.
"Maraming salamat, siya nga pala binuksan ko na ang lumang repridyador, pwede na nating ilagay roon ang mga pinamili niyo," wika niya.
"Salamat, aayusin ko lamang ito. Kumain ka na d'yan," sabi ko.
Tumingin ako kay Castiel bago dali-daling pumunta sa kusina upang ayusin ang aming mga pinamili, samantalang si Castiel ay tahimik na sumunod sa akin.
The kitchen felt like stepping back in time. The walls wore faded floral wallpaper, and the wooden floor creaked underfoot. Kahit na luma ay napakaganda pa rin nitong tingnan. Nakakamangha at naantig ang puso kapag tumitingin sa mga lumang gamit katulad ng mga narito sa bahay.
Nagtungo ako sa lababo at inilapag doon ang mga dapat hugasan. Una kong hinugasan ang mga bagay na ilalagay sa refrigerator, at pagkatapos ay agad ko itong inilagay sa loob.
Kasunod non ay inayos ko ang mga de-latang binili ko. Habang inaayos ko ang huling de-lata, napansin ko ang isang lumang litrato sa kabilang cabinet.
Napatigil ako sa pag-aayos at kinuha ang litrato.
"Sino kaya ito?" tanong ko na medyo napalakas na pala ang boses habang tinititigan ang larawan.
Isang napakagandang babae ang nakadamit ng sinauna.
Kahit na luma na ang larawan ay mababakas pa rin ang kanyang kagandahan at pagka-elegante.
Nang makita ko ang lumang litrato’y, nag-alab ang aking kuryosidad. Sino kaya siya? Isa kaya siya sa may-ari ng bahay?
Napansin ko ang isang maliit na sulat sa likod ng litrato, habang si Castiel naman ay kuryosong nang lumalapit sa akin.
"Kahit saan o kailan, palaging babalik ang puso ko sa'yo." Basa ko sa nakasulat sa likod.
Muntik na akong mapanganga sa aking nabasa. Para naman napakadalisay napakadalisay ng sulat na iyon. Habang nakatitig roon ay biglang nanlamig ang aking paligid.
Tila naman nakuyoso si Castiel sa aking hawak, kaya inagaw niya ang litrato mula sa akin at tulad ng aking reaksyon, ganoon din ang naramdaman niya.
"Wow, sana ay may isang babae rin na magmamahal sa akin ng ganito, na hindi ako malilimutan kailanman," wika ni Castiel, habang nakatitig siya sa akin na tila ba para sa akin ang mga katagang iyon na nagdudulot ng aking pagkailang.
Tumukhim ako at sumimangot sa mga titig niya na nakakailang.
Lord, alam kong masama mabwiset, pero napipikon na talaga ako sa lalaking ito. Kaunti na lang ay dudukutin ko na ang mata nito. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito makatitig ang lalaking ito. Hindi naman ako manhid, ramdam ko at alam kung may gusto ang lalaki sa isang babae. At ang lalaking ito ay tila transparent at basang-basa ko ang galaw niya na tila may gusto sa akin.
"Uh? Parehas kayo ng kwintas?" Sabay tingin niya sa suot kong kwintas.
Hindi ko napansin na nakalabas na pala ang aking kwintas; kung hindi pa ito nabanggit, hindi ko sana ito makikita.
The key feature of this necklace is the pendant that dangles from the base, it has one gemstone that looks like a teardrop or a drop of dew.
"Regalo ito noon sa akin noong bata pa lamang ako, sabi nang nagbigay sa akin ay galing pa daw ito sa ninuno niya. Bilin niya pa na h'wag kong alisin sa aking leeg, kaya simula noon ay hindi ko na inalis ito sa aking leeg," wika ko.
"Well, marahil ay iisang tao lang ang lumikha niyan. Sa dami ng mga disenyo na lumalabas, hindi malabong magkaroon ng pagkakatulad sa mga nauna na," aniya, na siyang ikinatango ko.
"Siguro nga," sagot ko sa kaniya.
"Medyo nga, may pagkakahawig kayo ng babae," aniya. Kaya mabilis kong kinuha ang litrato mula sa kanya at muling tinitigan ang mukha ng babae. "Kung nakalugay ang buhok mo at kung kukulutin ay parehas na parehas kayo ng mukha na, lalo na siguro kung magdadamit ka ng luma rin," saad niya pa.
Halos manlaki ang mga mata ko ng mapagtantong tama ang sinasabi ni Castiel. Para akong kinabahan nang mapatunayan na may pagkakahawig nga kami.
"Hindi kaya may koneksyon ito sa akin?" Napakagat ako sa labi sa excitement na nadarama. "Siguro ay reincarnation niya ako?" Namamangha kong sabi.
He laughed softly as though he found humor in my words and then licked his red lips.
Nag-iwas ako nang tingin nang mapatagal ang aking titig sa makurba niyang labi.
Siguro marami nang nahalikan ang lokong ito, ang ganda kasi ng labi. Para bang nang-aakit, pero 'di ako naaakit,Lord ha! Napansin ko lang talaga ang magandang hugis ng labi niya. Hindi naman masama iyon, hindi ba? Sabay ngiwi ko sa aking iniisip.
Matapos kong masalansan lahat ay itinapon ko na ang mga plastic at naghugas ng kamay.
Si Castiel naman ay tumukhim kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Masyado ng lumalalim ang gabi, aalis na ako," aniya.
"Huh? Hindi ka dito matutulog?" taka kong tanong. "May silid pa naman na tutuluyan," saad ko pa na medyo nahihiya. Hinatid niya kami dito kaya may utang na loob ako sa kanya.
"Hindi na, may nakita akong maliit na paupahan sa kanto, doon na muna ako," paalam niya. Kaya naman, mabilis akong tumango at sumunod sa kanya nang siya'y magsimulang lumakad palayo.
Paglabas namin ng sala ay wala na roon si Sister alyana, marahil ay natulog na. Sanay kasi kaming maaga natutulog, kaya malamang ay natutulog na iyon sa kanyang silid.
"Ihahatid kita," sambit ko nang lingunin niya ako.
Tumango siya saka nagpatuloy na nang paglakad.
Nang makarating kami sa pintuan ay pinahinto niya na ako.
"Ihahatid kita sa may gate," wika ko, pero inilingan niya ako.
"Salamat, pero kaya ko na ito," sabi niya habang patuloy na naglalakad.
"Sigurado ka? Kahit sa may gate lang," alok ko pa rin.
Ngumiti siya at tumingin sa akin.
"Hindi na, isarado mong mabuti ang mga pinto ha. Goodnight, Zee! See you tomorrow," malambing niyang sabi .
"Salamat ha," nakangiti kong sabi.
"Salamat din," sagot niya bago tuluyang umalis.
Pinanood ko siyang humakbang palayo.
Hindi ko maintindihan kung bakit, ngunit may lungkot akong naramdaman habang siya'y unti-unting nawawala sa aking paningin.
Bumuntong-hininga ako habang inila-lock ang pintuan. Tapos ay umakyat na ako sa taas at dumeretso na sa aking silid. Isinalansan ko muna ang mga damit ko sa lumang kabinet, bago nagtungo sa banyo upang makapagbanlaw.
Paglabas ko ng banyo ay may narinig akong umiiyak o parang nasasaktan, kaya dala ng kuryosidad, sinilip ko ito kahit may kaba sa aking dibdib.
Kumunot ang noo ko nang mapagtantong sa silid iyon ni Sister Alyana nanggagaling, kaya marahan kong kinatok ang kanyang pinto.
“Sister?” tanong ko nang malumanay matapos kong kumatok sa kanyang pinto. “May problema ba? Bakit ka umiiyak?”
Nilakasan ko pa ang pagkatok at muli siyang tinawag, ngunit tila hindi ako naririnig ni Sister, o kaya naman ay ayaw niya talaga akong kausapin kaya nagkibit-balikat na lamang ako at umalis na roon.
Baka ayaw ng kausap kaya hindi ako pinansin. O baka may problema siya na hindi niya kayang ibahagi.
Umuling ako saka nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa aking silid.