CHAPTER 13

1077 Words
ZEELINA'S POV: Alas kwatro pa lamang ng umaga ay gising na ako. Matapos manalangin, dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Pagkatapos, dinala ko ito sa labas at umupo sa balkonahe. Dahan-dahan akong naupo sa bangkong naroon at inilapag ang aking kape sa mesa na bakal. Marahan akong napangiti habang pinagmamasdan ang paligid sa labas. Mula kasi rito ay tanaw na tanaw ko ang paisa-isang mga taong naglalabasan at ang paisa-isang pagdaan ng mga sasakyan. I smiled as the cold air brushed against my skin. Nami-miss ko ang aking pamilya, ang aming pagmamadali tuwing umaga—ang mga tunog ng mga nagmamadaling hakbang, ang mga tawanan at kwentuhan habang nag-aalmusal. Ang mga simpleng sandali ng pagsasama-sama, kahit sa gitna ng abalang umaga, ay nagbibigay ng init at saya sa aking puso. Minsan, sa mga tahimik na gabi, tinatanong ko sa aking sarili kung tama ba ang landas na aking napili. Tama bang pumasok ako sa pagmamadre dahil lang sa pagkasawi ko sa isang lalaki? Tama ba na isakripisyo ko ang lahat dahil lamang sa hindi ako makapag-move on? Ano ba ang dapat kong gawin? Ang mga tanong na ito ay paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan, lalo na sa mga tahimik na sandali tulad nito. Parang isang mabigat na bato ang nakadagan sa aking dibdib, pinipigilan akong huminga ng maluwag. Diyos ko, tulungan Niyo po ako. Bigyan Niyo po ako ng lakas ng loob para harapin ang lahat ng ito. Para malaman ko kung ano ang tamang gawin. Habang iniisip ko ang lahat ng ito, nararamdaman ko ang pag-agos ng luha sa aking mga pisngi. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong ito, o kung may pag-asa pa bang maghilom ang aking puso. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong kailangan kong magpatuloy, kahit gaano man kahirap. Habang ako'y nagmumuni-muni, napansin ko na lang na nakatitig na pala ako sa pagdating ni Castiel sa gate, na may ngiti sa mga labi habang kumakaway sa akin. Dahil ang gate ay hindi mataas at hanggang bewang lamang, malinaw kong nakita si Castiel na nakasuot ng simpleng grey na shirt at kupas na maong, na bagama't simple ay nakakabilib pa rin ang dating. Tila isang modelo siya nang maglakad patungo sa akin, kaya hindi ko na napigilan ang aking pagsinghap ng makalapit siya. Ang kanyang mga mata ay nagniningning sa ilalim ng liwanag ng ilaw, at ang kanyang ngiti ay tila nagdala ng init sa aking puso. Mula rito ay amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy. His scent is so appealing and distinctly masculine that it sends shivers down my spine. Damn him! Every time I think I have an answer, it slips away. He makes me question everything. My faith, my choices, my very identity. "Good morning," bati niya, ang kanyang boses ay malambing at puno ng saya. "I brought you something." Mula sa kanyang likuran, inilabas niya ang isang supot ng pandesal na ikinangiwi ko. Akala ko naman ay bulaklak na ang dala niya, 'yun pala ay tinapay lang. "Tamang-tama, nagkakape ka na," aniya, habang inilalapag sa mesa ang isang supot ng pandesal na mukhang bagong luto at mainit pa, dahil sa umaalingasaw na bango niyon. "Salamat ha, sandali lamang, igagawa kita ng kape." Pagkasabi kong iyon ay tumayo na agad ako. Nakasalubong ko pa si Sister Alyana, na kabababa lamang galing sa kaniyang silid. "Magtitimpla ako ng kape, halika na?" Yaya ko kay Sister Alyana na agad namang sumunod sa akin patungong kusina. Habang nagtitimpla ako ng kape ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya at muli pumasok sa aking isipan kung ano ang ginagawa niya kagabi. Bakit kaya siya umiiyak? Halos ilang taon na rin kaming magkasama sa kumbento, ngunit ngayon ko lang siya narinig na umiyak. "May problema ka ba, Sister?" Hindi ko na napigilang itanong. Umiling siya at ngumiti bago sumagot, "wala naman akong problema, mahimbing ang tulog ko kagabi," sinabi niya na nagpataas ng kilay ko. Kung gano'n bakit may narinig akong parang umiiyak sa silid niya? Guni-guni ko lang ba 'yon? Pero parang narinig ko talaga kagabi, e. Naglakad ako patungo sa balkonahe, habang hinahalo ang kape at iniisip ang umiiyak sa silid ni Sister Alyana. Kung tulog si siya kagabi, ibig sabihin may ibang umiiyak? "Mukhang ang lalim ng iniisip mo, Zee?" tanong sa akin ni Castiel na inilingan ko. "Hindi naman, may naisip lang ako," sambit ko. "Ano naman 'yon? Care to share?" kuryoso niyang tanong, mabilis siyang nakalapit sa akin at inilapit ang mukha sa akin na ikinasinghap ko. "Sister Zee," saad niya pa, na tila nang-aasar, kasabay nang mainit niyang hininga na dumapi sa aking balat. What duh?! My heart is racing because of what he did. Marahan kong itinulak ng aking daliri ang baba niya at inilayo iyon sa aking mukha. Konti na lang kasi ay mamahalikan niya na ako, shocks! Nakakahiya, mabuti na lamang at wala pa si Sister Alyana, baka kuna narito iyon at nasaksihan ang ginawa niya ay baka katakot-takot na sign of the cross na ang ginawa niyon. "Sorry," bulong niya, halatang nahihiya rin. "Hindi ko sinasadya." Sabay hawak sa aking kamay na ikinakislot ko, sabay atras. Napangiti ako ng bahagya, pilit na itinatago ang kaba sa aking dibdib. "Okay lang," sagot ko, kahit na ang puso ko’y tila tumatalon sa mapangahas niyang nagawa. Maya-maya ay dumating si Sister Alyana, kaya nawala na ang kaba sa aking dibdib. Ang kanyang presensya ay parang malamig na hangin na nagdala ng kaunting katahimikan sa aking naguguluhang isipan. "Kumain na tayo," aya ko sa kanila, pilit na binabalik ang normal na tono ng aking boses. Ngunit sa loob-loob ko, ang mga tanong at damdamin ay patuloy na nag-aalab. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang ang simpleng pagkakalapit namin ay nagdulot ng ganitong kalituhan sa aking puso? Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya paminsan-minsan. Ang bawat galaw niya, ang bawat ngiti, ay parang may kakaibang epekto sa akin. Parang may mga paru-paro sa aking tiyan na hindi mapakali. Pilit kong iniwasan ang mga mata niya, ngunit parang may magnetong humihila sa akin pabalik. Prepare for your doom, Zee! "Zee, alalahanin mong ikaw ay isang Madre! Bakit ba parang kang uod na nilagyan ng asin kapag tumitingin si Castiel sa iyo? Talagang bruha ka! Huwag mong mkalimutang mag-novena mamaya! Ang dami mo nang kasalanan kay Lord." Bulong ko sa aking sarili. Habang malalim ang aking pag-iisip, bigla na lamang may kumalabog na tila may nabasag sa itaas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD