CASTIEL'S POV:
Naranasan mo na bang ma-love at first sight? That feeling when you see someone for the first time and your heart instantly falls for them. Simula nang una ko siyang makita ay hindi na naalis ang mukha niya sa isipan ko.
Day and night, palagi ko siyang pinapangarap na makasama. Her image lingers in my mind, and in my dreams, making it hard to think.
Damn! I looked at the picture of her that I've kept since we were in college.
Napakaganda niya talaga, her beauty is timeless, her smile is captivating. The way her eyes sparkle with life, and the gentle curve of her lips. Damn! Talagang tinamaan ako sa kaniya.
Isang pangyayari ang naganap noon. Akala ko ay hindi ko na ulit siya makikita pa, pero tila gusto ng Diyos na magkita ulit kami, ngunit sa kasamaang palad ay isa na siyang ganap na madre.
However, I will not cease. hanggang hindi siya nagiging akin. Kahit anong mangyayari, kukuhanin ko siya sa ano mang paraan, maangkin ko lamang siya. I will not falter, until the day she stands by my side, her hand in mine, our hearts beating as one.
Para sa akin ay kami ang nararapat, hindi ang ibang lalaki o ang Diyos na sinasamba niya ngayon.
"Naloloko ka na ba?" Mom asked me, pero determinado na ako. Pagod ko siyang tinitigan, bago naupo sa sofa at pumikit.
Ilang taon nang wala si Kuya, siguro naman ay pwede na akong maging masaya.
"Parehas ko kayong mahal ng Kuya mo, at kung iyan ang magpapasaya sa'yo ay hindi kita hahadlangan." Sambit niya, sabay yakap sa akin nang mahigpit na ginantihan ko naman.
I am a businessman, I travel frequently for work, meeting clients, and closing deals across various cities and countries. My schedule is often packed, but I always find time to think about her. Despite the hectic lifestyle, my thoughts are never far from her, and I am determined to make her mine.
Kaya naman nang nahanap na ng aking investigator ang location ng aking mahal ay kaagad akong lumipad patungo roon.
Palihim kong binili ang palengke at nagtayo rin ng kung ano-anong shop para lang makita at mapalapit sa kaniya. Kung masasabing stalker ako ay sumasang-ayon ako roon.
Kaya ngayong narito na ako malapit sa kaniya ay hinding-hindi na ako aalis pa. Marahil ay nagtataka nga siya kung bakit ako narito at nakikipag-agahan sa kanya.
Kasalukuyan kaming nagku-kwentuhan nang biglang may lumagabog sa loob ng bahay.
Dali-dali kaming napatakbo sa loob at sinilip kung anong nangyari.
Pagpasok namin, napansin namin ang isang candle holder sa sahig na katabi ng isang pusa. Natakot ako sandali dahil inakala kong mayroong kakaiba, ngunit pusa lang pala ito. Naisip ko pa man din na baka may nagmumulto na dito sa loob ng bahay.
Natigil ang aking pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ni Zee. Sino naman kaya ang tumatawag sa kaniya?
"Hello po, opo. SIge po, pupuntahan ko na po." Narinig kong sabi niya, bago tumingin sa akin.
"Pasensya na sa abala, pero maaari mo ba akong samahan sa bayan? Kailangan ko lang kuhanin ang pinadala ni Sister." Nahihiya niyang sabi.
"Oo naman, ikaw pa!" Tuwang-tuwa kong sabi. "Ngayon na ba?" Kinagat ko ang aking labi para 'di mahalata ang aking excitement.
Pagkakataon ko na ito para makasama at masolo siya ulit.
"Oo, kukunin ko lang ang bag ko." Paalam niya bago nagmamadaling umakyat sa taas.
Si Sister Alyana naman ay tila nahihiyang tumingin sa akin, nang mapabaling ang tingin ko sa kaniya. Namumula ang mukha niya nang tumungo siya at marahang tumalikod.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Zee, kaya sabay kaming lumabas ng bahay at sumakay sa aking sasakyan.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Kahit na wala siyang makeup at hindi na natatakpan ng tela ang buhok niya ay napakaganda niya pa rin tingnan. Iba talaga kapag natural ang ganda, nakakabighani at napakasarap titigan.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang biglang tumirik ang aking sasakyan. Nang i-check ko iyon ay halos gusto ko nang sipain ang sasakyan ko.
Bakit ngayon pa?! At dito pa sa talahiban? Nakakahiya kay Zee! Pakiramdam ko ay napakalaki ng aking pagkukulang. Bakit ba hindi ko naisip i-check ito kanina?
"May problema ba?" Tanong niya, may halong pag-aalala sa kanyang boses.
"Mukhang nasira ang makina," nahihiya kong sabi, pilit na itinatago ang aking pagkadismaya.
"Gano'n ba?" Tumingin-tingin siya sa paligid at biglang napangiti sa tinatanaw niya. "Mayroon atang bahay do'n? Hingi tayo ng tulong?" Positibo niyang sabi kaya mabilis akong tumango sa kanya, nabuhayan ng loob sa kanyang pagiging optimismo.
"Tara?" aya ko.
Sabay kaming naglakad patungo roon, matapos kong ma-ilock ang pinto ng aking sasakyan.
Pagkarating namin sa harap niyon ay napagtanto naming isang maliit na hotel iyon na tila luma pa.
Sa harap ng lumang hotel, ang bubong ay may mga bitak na nagpapahiwatig ng maraming taon ng pagkakalantad sa panahon. Ang pintuan ay may kalawang, at ang mga bintana ay may mga salamin na bahagyang natanggal na.
Nagakatitigan kami ni Zee sa nakita, tatalikod na sana kami nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at sa taranta naming dalawa ay napatakbo kami ng mabilis at agad sumilong sa harap ng lumang hotel.
Habang pinapagpag namin ang basa sa aming mga braso, may isang tao na lumapit sa amin.
"Hi, magche-check in ba kayo?" tanong ng isang babae.
Zee and I found ourselves staring at the hotel again and quickly shook our heads.
No! Luma na nga ang bahay na tinutuluyan ni Zee, pero tinitiis ko lamang. Dumagdag pa itong hotel na ito.
"Kung gano'n ay maari niyo ba kaming samahan sa loob. Kulang kasi ng witness sa kasal, kaya kung pwede ay kayo na lang? Saglit lang naman, please!" Pagmamakaawa niya pa.
Napangiwi ako sa pakiusap niya, pero nang ngumiti si Zee at marahang tumango ay wala na akong nagawa.
"Sige, Walang problema sa amin," sambit niya na ikinailing ko.
Pa'no kung may multo pala sa loob?
Upon entering the old hotel, the scent of wood and dust hung in the air. Namamatay-matay pa ang ilaw sa lobby, na ikinakaba ko ng kaunti.
Sa dami ng gagabapan nang kasal dito pa sa loob ng lumang hotel!
Tatlong tao ang sumalubong sa amin mula sa pinto ng lugar kung saan gaganapin ang kasal. Isang magandang bride, na may ngiti sa kanyang mga labi, ang lumapit sa amin. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa tuwa at ang kanyang mukha ay puno ng saya. Marahil ay excited siya na maikasal kaya ganyan na lang siya makangiti.
Agad niya kaming pinapasok sa loob na tila nagmamadali.
"Salamat sa pagpunta, pasok kayo!" Natutuwang wika ng bride.
Pagpasok namin ni Zee sa loob ay sabay kaming napangiwi nang makita ang groom ng bride.