ZEELINA'S POV:
Muntikan na kaming mapatalon ni Castiel nang makita ang isang litrato ng isang lalaki, na nakalagay sa ibabaw ng kneeler. At sa likod niyon ay isang kabaong na halos ikahimatay ko.
Napakabilis ng takbo ng aking puso. Diyos ko po, Lord! Ano ba itong napuntahan namin? Mukhang sa patay pa ata ikakasal ang babaeng ito. Nanginginig ang aking mga kamay habang pinipilit kong intindihin ang sitwasyon.
Nang magtangkang lalabas si Castiel ay hinarangan siya ng isang malaking lalaki kaya bumalik siya sa aking tabi.
Tss! Balak pa ata ako iwan dito ng damuhong na ito. Buti na lang!
"May problema ba?" tanong ng lalaki sa baritonong boses na ikinailing ni
Castiel nang mabilis.
Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot. Basta ang alam ko ay hindi kami dapat narito.
Lord, kung nanaginip man po ako, sana ay gisingin mo na ako! Maling-mali na pumayag ako na pumasok kami sa loob ng hotel na ito. Akala ko naman kasi ay simpleng kasal lang ang aming papasukan.
"Ah... puwede po bang magbanyo?" tanong ni Castiel sa katabi niyang lalaki na nakasandal.
"Mag-uumpisa na!" nakakatakot na sagot ng lalaki kaya muling tumahimik si Castiel.
Diyos ko, wala talaga kaming pag-asa na makalabas dito.
May babaeng lumapit sa akin, at mahinhin na ngumiti sa amin ni Castiel.
"Sister, pasensya na po kayo. Pati kayo ay nadamay rito. Saglit lang naman po ito, wala po kasing ibang dumating kung 'di kayo lamang. Kakapalan ko na po ang mukha ko. Kayo po ang maglalagay sa bride at groom nito," sabay lahad niya ng puting tali na ikinalunok ko.
Inay ko po! Wala na bang totodo d'yan? Baka gusto niya din na maghugas kami ng paa ng bride at groom.
Pikit-mata kong tinanggap ang tali, kahit na kabadong-kabado na habang nakatitig sa unahan.
Andito na ito, pagbigyan na namin. Tutal ay ito ata ang kahilingan ng lalaking yumao. Kahit dito man lang ay makatulong kami.
"Naku, maraming salamat, Sister! Hulog kayo ng Diyos sa amin." todo ngiti niyang sabi, bago kami talikuran.
Napa-face palm na lang ako sa aking naging desisyon.
"Bakit mo tinanggap?" bulong na sita sa akin ni Castiel.
"E, nahihiya ako, e." Depensa ko. Ang aking boses ay bahagyang nanginginig, tanda ng aking kaba.
"Nakakatakot! Tingnan mo 'yung hitsura ng groom!" bulong pa rin niya, habang itinuturo ang nakabukas na kabaong at kitang-kita ang pangit na hitsura ng bangkay.
"Para kang hindi lalaki!" Lakas loob kong bulong na sita sa kanya. Ang aking boses ay puno ng tapang, ngunit sa loob-loob ko ay puno ako ng kaba.
Tila naasar naman siya sa aking sinabi at inilapit ang mukha sa akin na ikinalaki ng aking mata.
"Lalaki ako ha, gusto mo..." sabi niya, habang nakatitig sa labi ko. Bigla akong kinabahan sa mga mata niyang tila kay pusok, mas nakakatakot pa sa kinaksal sa harap namin.
Bago pa man ako makapagsalita, narinig namin ang isang malakas na tunog mula sa likod ng kabaong. Napatingin kami ni Castiel sa isa’t isa, parehong nagtataka at natatakot. Lalo na nang nagpatay-sindi ang ilaw, at kitang-kita ko na nakatayo ang kaluluwa ng groom sa tabi ng bride. Muli ay nagkatinginan kami ni Castiel, na tila nakita niya rin ang nakita ko.
“Narinig at nakita mo 'yun?” bulong ko sa kanya, ang boses ko’y nanginginig.
“O-oo,” sagot niya, halatang kinakabahan din.
Bago pa man ako makapagsalita ulit ay lumapit muli ang babaeng nagbigay sa amin ng tali. Ngayon, may kasama siyang isang matandang lalaki na may hawak na malaking libro.
“Pasensya na po kayo,” sabi ng babae, “kailangan na po nating simulan ang seremonya.”
Ang matandang lalaki ay tumingin sa amin ng seryoso, at nagsimulang magbasa mula sa kanyang libro. Ang kanyang boses ay mababa at parang nanggagaling sa ilalim ng lupa.
“Sa araw na ito, tayo ay nagtitipon upang ipagdiwang ang pagsasama ng dalawang taong nag-iibigan,” sabi niya, habang ang kanyang mga mata ay tila tumatagos sa amin. “Ang kanilang pagmamahalan ay hindi natatapos sa kamatayan, at ngayon ay muli silang magsasama kahit maging sa kabilang buhay.”
Naramdaman ko ang paglamig ng aking katawan. Ang bawat salita ng matandang lalaki ay parang nagdadala ng bigat at kaba sa akin. Napatingin ako kay Castiel, na ngayon ay tila mas kinakabahan pa kaysa kanina.
“Bakit ba tayo nandito?” bulong niya sa akin, ang kanyang boses ay puno ng takot.
“Hindi ko alam,” sagot ko, “pero kailangan nating magtulungan para makalabas dito.”
Naramdaman ko ang paglamig ng aking mga kamay. Napatingin ako kay Castiel, na ngayon ay tila hindi na mapakali, na para bang natatae.
“Anong gagawin natin?” tanong niya, ang kanyang boses ay halos pabulong na.
“Basta sumunod na lang tayo,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang aking sarili. “Wala tayong magagawa kundi makisama.”
Ang mga tao sa paligid ay nagsimulang magdasal, at ang kanilang mga boses ay naghalo-halo, nagiging isang malalim na tunog na nagdudulot ng kilabot lalo sa aking katawan.
“Ngayon, ilagay niyo na ang tali,” sabi ng babae na nagbigay sa amin ng puting tali.
Nang tawagin kami upang magsabit ng tali sa bride at groom ay halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa sa panginginig ng aking tuhod. Kung hindi pa hinawakan ni Castiel ang aking kamay baka tuluyan akong naestatwa roon.
Parang isang mahika, ang mainit niyang kamay ang tila naging isang gasolina na nagsindi sa aking buong katawan upang makakilos.
“Sa pamamagitan ng tali na ito, kayo ay magiging isa magpakailanman,” sabi ng matandang lalaki. “Ang inyong pagmamahalan ay hindi matatapos sa kamatayan.”
Just as I was about to put the white cord, the lights flickered. Sa takot ay mabilis akong tumalikod.
Nakagat ko ang aking labi nang makitang mas nauna pang maglakad sa akin si Castiel patungo sa aming pwesto.
Marahan ko siyang siniko nang makatabi ako sa kanya.
"Iniwan mo ako!" inis na reklamo ko.
"Aray ko, Zee!" Sabay haplos niya sa braso niya na akala mo naman talaga masakit ang pagkakasiko ko.
“Bakit mo ako iniwan doon?” bulong ko, pilit na tinitimpi ang aking sarili na magalit.
“Nakakatakot kaya!” bulong niyang sagot sa akin.
Bago pa man kami makapag-usap pa, narinig namin ang matandang lalaki na muling nagsalita.
“Ngayon, ipagkakaloob natin ang kanilang mga pag-iisang dibdib sa walang hanggan,” patuloy ng matanda, habang inilalapit ang kanyang kamay sa kabaong. “Sa pamamagitan ng ritwal na ito, sila ay magiging isa magpakailanman.”
Nang sabihin ng matandang lalaki sa bride na pwede na kaming umuwi ay mabilis na kaming nagtatakbo ni Castiel, magkahawak kamay palabas ng silid na iyon, kahit na wala pang sinasabi ang bride.
Hingal na hingal kami paglabas ng hotel na iyon at ramdam ko ang lamig ng aking pawis. Pero kahit hinihingal ay sabay kaming napatawa habang tumatakbo patungo sa sasakyan ni Castiel.
Kahit sira ang sasakyan, napagpasyahan naming manatili na lamang sa loob nito. Hindi pa kami tuluyang nakakaupo nang mapansin namin ang bride na lumalapit sa harap namin, kasama ang kabaong na parang tila nasa isang prusisyon.
Sa takot ay napatalon ako sa ibabaw ni Castiel at siniksik ang mukha ko sa leeg niya, habang pikit mata akong yumakap sa kanya nang mahigpit.