CHAPTER 16

1093 Words
ZEELINA'S POV: Sa sobrang takot ko ay hindi ko na namalayan ang aking ginawa. Natauhan lang ako nang maramdaman ang mahigpit niyang yakap sa akin. I froze when I felt his fingertips slowly pinching my waist. Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan sa aking ginawa, at ang t***k ng aking puso ay tumitindi, dumadagundong na tila hindi ko kayang pigilan. Sa init ng aking pisngi ay sa tingin ko na namumulang kamatis na ang aking mukha sa pagkapahiya. Mabilis akong kumalas mula sa pagkakayakap niya. Ngunit mabilis niya rin akong napigilan, at sa pagtama ng aming mga mata ay nakita kong namumungay ang mga mata niya na tila nanghi-hipnotize. Halos tumigil ang paghinga ko nang unti-unti niyang nilapit ang kaniyang labi sa aking labi. Nang madampi ang kanyang mga labi sa akin ay tila may apoy na sumiklab sa aking kalooban na hindi ko kayang pigilan. Pakiramdam ko'y nawala ako sa sarili nang magtagpo ang aming mga labi. His lips have the taste of sweet jam bursting within my mouth, just like Nolan's. I knew it was wrong, yet the pull of temptation was stronger than reason. Habol hininga kami nang tumigil sa paghahalikan. Regret settled like a stone in my stomach, but the taste of his kiss was irresistible. Nang sumilay ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi ay saka lang ako natauhan. Mabilis akong umalis sa pagkakaupo sa kanya at bumalik sa aking upuan. Nasapo ko ang aking ulo nang mapagtanto ang maling nagawa. Ano ka ba naman, Zee? Bakit ka gumanti?! It's not like you don't know what it feels like to be kissed; you already know it. Kaya bakit mo pa rin ginawa na alam mo namang mali? Oh, God! I'm so sorry po, promise hindi na ako magiging marupok! Nang tumingin ako kay Castiel, hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang mapupulang labi at agad din akong umiwas ng tingin. Diyos ko! Parang napakasalanan ng kanyang labi. I glanced in his direction again as he cleared his throat, a signal that he was about to speak. "Okay ka lang? Sorry, hindi ko sinasadya na halikan ka," hindi makatingin niyang sabi sa akin. "I know it's forbidden to kiss you, but I couldn't help myself. Your lips are so inviting." Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa bintana. Ano bang gusto niyang maging sagot ko sa sinabi niya? “Zeelina, please say something,” he pleaded, his voice trembling with emotion. “I can’t bear the silence. Please naman, oh!” Ano bang gusto niyang isagot ko sa kanya? Alam niya naman na hindi kami pwede. Isang pagkakamali ang nangyari sa pagitan namin, at hindi na dapat iyon muling mangyari. Huminga ako nang malalim bago sumagot, "kalimutan na natin 'yon. Isa lang 'yon pagkakamali!" Giit ko, kahit na ramdam ko pa rin ang init ng kanyang mga labi sa akin. “Zeelina,” mahina niyang bigkas, “hindi ko kayang kalimutan ang halik na iyon." Lumapit pa siya sa akin bago muling nagsalita, “I’ve never felt this way before." Hirap na hirap niyang sabi. Napakabilis ng t***k ng aking puso. Ang mga salitang iyon ay parang mga pana na tumama sa kaluluwa ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapang gayong sobra-sobra na ang pagkapahiya ko. "Tulad ng sabi ko, kalimutan na natin iyon! H'wag mo nang ipilit, dahil alam mo naman na hindi pwede! Bakit hindi mo subukang paandarin ang sasakyang ito, at nang makaalis na tayo sa lugar na ito!" masungit kong sabi, pilit na winawaglit sa aking isipan ang halikang ginawa namin kanina. Nakita ko ang pagkabahala sa mga mata ni Castiel. Ang kanyang mga mata ay naging seryoso, at tila ba’t ang pag-asa ay unti-unting nawawala. “Zeelina,” sabi niya, “alam kong ito’y bawal. Ngunit hindi ko rin kayang pigilin ang nararamdaman ko para sayo. Kahit hindi mo ngayon tanggapin ang pagmamahal ko ay maghihintay ako. Pasensya ka na, hindi ko kayang bitawan ang nararamdaman ko para sa'yo.” Pagkasabi niya no'n ay nag focus siya sa unahan. Nakita ko ang paraan ng pagtitig niya sa unahan. Alam kong nasasaktan siya, kitang-kita ko ang paglamlam ng kaniyang mga mata, pero hindi maaari ang kaniyang gusto. Tss! Bakit ba kami napunta sa tagpong ito? Kasalanan mo 'to, Zee! Kung hindi ka naging marupok ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Dahil sa kalandian mo ay napaamin tuloy sa'yo si Castiel. Matagal niya na kayang nararamdaman iyon? Pero hindi pa naman kami ganoon katagal na magkakilala, bakit tila kay lalim na ng nararamdaman niya para sa akin? Sinubukan niyang pihitin ang susi at nag-start nga iyon. Nagkatinginan kaming dalawa sa gulat. "I swear, hindi 'to nagana kanina!" Gulat na gulat niyang sabi. "Mabuti na 'yan para makaalis na tayo dito," sambit ko, binalewala ang nangyari kanina. Kailangan ko pang kuhanin ang padala ni Sister sa akin. Kung hindi lang kami na stranded sa nakakatakot na hotel na ito ay baka kanina pa kami nakauwi. Nang pinaandar ni Castiel ang sasakyan at madaanan nito ang hotel ay nakita ko pa ang babaeng nagbigay sa akin ng cord na kumakaway sa amin na tila alam na dadaan kami. The girl looks happy, ni walang bahid na takot sa presensya niya, but I got goosebumps when she waved. "Hala, ano iyon?" Takang tanong ni Castiel na nakatitig din pala sa lumang hotel nang madaanan namin iyon. "Ewan! Baka multo talaga siya? Para kasing alam niyang dadaan tayo," sambit ko, na tila walang nangyari sa aming dalawa at nagbalik kami sa casual naming pakikitungo sa isa't-isa. Nagpatuloy ang kanyang pag-drive hanggang sa makarating kami sa bayan, at nakuha ko naman agad ang pinadalang pera ni Sister. Habang kami ay naglalakad pabalik sa aming sasakyan nang bigla na lamang may isang matandang babae na humarang sa aking daan, nakatitig sa akin ng matindi. Ang kanyang mga mata ay nagpapahiwatig ng takot at pangamba, na tila ba may nakakatakot at nakakapangilabot na mensahe. Sa kanyang mga mata, nababatid ko din ang bakas ng pinaghalong takot at awa. Diyos ko, ano ba ito? Bakit lagi na lang may kakaibang tao na lumalapit sa amin? Ako'y isang simpleng madre lamang, ngunit bakit tila ba napakaraming misteryosong pangyayari ang nagaganap sa aking paligid? Hindi ba maaaring ibaling mo na lang sa iba ang mga ito, Lord? Inamin ko ngang ako'y nahihilig sa mga kwentong maligno, engkanto, at paranormal, ngunit hindi ko inakalang mararanasan ko ang mga ito nang ganito, Lord naman! Kaunting awa naman, sana. "Umuwi ka na sa kanya, hindi siya titigil sa paghihiganti!" sigaw ng matandang babae, na ikinalaglag ng aking panga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD