CHAPTER 17
ZEELINA'S POV:
"Hello po, Nay!" I greeted her with a smile, masking my fear of her piercing gaze.
"Nagugutom po ba kayo?" Pambabalewala ko sa sinabi niya.
Baka kasi gawa lang ng gutom kaya siya nagkakaganyan. Baka sakaling makatulong ako.
"Hindi ako nagugutom!" Matalim niyang sabi, na ikinakagat ko ng aking labi.
I really want to help her. Bata pa lang ako ay mahilig na akong tumulong sa mga nangangailangan, iyon din ang turo sa akin ng aking mga magulang.
"Hayaan na natin siya," sabad ni Castiel.
"Pasensya na po." I responded with a bow of my head in apology, disregarding Castiel's words.
"Nakikita ko na nababalutan ka ng itim na aura!" deklara niya, habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa at nanatiling nakatitig sa aking mukha.
Aura? Isa ba siyang manghuhula? Mahilig ako sa hula, ngunit nakakatakot malaman ang hinaharap. At itim na aura pa, parang kinikilabutan ako. Baka mamaya ay bad news pala ang black aura.
"Sandali lang ho, ano hong kailangan niyo kay Zee?" Singit muli ni Castiel, trying to block her as she tries to step forward me.
Hindi siya pinansin ng matanda, bagkus ay mas lalo pa akong hinarap ng matanda nang ako mismo ang lumapit sa kanya.
"Ano po ba ang kahulugan niyon?" Madalas kong naririnig ang tungkol sa mga kulay ng aura, ngunit hindi ako sigurado kung may katotohanan ba ito.
"Ang sa iba ay kamalasan ang dala ng itim ng aura, ngunit sa'yo ay swerte. Dahil sa ito'y isang proteksyon mula sa iyong ninuno."
Napasinghap ako nang hawakan niya ang aking kamay. Ang kanyang mga daliri ay malamig at matigas.
"Mula sa aking ninuno?"
Her words sent a shiver down my spine. The idea that my ancestors were protecting me, that I was somehow connected to them in a way I couldn’t fully understand, was both comforting and terrifying.
Kung may proteksyon ako ay bakit niya ako pinauuwi at sinong hindi tumitigil sa paghihiganti?
"Oo, may mga kaluluwa na mas pinipili nilang manatili kung anong katauhan nila sa kasalukuyan upang maprotektahan ang mahal nila sa buhay, at may mga kaluluwa naman na pinipili na muling isilang katulad mo."
Muling isilang katulad ko? Ibig sabihin ay nabuhay na ako noon? At pang ilang buhay ko na ito? Totoo naman kaya ang sinasabi niya?
"Paano niyo ho nalaman?" tanong ko, ang aking mga mata ay nakatingin sa kanya, umaasa na mayroon akong makuhang kasagutan.
"Dahil ilang beses na akong nakakakita ng katulad mo!"
"Ho?" tanong ko, naguguluhan at medyo natatakot.
"Minsan, ang isang kaluluwa ay nagbabalik dahil mayroon itong hindi natapos sa nakaraang buhay," paliwanag niya, ang kanyang mga mata’y puno ng lungkot at pang-unawa. "Sila'y muling isinisilang nang paulit-ulit hanggang sa makamit nila ang kanilang mga hangarin, tulad mo!" Dagdag niya, na lalong nagpaigting sa aking kuryosidad.
Fear and anticipation churned within me. Why was she sharing this with me, a stranger?
How did she know my soul’s journey? I glanced at Castiel, who is also curious and waiting for him to speak, but he remained silent. Siguro ang curious din siya sa sinasabi ng matandang babae.
Nang muli ko siyang tingnan ay nakatitig na ito kay Castiel.
"Napakalungkot ng iyong sinapit, sana ngayong may pagkakataon ka ay sunggaban mo na." Sabay tingin niya sa akin, na para bang may ibig siyang sabihin.
Her words echoed in my mind. Kung muli akong isinilang katulad ng sinasabi niya ay ano naman kaya ang hindi ko natapos noon na ngayo'y binabalikan ko? Posible kaya na ang nasa litrato sa aming tinutuluyan ngayon ay maaaring ako?
Hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement sa aking narinig.
"Alam kong alam mo ang aking sinasabi. Hindi ba, Iho?" Kumunot ang aking noo sa sinabi ng matanda.
Kitang-kita ko ang malalim na paglunok ni Castiel nang sabihin iyon ng matanda.
Ano ‘yun? May alam siya sa nakaraang buhay niya? Iyon ba ang ibig sabihin ng matandang babae?
Maya-maya'y naramdaman ko ang kamay ni Castiel sa aking likuran, his hand brushed against mine, sending a jolt of electricity through my veins. Kaya naman napatayo ako ng tuwid, at lumayo sa kanya upang hindi niya mahawakan ang aking likuran, kasabay no'n ang pagtaas ko ng kilay.
Anong trip ng lalaking ito? Alam niya naman na nasa public kami, bakit niya ako hinahawakan? Ano na lang sasabihin ng mga taong dumadaan sa paligid? Na malandi at masama akong madre na hindi nararapat maglingkod sa Diyos? At ano ang alam ni Castiel ang sinasabi ng matanda?
The old woman stepped closer; her eyes filled with ancient wisdom.
“Ang pag-ibig ay hindi palaging masama,” she murmured. “May mga pagkakataon na ito’y nagbibigay liwanag sa madilim na landas.”
Her words lingered in the air, resonating within me deeply.
Umiling-iling ako't hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Bakit niya naman nasabi iyon na tila sakto sa iniisip ko.
"Sorry po, kailangan na po naming umalis," Sabay tingin niya sa langit na unti-unti nang dumidilim. "Dumidilim na, medyo malayo pa ho ang aming uuwian." Saad pa ni Castiel.
"Kung may katanungan ka, balikan mo ako rito. Naroon lamang ang bahay ko." Pahabol na sabi ng matanda nang mag-umpisang hilahin ako sa braso ni Castiel, palayo sa matandang babae. "At isa pa, h'wag mong hintayin na malaman ng pamilya nang pinaghihigantihan ng ninuno mo, dahil oras na malaman nila ay gaganti sila sa'yo sa paraang hindi mo kakayanin! Babala niya na nag-iwan ng tanong sa aking palaisipan.
Agad na binuksan ni Castiel ang pintuan ng kanyang sasakyan at maagap na tinulungan akong makasakay nang makita niyang natulala ako. Pagkatapos, dali-dali siyang umikot at sumakay sa upuan ng driver.
He clicks his tongue before starting the engine.
Habang nagmamaneho siya ay hindi ko maiwasang tumitig sa kanya. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa manibela, at ang mga mata niya’y seryosong nakatuon sa kalsada. Ano kayang iniisip niya? Naniniwala rin kaya siya sa sinabi ng matanda?
Tila napansin niya naman ang pagtitig ko sa kanya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Gutom ka ba, gusto mong kumain muna tayo bago umuwi?" tanong niya.
Doon ko lang naramdaman ang gutom, kanina pa pala kami na 'di kumakain. Kung ano-ano naman kasi ang nangyayari sa amin ngayong araw.
"Siguro sa drivethru na lang para mabilis tayo makauwi," sagot ko.
Agad siyang kumanan papunta sa isang tanyag na fast food chain, at mapalad naman kami dahil walang pila kaya't tuloy-tuloy lang kami sa counter.
Halos malaglag pa nga ang aking panga sa dami ng inorder niya, ano patay gutom lang?
"Bakit ang dami?" taka kong tanong.
"E, gutom na gutom na din ako." Sagot niya, sabay tunog ng aming mga tyan kaya sabay rin kaming natawa sa isa't-isa.
Pagkatanggap ng aming order, hindi na kami nakapaghintay pa at agad na kaming kumain habang nagbibiyahe.
Nagulat na lamang ako nang bigla siyang lumiko sa isang di-kilalang daan, iniisip na baka ito'y shortcut dahil malapit na rin kami sa lumang bahay na tinutuluyan namin ni Sister Alyana. Subalit, nagtaka ako nang tuluyan niyang ipasok ang sasakyan sa isang garahe na hindi pamilyar sa akin at doon huminto.