ZEELINA'S POV: Matapos kaming magpunta kay Nana Esme ay dumeretso na kami sa beach. Finally, matutuloy na ang bakasyon namin ni Castiel. Saka ko lang naalala ang cellphone ko nang magring iyon. "Sino 'yan?" Kuryosong tanong ni Castiel nang marinig din ang cellphone ko. "Si Mommy, wait lang sagutin ko lang," paalam ko sa kanya. "Hello, anak? Umalis ka daw? Saan ka pupunta? Uuwi ka ba ng bahay?" Sunod-sunod na tanong ni Mommy. "Uupo kami pagkatapos ng pupuntahan ko, My." Sagot ko. "Kayo?! Sinong kasama mo? Saan ang punta niyo?" Pangungulit niya pa. "Si Castiel, 'yung apo ng kaibigan ni Lolo. Ipapaliwanag ko na lang pag-uwi ko, Mommy," sabi ko, sabay baba ng cellphone dahil natatakot ako sa dami ng kanyang mga tanong. Nang tingnan ko si Castiel ay may bahid ng ngiti sa kaniyang labi

