ZEELINA'S POV: What the heck?! Kakatapak pa lang namin sa pintuan ng bahay ng matandang babae ay alam niya na agad na pupunta kami ngayong araw? "Maupo kayo, Iha't Iho! Natutuwa akong pinuntahan ninyo ako ngayon," wika niya matapos ilapag ang orange juice sa coffee table. "Salamat po," sabay kuha ko ng juice at inabot ang isa kay Castiel. "Alam kong kanina ka pa nauuhaw kaya naghanda na ako, Iha. Ako nga pala si Nana Esme," pakilala niya sa amin ni Castiel. I look around and find her house creepy, filled with antiques, mirrors and altar on the side. Napalunok ako nang 'di oras ng nagkatinginan kami ni Castiel. "Kinakabahan ako," bulong ko kay Castiel. Lumapit naman si Castiel sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay, while smiling at me. "H'wag kang mag-alala kasama mo na a

