PROLOGUE
“Sumama kana samin , Althea." Pagsusumamo pa ng kanyang kaibigan na si Anne.
Kababata niya si Anne.Tinuring niya na din itong kapatid dahil narin sa mahabang panahon na kasama niya ito.
Naging kanlungan niya din ang kaibigan lalo na nung pumanaw ang kanyang Mommy.Ito lang ang tanging tao na pinahihintulotan niyang samahan siya.
Pero matagal na panahon na iyon.May bagong asawa na din ang Daddy niya na ngayon ay naninirahan sa Cebu.
Nagpaiwan sa Manila si Althea sa kagustohan narin ng Daddy niya na mapabuti siya kaya pinayagan siya nitong manatili sa Manila kasama ang pamilya ni Anne na kanyang kaibigan.
Graduating silang pareho at kahit kurso ay pareho sila ng kinuha kaya talagang masasabi nilang hindi lang pagkakaibigan ang meron sila kundi higit parun.
Napabuntong hininga si Althea.Paano ba naman kasi ayaw niyang lumabas sa gabing ito.Parang gusto niya lang matulog.
Pilit siyang hinahatak ng kanyang kaibigan na si Anne. “ Sige na Althea, sumama kana!". Inis nitong saad habang siya naman ay pinigilan ang sarili na hindi matawa dahil sa pagiging childish ng kanyang kaibigan.
Alam niya kasi kung bakit gusto siya nitong isama.Makikipagkita na naman ito sa boyfriend niya chixboy na kahit kelan ay di niya talaga gusto para sa kaibigan but sino nga ba naman siya ?Di ba?Sabi nga ng iba “ love is blind" at isa ang kaibigan niya doon.
“ Okey! Okey! Dahan-dahan naman Anne. Baka mabali patong kamay ko dahil lang jan sa kakatihan mo!"
Hindi niya napaghandaan ang pagsugod sa kanya ni Anne kaya muli siyang napahiga sa kanyang kama.
. . .
Alas otso na pero pareho silang hindi pa tapos sa pagbibihis.Panay palit kasi ng damit itong kaubigan niyang si Anne.Kaya hindi din siya makabihis-bihis dahil gusto ng kanyang kaibigan mas mauna ito at siya ang titingin kung ok ba ang suot o hindi.
“ Ano ba Anne, aalis pa ba tayo o hindi na?" Naiinis niyang tanong sa kanyang kaibigan.Halos isang oras na kasi itong papalit-palit ng damit.
Sinimangutan lang siya ng kanyang kaibigan.
“You know what, Anne? Huwag ka nalang kayang magdamit para hindi ka na jan maproblema!"
Muli naman siya nitong sinabunotan. “ Ouch!" .Reklamo niya.Nakasanayan na kasi siya nitong saktan kapag ganitong binabara niya .
“ Ouch your face!"
. . .
Pasado Nine na ng matapos silang dalawa.Sa huli ay Black highwaist short at white croptop lang naman ang suot ng kanyang kaibigan pero inabot pa sila ng halos isang oras bago ito makapagdesisyon kung ano nga ba talaga ang isusuot nito.
Maganda, maputi at makinis si Anne, habang si Althea naman kay kabaliktaran ni Anne.Morena, matangkad , maganda at mas sexy naman siya kaysa kanyang kaibigan.
Kaya mas marami parin ang naakit sa kanya kumpara sa kaibigan niyang si Anne pero ni isa sa mga manliligaw niya ay wala siyang sinagot.
. . . .
Sabay silang pumanaog ni Anne.Nasa condo niya kasi ito nakatira simula nung nagka-condo na siya.Isang taon na din kasi ang nakalipas nung umalis siya sa poder ng pamilya ni Anne.Bumili kasi ng condo ang Daddy niya para sa kanya kaya.Kaya itong kaibigan niya parang naging pariwara na dahil sa wala na nga silang bantay.
Deritso sa basement ung Elevator buti na lang dahil walang ibang tao sa loob ng Elevator kaya tuloy-tuloy ang naging pagbaba nito.
Pagkabukas ng Elevator ay kaagad silang lumabas, mas nauna pa si Anne sa paglakad papunta sa kanyang kotse.
Kita niyang hawak na nito ang handle ng kotse. “ Open na, Althea!" Sigaw nito sa kanya. Binuksan niya din naman ito kaagad dahil ayaw niyang masabunotan siya nito.
Kaagad na pinaandar ni Althea ang makina ng kanyang kotse pagkapasok niya sa loob ng kanyang sasakyan habang ang kaibigan niya ay busy sa kakaretouch ng mukha at halos isubsob na nito ang mukha sa driver's mirror na nakasabit lang sa harapan .
. . . . .
Nasa daan na sila ng may tumawag sa kanyang kaibigan.Hindi niya na ito tinanong dahil alam niya naman na si Carlos ang tumawag dito.
Habang nakatuon ang tingin ni Althea sa daan hindi niya naman maiwasan na e fucos ang tainga sa kaibigan na halos parang ibon ang tinig ng bosea dahil sa sobrang pagpapacute.
Naiirita na siya. “ Hindi ba pweding kausapin mo ng matino yang bf mo, Anne? Para ka namang ibon sa pagpapacute mo!Naku, baka sa susunod niyan e iyang ibon kana naman?". Natatawa pa siya sa sinabi niya habang matalim lang siyang tiningnan ng kanyang kaibigan.
“Hands up , dude." Aniya pa sabay taas ng kanyang isang kamay at tumahimik na siya.Bumalik naman sa pagpapabebe ang kanyang kaibigan.
10:26 na ng makarating sila Althea at Anne sa venue na sinabi ng bf ng kanyang kaibigan.Matao na sa labas at parang pahirapan narin ang pagpapark sa lugar.Paikot-ikot ang ginawa ni Althea hanggang sa nakahanap na rin sila ng pweding pagparkingan ng kanyang kotse.
“ Let your puppy know's that were here" Utos niya kay Anne.Mabilis naman siyang sinunod ni Anne na para bang sinang-ayunan ang pagtawag niya ng puppy sa boyfriend nito.
Maya-maya ay nakita nilang lumabas sa Bar ang bf ni Anne.May kasama itong isang lalaki na sa tingin niya ay ngayon lang nito nakasama.
Napakunot na lang siya ng noo ng bigla-biglang lumabas ng kotse si Anne at iniwanan lang siya sa loob.
“Crazy!" Tsaka siya bumaba.
Liberated nga naman kaya hindi na bago kay Althea na makita ang kaibigan na nakikipaghalikan sa maraming tao. Hindi niya na hinintay pa na yayain siya ng mga ito na pumasok sa loob ng bar dahil nauna na siyang pumasok.
Maingay at sobrang dami na ng tao sa loob ng bar.Marami na rin ang nasa dancefloor at puro lutang na sa tingin niya.
Hindi din naman nagtagal at pumasok sa na loob ng bar ang kanyang kaibigan kasama ang bf nito.Nasusuka pa siya ng tingnan niya ang mga ito dahil halos may kung anong pandikit sa mga katawan sa sobrang dikit sa isa't -isa.Nakita niya rin ang lalaki na kasama ni Carlos na lumabas kanina, nasa likod lang ito ng dalawa na parang buntot na sumusunod.
Nakita niyang papunta sa kanya ang tatlo, kaya kinawayan niya si Anne. “ Hi, Althea".Bati sa kanya ni Carlos ang bf ng kaibigan niya.
Nagtango lang siya ng ulo.Nuon pa naman kasi hindi niya na ito gusto pero palagi parin siyang sumasama sa mga labas ng mga ito.
“ By the Althea, this Jacob my friend from NY". Pakilala pa ni Carlos sa kaibigan nito.
“Who cares".Sabi ng isip niya.Plastikang nginitian ni Althea ang sinabing Jacob pero hindi niya akalaen na hahalikan siya nito sa pisngi kaya nataman niya ito.
“ Opps!" Sabay sabi ng mag nobyo.
Hawak ang isang pisngi at nakangiting tumingin sa kanya ang lalaki habang nangdidilim sa galit si Althea sa ginawang paghalik nito sa kanya.
Muling inilapit ni Jacob kanyang mukha kay althea sa pag-aakalang nanakawan na naman siya nito ng halik ay kaagad niyang itinaas ang isa niyang kamay para sampalin ulit ito pero nabigo siya dahil mabilis siya nitong nahawakan.“ Virgin?" Mahinang bulong sa kanya ng lalaki saka binitawan ang kanyang kamay na hawak nito kanina pa.
Parehong nagtakip ng bibig si Anne at ang nobyo nitong si Carlos at kitang-kita niya ito.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang dalawa tsaka niya iniwan ang mga ito.
Nasira ang gabi ni Althea dahil sa kaibigan ni Carlos at kahit anong pilit sa kanya ni Anne na umupo sa table nila inaayawan niya dahil sa lalaking sumira sa kanyang gabi.