Chapter 2:First Kiss

1470 Words
"Chloe naman! Alam mo naman na sukdulan ang pagkainis sa akin ng Kuya mo, s'ya pa talaga ang pasasamahin mo sa akin?" Kanina pa kami nagtatalong dalawa dahil ipinipilit n'ya ang kagustuhan n'yang pasamahan ako sa Kuya n'yang parating galit. "Misya, hindi ako mag-aalala kung si Kuya ang kasama mo. Nagsabi na rin ako sa kanya at pumayag naman s'ya." "Whoa..Wait! Pumayag ang tukmol na yun na samahan ako? Tama ba pagkakarinig ko?" Medyo nanlaki ang mata ko dun ha, hindi kasi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Bago kasi sa pandinig ko. Hahaha. "Oo nga, saka pwede ba wag mo kasi tinatawag ng kung anu-ano yung tao kaya lalo naiinis sayo eh!" ang natatawa pang pagkakasabi nito. "Eh..., sa talaga naman mainit ang dugo nun sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya, ang sabihin mo pikon talaga yang Kuya mo noh!" ang naka ingos kong sabi. "Mabait naman si Kuya, hindi ko rin alam kung bakit ganon s'ya sayo." "Oh s'ya! Wala naman akong magagawa kung yan ang ikakapanatag ng loob mo, sabi mo nga pumayag din naman yang si Sanzei. Total naman saglit lang ako sa falls. Siguraduhin mo na maganda talaga ang lugar na yun, pambawi sa pagtitiis ko sa kasungitan ng Kuya mo!" Natatawa na naiiling na lamang s'ya sa mga pinagsasabi ko. Ganito naman kami laging dalawa ang gaan lang ng life. Araw ng sabado ngayon at ito ang araw na sasamahan ako ni Mr.Sungit sa falls na tinutukoy ni Chloe. Excited na ako makapunta doon. Sana ganon din yung makakasama ko para naman masaya. Sabi ni Chloe ay kahit pagkatapos namin makapananghalian na kami pumunta. Ihahanda ko muna ung bag na paglalagyan ko ng mga ilang gamit tulad ng camera, cellphone at pamalit na damit. "Hmmm, Ano kaya kung magsuot na ako ng swimsuit tapos patungan ko na lang ng t-shirt at short para pagdating ko doon ay huhubarin ko na lang kapag gusto ko maligo," isang idea na pumasok sa aking isip. At bago sumapit ang tanghalian ay bumaba na ako dala ang backpack ko. "Tamang-tama ang baba mo Misya, magtungo ka na sa hapag-kainan sabayan mo ng kumain si Zei para makaalis na agad kayo, may inihanda din akong meryenda para sa inyo," ang nakangiting bungad sa akin ni tita Carol. Mga ngiting ito ni tita Carol alam na alam mong nanunukso na agad eh. "Sige po tita, salamat agad-agad," sabay kindat ko dito na ikinatawa n'ya lamang. Iniwan ko muna ang aking bag sa sala bago tumungo sa dining table. At prente naabutan ko ang kamahalan na maganang kumakain. "Hi," bati ko dito na tinanguan lang ako, syempre may bago ba dun? Umupo na ako para kumain na rin. Halos sabay lang naman kami natapos kumain at tumayo na, nauna s'ya sa akin tumungo sa sala habang ako ay nilabit ang tinutukoy ni tita na hinanda n'yang meryenda para sa amin. "Iho, be nice to her naman," dinig kong sabi ni tita Carol. Ma, i do! Ito na nga't sasamahan ko na s'ya," sagot nito sa ina. "Okey mag ingat kayo doon at mag ingat sa pagmamaneho," tumango lang ito bilang sagot sa ina. "Oh! nandyan na pala si Misya, umalis na kayo para mahaba-haba ang oras n'yo sa pag stay sa may falls." Kinuha ko ang aking bag at inilagay sa likod ko, magpaalam na sana ako ng biglang- "Are you sure that you are wearing a proper piece of clothes papunta sa falls?" "Bakit wala naman masama sa suot ko ah?" balik tanong ko sa kanya at sinipat ko pa ang aking sarili. "Oo nga Iho, okey naman ang suot n'ya," nagtatakang tumingin sa akin si tita para tingnan kung may mali sa suot ko. "Nevermind! Lets go para makarating tayo agad doon," sabay talikod at nauna ng lumabas. Nagsusungit na naman po ang ating bida. Habang nasa sasakyan kami ay wala kaming imikan, tanging tugtog sa radio ang maririnig mo at hindi naman sa pagmamalaki, dahil maganda ang boses ng bida n'yong babae kaya sinabayan ko na lamang yung kanta kesa naman mapanis ang laway ko dito sa kasama ko. For the first time I am looking in your eyes For the first time I'm seein' who you are I can't believe How much i see When your looking back at me Now I understand Why Love is Love is For the first time Hindi ko alam kung bakit parang tinamaan ako sa kantang ito. "You have a nice voice." Hindi ko inaasahan ang kumento nito na medyo ikinainit ng aking mukha. Madami naman ang nagsasabi sa akin na magaling ako kumanta, pero bakit iba yung naramdaman ko ng sa kanya na nanggaling ang papuri. "Syempre ako pa ba? Inborn ang tawag sa talent ko na yan," sabay taas baba ko pang kilay na sagot sa kanya. "Tsk, all you need is to say Thank you, ang dami mo ng sinabi." "Oh di Thank you, para sa ikaka tahimik ng pagkatao mo," sarkastikong sagot ko. Hindi na s'ya sumagot pa, balik na naman kami sa pagiging tahimik hanggang sa ihinto na n'ya ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. "Kailangan natin lakarin papunta doon sa may falls. Bring all your things na kailangan mo para hindi na tayo pabalik-balik dito sa sasakyan," sa malamig na tonong pagkakasabi nito. Hindi na lang ako umimik at sinunod na lamang ang sinabi nito. Bumaba na ako at kinuha yung mga dapat dalhin na nasa likod ng sasakyan. Nakasunod lamang ako sa kanya dahil s'ya naman yung nakakaalam ng daan. Nang mga ilang sandali ay naririnig ko na ang lagaslas ng tubig na lalo kong ikina excite. Dahil sa katuwaan ko ay tumakbo ako at nauna na sa kanya. "Be carefull Misya, malalaki ang mga bato dyan baka mapaano ka," ang nakukunsuming sigaw nito. Nang makarating s'ya ay naabutan na n'ya ako na kumukuha ng mga pictures. "Grabe! Ang ganda naman dito," ang namamangha ko pang pagkakasabi. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya, ng lingunin ko ito ay inilalatag n'ya ung kumot na dala namin para isapin sa malapad na bato na pwede maupuan at lagayan ng mga dala namin. Masyado ako nalibang sa kakakuha ng mga larawan at selfie, pagtingin ko sa kung saan naroon si Zei kanina ay wala na ito. Baka may pinutahan lang anya ng isip ko. Dahil may suot naman akong swimsuit ay naisipan ko na lamang maligo kaya agad kung hinubad ang aking damit, wala naman ibang tao dito kundi kami lang dalawa at hindi ko rin alam kung nasaan s'ya. Lumusong ako sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam ng katamtamang lamig ng tubig, sa aking pagtatampisaw ay hindi ko namalayan na may tao na sa aking likuran. "Are you trying to seduce me?" aniya na nakataas ang kilay at naka krus ang mga braso nito sa dibdib. "Seduce? Me? Teka lang ha magkalinawan tayo Mr.Sungit, wala akong ginagawa sayo anong seduce, seduce ang pinagsasabi mo dyan!" "Saka kung sakali nga na i-seduce kita, uubra ba naman sayo?" ang paghahamon ko dito. "Don't try may patience Misya, maybe i dont like you, but still im a man, we both know that, just you and me here." Aba't sira ulo pala ito eh, sa likod ng kasungitan n'ya ay may ganito s'yang say sa buhay. "I know Zei, wag mo ng ulit-ulitin dahil alam ko naman umpisa pa lang na ayaw mo sa akin sa hindi ko din malaman na dahilan kung bakit umuusok na agad yang ilong mo kapag nakikita mo ako. But you know what, i don't care if you don't like me," at nginitian ko s'ya ng ubod ng tamis na kahit ang langgam mauumay. "F**k." he cursed. At alam mo ba yung kasabihan na, The more you hate someone, the more you love. Be careful Zei baka magulat ka na lang na love mo na pala ako," ang may pang asar na pagkakasabi ko rito at sinabayan pa ng malakas na tawa. Mas lalo lamang akong natawa dahil halos hindi na maipinta ang pagmumukha n'ya sa pagka pikon sa aking mga sinabi. Hindi ko alam kung dahil ba sinagad ko ang pagkainis at pagka pikon n'ya sa akin kaya hindi ko inaasahan ang sumunod n'yang ginawa. Hinatak n'ya ako palapit sa kanya." You'll gonna pay for this," sinapo n'ya ang magkabilang kong pisngi at hinalikan ng mapag parusa. Nasabi kong mapag parusa dahil medyo masakit ang paraan ng kanyang pagkakahalik. Ilang segundo akong hindi nakahuma sa ginawa n'ya sa akin at ng magbalik ako sa sariling ulirat ay agad ko s'yang tinulak at sinampal. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa pagkakasampal ko ngunit hindi ko ito pinansin bagkus tinalikuran na lamang ito. "Tangina! Sa daming pwedeng maka kuha ng first kiss ko s'ya pa talaga!" nagngingitngit kong bulong habang pabalik kung nasaan ang aming mga gamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD