Chapter 1:Mr.Sungit

1051 Words
Dumaan muna ako sa kwarto ni Chloe para magpaalam na may pupuntahan.May nakita kasi ako na isang shop ng mga memorabilia na nadaanan namin ng papunta ako dito sa lugar ng aking bestfriend para bisitahin s'ya at makapag bakasyon na rin. "Sigurado ka ba na hindi mo kailangan ng kasama pagpunta mo doon? Kung gusto mo pasasamahan kita kay ate Laura, isa sa mga kasama namin dito sa bahay baka kasi maligaw ka pa." Ang may pag-aalalang tono na pagkakasabi ng aking bestfriend kaya mahal na mahal ko ito ei. "Gurl wag na, malapit lang naman at saka alam ko naman kung saan banda yung shop, hindi naman ako maliligaw saka mas malaki pa rin ang US kumpara dito,wag ka na mag-alala kaya ko ang sarili ko,"pangungumbinsi ko sa kanya. Inabot n'ya ang parehong kamay ko. "Pasensya ka na, kung hindi kita magawang masamahan man lamang sa pag-gagala mo,alam mo naman ang sitwasyon ko.Hayaan mo sa weekend pakiki-usapan ko si Kuya na igala ka n'ya sa mga magagandang tanawin dito sa lugar namin." Natawa na lamang ako sa sinabi n'ya.Ako pasasamahan ako sa Kuya n'ya? "Gurl, baka lagnatin yung Kuya mo kapag ginawa n'ya ang pabor na yan,ang tawag dun IMPOSIBLE." Nagkatawanan na lamang kaming dalawa sa sinabi ko at magkasamang bumaba ng masalubong namin si tita Carol. "Oh! Iha, may lakad ka?" "Opo tita,may pupuntahan lang ako saglit, may ipagbibilin po ba kayo?" "Ah wala naman iha, tulad lang kahapon alam mo na siguro yun"sabay kindat nito sa akin. "Mama"..tila nahulaan na naman ng aking kaibigan ang ibig sabihin ng kanyang ina. "Okey lang yun Gurl," sabay bigay ng nakakalokong ngiti dito. Umiling na lamang ito sa mga kalokohan namin ng kanyang ina. "Sige po tita, walang problema." Agad tumungo sa kusina ang ginang para kunin ang isang bagay na ipinakisuyo n'ya. Nasa byahe na ako lulan ng taxi kung saan ako unang pupunta ay hindi mawala-wala ang mga ngiti ko,paano ba naman sigurado ako na magiging masaya naman ang araw ko. Bakit? Wait n'yo na lamang, malalaman n'yo rin mamaya. Wag kayo umasa baka masaktan lamang kayo! Haha may ganon teh? Pero gusto kong sulitin yung mga panahon na ilalagi ko sa lugar na ito.Dahil matatagalan na naman bago ako makapag bakasyong muli. "Ma'am, nandito na po tayo," magalang na pagbibigay alam ni manong driver sa akin. Pagkaabot ng bayad ay bumaba na ako na may isang matamis na ngiti na nakaharap sa isang mataas na gusali. "Ano kaya ginagawa n'ya ngayon?" At dali-dali na s'ya naglakad papasok sa loob dahil mainit at tirik na tirik ang araw, malamang tanghali nga di ba? Nasa tapat na ako ng pinto ng opisina nito ay hindi na ako nag dalawang isip na kumatok at buksan ito. "Oh! Bakit nandito ka na naman?. "Madami akong ginagawa ngayon, wala akong panahon para sa mga kakulitan mo," ang bulyaw na bungad na naman n'ya sa akin pagkapasok ko sa opisina nito para dalhan ito ng pananghalian. Sa mga nakaraang araw,palagi akong napaglalambingan ni tita Carol na dalhan ng pagkain ang lalaking ito na ipinaglihi sa kasungitan. Ipinatong ko agad ang aking dala-dala sa kanyang lamesa. "Dinalhan kita ng pananghalian mo para naman mabawasan yang pagsusungit mo at saka bakit ka ba nagagalit sa akin ei napag-utusan lamang ako ni tita,hmmp." "Magpasalamat ka na lamang dahil pumayag pa ako noh," pagtataray ko sa kanya. Wag kayong ano dyan!Gustong-gusto ko naman talaga na ako ang nagdadala ng pagkain n'ya at alam kong sinsadya rin ni tita. "May driver naman na pwede utusan kung sakali na may ipapadala si Mama, hindi mo na kailangan pang pumunta dito," patuloy pa rin ito sa pagsusungit. "S'ya, aalis na ako idinaan ko lang talaga dito ang mga yan para sayo bago pumunta sa pupuntahan ko." "At saan ka na naman pupunta?...Sino kasama mo?" Tingnan mo ito,kung makatanong akala mo tatay ko. "Bakit mo inaalam kung saan ako pupunta? Hindi naman siguro masama kung gumala ako or makipag date". Sa sinabi ko bigla ito natauhan,naisip siguro n'ya kung bakit din s'ya nagtanong ng ganong bagay. "Alam ba ni Chloe na umalis ka?" Ayaw ko lamang na mag-alala ang kapatid ko kung may mangyari sayo na hindi maganda," ang medyo malumanay na pagkakasabi nito. Mabait naman sana ito, base sa mga nakikita kong ipinakikita n'ya sa magulang at kapatid nito pero pagdating sa akin akala mo nakalunok ng dinikdik na kamyas sa asim ng pakikitungo. "Oo, alam n'ya na umalis ako at may pupuntahan,wag ka mag-alala hindi naman ako kasing-sama ng akala mo para pag-alalahanin ang kapatid mo." "Mabuti naman kung ganon, makakaalis ka na." Grabe wala talagang kupas ang pagsusungit. "Oo na aalis na po! Atat na atat ka talaga palayasin ako noh? Tseee!! "Ayaw ko rin naman masira ang magandang mood ko kung magtatagal pa ako dito dahil lamang sa isang tao d'yan na ipinaglihi sa sama ng loob!" Ang pahabol kong parinig dito. At ayun na nga, nagtaasan na naman ng kasing taas nitong building na pinagtatrabahuan n'ya yung mga kilay nya. "Pwede ba! Tigilan mo kakasabi na ipinag-lihi ako sa sama ng loob,dahil hindi naman yan totoo." "Hoy Zei, baka hindi pa nakakaabot sa iyong kaalaman, yung hitsura mo daig mo pa pasan ang lahat ng problema sa mundo kapag kaharap mo ako, gwapo ka sana alam mo ba yun? Syempre hindi mo alam yun! Hahaha," ang sagot ko dito na may bahid pang-aasar. Ayan na naman sya,konting push pa sasabog na naman yan parang bulkan. "Alis!...Habang nakakapag timpi pa ako sayo at kung maaari lang wag ka na babalik dito," tumayo ito at nagtungo sa may pintuan at binuksan ito. Dating gawi, sanay naman na ako sa araw-araw ba naman na dalhan ko s'ya ng lunch n'ya ay ganito s'ya magpasalamat sa akin. Naglakad na ako patungo sa pintuan dahil ipinagbukas na naman n'ya ako para lamang palayasin, ang gentleman noh? "Bye Mr.Sungit, wag mo ako mamimis ha?" Ang bulong ko sa kanya ng pagdaan ko sa tapat n'ya bago lumabas ng pintuan. Hindi ko na s'ya nilingon dahil wala naman ako mapapala,ikaw ba naman pagkalabas na pagkalabas ko isinarado nya agad ang pinto.Tssk! Ang sarap talaga asarin ang lalaking yun, pasalamat s'ya type ko s'ya khit nuknukan ng kasungitan. Kaya siguro hanggang ngayon hindi nagkaka girlfriend. Iiling-iling na lamang ako habang naglalakad papunta sa may elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD