“Ano ba ang nangyayari sayo ngayon FJ? Kanina ka pa nakatulala, bubuhusan na kita ng tubig ng magising ka.” Nabigla naman ako sa sigaw saakin ni Ma’am Lannie. Nung uwian kasi ay dumiretso na ako sa MG Restaurant at kahit na nandito na ang katawan ko e ang isip ko ay nasa nakakainis pa rin na announcement na iyon. Gusto ko sanang tanungin kanina si Leo kaso nga lang e napanghinaan ako ng loob lalo na at maraming taga Special Class ang nakatingin sa akin. Pucha. Wala sa bokabularyo ko ang mahiya.
“Sorry po Ma’am Lannie. Di na po mauulit.” Umirap lang ang manager namin at umalis na. Psh, sarap upakan kung di lang mas matanda at mas mataas sakin.
“Anyare ba sayo, FJ? Ganyan na nga itsura mo pinapahaggard mo pa sarili mo sa kakaisip.” Narinig kong sabi ni Leyra sa tabi ko habang nagsasalamin.
“Eh kung wag mo nalang kaya akong pakielamanan ng hindi ka maging pangit tulad ko?” sabi ko saka talikod sa kanya. Pumunta naman ako sa assigned place ko, baka kasi may magtawag na customer. Pag-gantong badtrip ako ay talagang makakatikim ng pambabara ang tao sakin kahit na katrabaho ko pa.
Bakit kaya ako napunta sa Special Building. Pano na ito ngayon? Hindi maganda ang kutob ko dito. Ang sabi nila ay mayroon daw na qualifications ang pagiging isang Special student o ang tawag ko nga ay The Gold Holders. Nako talaga, naiinis ako, putek.
Natapos naman agad ang shift ko sa MG Restaurant at pumunta na ako sa 7-11. Sobrang panghihinayang ang nararamdaman ko ng ibigay ko ang sulat na naglalaman ng ‘Resignation Letter’ ko. Pinaliwanag ko lang ang aking dahilan na kailangan ko ng mas maraming time para sa eskwelahan. Totoo naman iyon dahil iba na ang mundong papasukan ko, sa ayaw at gusto ko kailangan kong makipagsabayan sa kanila. Ayaw kong nahuhuli ako porket mahirap at pangit ako.
Sadyang hindi lang mawawala saakin na hindi mainis dahil nga leche lang, nawalan ako ng isang pagkakakitaan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mahirap makahanap ng trabaho lalo na sa katulad kong pangit at high school pa lamang. Hays. Ngunit ganun pa man ay mas mahalaga para saakin ang pag-aaral.
“Sayang naman Jonna at aalis ka sa trabaho.” Shift ni Jennifer ngayon at nalaman na rin niya na nagresign na ako. Hindi naman alam nito na nag-aaral ako sa isang alta-sosyedad na eskwelahang Matias Gil University. Paniguradong maghihysterical ito dahil nga parang napakaimposible para sa akin at mas lalo kung malaman niya na ako’y nasa Special Building na kakaiba ang pag-aaral, leksyon, patakaran at napapaligirang ng napakaraming guards.
Nginitian ko lang siya ng tipid at umalis na sa 7-11. Hindi ako sanay sa pag-papaalam dahil kailan wala naman akong dapat ikapaalam dahil para sakin katrabaho ko lang siya at wala ng iba. Sabi ko nga, ayaw kong may napapalapit saakin.
Umuwi ako sa aking apartment ng masama ang loob. Sarap magmura ng malakas dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Ano bang nangyayari? Naiirita na ako.
Ang tanging nakausap ko lang ay ung bagong adviser ng Special Class. Si Mr. Francis Calixto. Sinabi niya saakin ang gagawin bukas dahil start na ako sa Special Building. Dapat daw sa isang linggo pa pero baka daw kasi kung anong gawin saakin ng mga estudyante sa Building A dahil daw karamihan dito ay nagagalit at naiingit saakin. Pucha. Palit nalang kami pwesto, kala naman nila gusto ko dun at kahit naman di pa ako naitatransfer sa Special Class e talagang may ginagawa na silang masama sakin. Psh.
Bahala na! Ano naman ngayon kung mapunta ako sa building na iyon. Tao lang rin sila at kahit pa anong mangyari, walang magbabago. Ako pa rin si Francheska Jonna Mulindigma. Wala ng makakapagpabago nun at isa akong Ugly Amazona. Papasok lang ako at hindi makikipag-interact sa mga abnormal na nandon.
“So, this is the passcode of your locker. You can put your P.E Uniform, or extra clothes, books and things you need there.” Nandito ako ngayon sa office ni Mr. Francis Calixto upang makinig sa mga sasabihin niya.
“Eto pa, inside this box is your uniform in Special Class, you need to wear this from now on sa tuwing papasok ka. Stricly complete uniform. Okay? This is the Special Building Handbook. You need this to cope up with others. The rules are written there…” sabi nito at inabot saakin ang manipis na parang libro. Nakasulat dito ang mga katagang..
Matias Gil University Special Building Handbook.
Kinuha ko naman ang medium box na may lamang uniporme at ung libro.
“..and, punta ka sa katabing office ko, you have to renew your ID. That’s it! Congratulations on transferring here in Special Building. I am Mr. Francis Calixto, the adviser of the Special Class. Im looking forward to our classes.” Tumayo ito at tumayo rin siya. Mukhang mabait ito kung ikukumpara sa lecheng teacher noon ng Special Class na binastos siya. Kaimbyerna yun, buti nalang pinatalsik at napalitan.
Nagshake hands lang kami at ngumiti lamang ako ng pilit. Umalis na ako at dumiretso na sa katabing office nito. Isa lang naman ang katabi niya at the rest pader na, malawak kasi ang office nito kaya paniguradong sakop nun lahat. Kumatok muna ako at pumasok sa office na katabi nito.
May isang babaeng mukhang nasa mid 30’s naman ang nakita kong nakatayo at may hawak na SLR Camera. Napatingin ito saakin at tipid na ngumiti. “Oh you must be the new student. Come here, I’ll just ask you a few questions then I’ll take a picture of you and make your Official ID.” Wala naman akong sinabi at lumapit lang don sa table niya. May nilabas siyang ballpen at papel na may sulat na mga tanong.
“Alright, we’ll make this fast, kasi malapit ng magsimula ang class niyo.” Sabi niya at tumango lang ako.
“Whats your full name?” tanong sakin ng hindi nakatingin at sa papel na pipill-upan lang nakatingin.
“Francheska Jonna S. Mulindigma po.” Bigla naman itong napahinto at nakatulalang napatingin sa kanya. Well, sanay naman siya na sa tuwing may sasabihan siya ng pangalan niya ay ganto ang reaksyon, pero nakakapagtaka dahil dati kasi tinatawanan ito pero ngayon iba.
Napataas lang ako ng kilay at para siyang biglang natauhan, sinulat niya iyon at marami pa siyang tinanong tulad ng edad na 16 at marami pang iba. Nakakainis naman! Nabobored na ko.
“So tara, suotin mo na ang uniform mo at ng makasimula na tayo. Ayusan muna kita.” Naging extra careful ito sa kanya at napapansin niya na hindi na ito tumitingin sa mata niya. Wala lang naman sa kanya yun baka kasi sobrang pangit lang talaga siya kaya ayaw nitong titigan ang mukha niya.
Pumasok sila sa parang dressing room na puro salamin. Hinayaan niya naman akong magbihis magisa at pagbukas ko palang ng box ay nasilaw na ako sa kumintab na gold sa sleeves, collar nito. Hindi naman ako nagiinarte dahil maganda talaga ang uniporme at agaw pansin. Hindi na ko nagaksaya ng oras at sinuot na ito. Sakto lang sa hapit ng katawan niya. Nakakapagtaka. Dati kasi, ung uniporme niya sa Building A ay napakaluwag sakanya. Medyo ilang lang siya ngayon dahil hapit nga ito sa katawan niya pero sa comportable naman.
Tinignan niya ang sarili niya at napamangha. Kahit pala pangit ang lecheng ako e magmumukhang mayaman sa mga ginto ng unipormeng ito. Totoo kaya ito?
“Uhmm, Ms. Mulindigma, are you done?” narinig niyang sabi ng babae at napamura na lang siya. Leche, apelyido ko pa talaga ang ginamit. Lumabas siya at nakita niyang ngumiti ang babae sa kanya at pinaupo siya sa harapan ng salamin. Nilugay nito ang buhok niya at sinuklay. Medyo nagtagal don dahil matigas ang buhok ko at masakit pala mag-suklay, kaya wala sa bokabularyo ko yan e. Kainis!
Pero infairness, ayos pala itsura niya pagnakalugay, wavy pala buhok niya. Inapplyan lang siya ng lipgloss at p*tng-julalay talaga, kadiri! Ang lagkit.
Pinaupo na siya at tinapatan ng camera. Sana matapos na to. Daming kaartehan. Ngumiti lang ako ng tipid na di umaabot sa mata at Yes! Tapos na.
Kinuha ko lamang ang backpack ko, ung box ng uniporme ko noon, at ung handbook. Ilalagay ko nalang sa locker ung uniporme ko noon. Nakakatuwang isipin na may locker akong libre. Wala kasi ako noon dati. Purita lang ang pangit.
Wala pang limang minuto pero dumating na ang babae at binigay saakin ang ID. Gold nanaman?
Ang nakalagay?
Name: Francheska Jonna Mulindigma.
Age: 16 years old.
Student no.: SpecialClass Platinum #00002
Nagulantang naman ako sa litrato. Pucha! Iba talaga ang edit ngayon no? Ganda ko dito. Mukhang tao. Nakakatuwa naman. Pinin ko agad ang Id ko at ngumiti sa babae.
“Thank you. Pwede bang humingi ng tissue?” sabi ko at ngumiti siyang ibigay sakin ang tissue. Agad ko namang pinunasan ang labi kong may lipgloss at tinapon yon sa basurahan. Tumingin ako sa salamin at medyo may pula pa rin ang labi ko pero atleast hindi malagkit kadiri kasi. Hinayaan ko nalang ang lugay kong buhok kasi minsan lang naman at nagpaalam na sa babae.
Kinuha ko ang Handbook at hinanap ang map papunta sa locker. Nakakagago kasi yung laki ng building na to. Hindi naman ako bobo sa mapa at nakita ko ang locker ko.
Ayun. Platinum #00002.
Isang locker lang ang katabi ko. Weird. Pinagwalang bahala ko iyon at tinype ang passcode na nasa papel na ibinigay ni Mr. Calixto. Ang laki ng space kaya nilagay ko don ang box pero iniwan ko sakin ang handbook para mabasa ko ang letseng patakaran ng imbyernang school na to.
Tinignan ko ang orasan at mag e-8:30 na at binuksan ko ulit ang mapa para makita kung anong room ang papasukin ko ngayong oras. Magsta-start na ang klase pero wala parin akong nakakasalubong. Maaga kasi akong pumunta dito syempre bagong salta. Tss.
Sa Special Room #4 kami ngayon ayon sa schedule. Sinundan ko lang ang mapa at ayun, nakita ko na ang pinto. Kakatok pa ba ako? Psh, syempre hindi na, para mainis sila. Binuksan ko ang pinto at nakita ko agad ang pagmumukha ng bago kong mga kaklase. Weird pero halos sa 30 lang kami pero isang building talaga ang kailangan? Psh, wala namang seksyon dito e. Special Class lang talaga.
Nakita ko naman sa unahan si Mr. Calixto at ngumiti siya saakin. Tumango lang ako at napatingin ulit sa mga nakaupo sa mga sofa. SOFA po! Hindi ung student’s chair. Pinakita kong parang wala lang sakin ang nakikita ko kahit na walang hiya, mura ako ng mura sa isip ko dahil ano ba itong classroom na ito! Parang bahay!
“Welcome Ms. Mulindigma. Come here in front and introduce yourself.” Lumapit naman ako at nakatingin lang lahat sila saakin.
Nasa harap na ako, blanko ang ekspresyon. Hindi talaga ako kinakabahan, ano yun? Ganda lang para maginarte? Tss, tao lang din naman ang mga mokong na to.
“Francheska Jonna Mulindigma.” Yun lang ang sinabi ko at tumingin uli sa kanila, nakita kong napasinghap ang karamihan. Napansin ko ang upuan/sofa na pangdalawang tao, nasa likod ito at prenteng nakaupo don ang lalaking kinatatakutan ko, si Rafael Leo. Nakatitig ito saakin at ang kaninang kabang hindi ko nararamdaman ay naramdaman ko. Leche!
“Uhmm, and you’re student Id no. Please?” narinig kong sabi ni Mr. Calixto.
Tinignan ko ang ID ko at madali lang naman memorizin. “Special Class Platinum #00002.” Yun lang at bigla nanaman silang nagulat.
“You look good kapag nakalugay ang buhok mo, muntik ka na naming di makilala.” Sabi ng adviser. So yun pala, kaya pala sila nagulat na ako ang Francheska nung sa program sa kasi nakalugay ako ngayon.
Nakatayo pa rin ako doon at hindi gumagalaw. Sht, lahat sila naka Apple Laptop. Yun ba libro nila. Ay pocha! Wala ako nyaaaan! Teka, san ako uupo?
Bigla namang napatingin ako sa parang hari na tumayo na nakapamulsa. Rafael Leo. Naglakad ito na parang diyos-diyosan at huminto sa harap niya. Tinignan ko lang ito ng diretso at tinaas ang kilay, hindi nagpapakita ng emosyon. Aba! Sino ba tong mokong nato, papahiyain ba ko neto?
Nagulat nalang ako ng naramdaman ko ang labi niya nakadampi sa labi ko. Fvck!!!! Wala akong nagawa kundi titigan siya sa mata at nakatingin rin siya sakin. May pilyong emosyon na naglalaro sa mata niya at pagkatapos bigla niya akong binulungan, “Welcome, my lady.” Bigla akong kinilabutan lalo na ng umakbay siya at sabay kaming naglakad. Nagpakaladkad lang ako dahil gulantang pa ang sistema ko.
Naramdaman ko nalang na nakaupo na ako sa sofa at katabi niya. Sht! Eto ung upuan niya kanina. Tumingin naman ako sa mga kaklase ko na ngayon at parang wala silang nakita!!! BAWAL BA PDA DITO? ESTE BAWAL ANG s****l HARASSMENT DITO AH!!! BAWAL!!
Ngumiti lang si Mr. Calixto sa akin at nagpatuloy na sa sinasabi niyang pang-wewelcome sakin pero wala akong maintindihan sa mga oras na iyon. Ang tanging naintindihan ko lang ay ang bulong ni Leo sa tenga ko ng mga oras na iyon.
“Next time, tie your hair like you used to.” Napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo ko. Ngumiti lang siya ng nakakakilabot at tinignan ang labi ko.
Hinawakan niya iyon at muling tumingin sa mata ko. “Welcome to my world, my lady.”
P*CHAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!