Isang linggo na ang nakakaraan nung nakapunta ako sa lecheng mansyones ng isang Rafael Leo Gil. Medyo na-garaan lang ako nung nandon ako, pag-gising ko kasi nakatitig lang si Leo sa akin parang may iniisip at dahil medyo hindi ko pa nadidigest kung anong nangyari at ang tanging naisip ko lang e nakatulog ako at pag-gising ko mukha niya ang nakita ko kaya isang suntok ang pinakawala ko sa mukha niya.Wala akong maalala sa nangyari, pano ko nakatulog?
Wag kayong OA mga babae, hindi nasugatan o nagkapasa ang pagmumukha ng pinakamamahal niyong si Leo. Tss.
Nasa klase ako ngayon at tulad ng mga normal na araw, nakikinig lang ako sa pinagsasabi ng teacher, hindi porket isa akong Ugly Amazona ay hindi ko pinapahalagahan ang pag-aaral, ang totoo nyan sobrang mahalaga ito saakin at kahit na sobrang pagod ako sa trabaho ay nag-aaral ako kaya nasa 4-C ako.
Kasalukuyan akong nagtatake ng notes habang nagdidiscuss ang aking Physics teacher. Medyo hirap kasi ako sa formulas kaya double eport ang kaylangan. Tae.
“A-ano, F-francheska.” Napatingin naman ako sa aking kanan, akalain mong hanggang ngayon ay katabi ko pa rin ito.
“Ano nga ba ang pangalan mo?” tanong kong nakataas ang kilay.
“Ouch, I’m hurt. Owkaaay, because you’re the famous queen, I’m gonna repeat it for you. Hi, I am Mariah Felicity Cuevas.” Sabi niya at may saludo pa. Ito ang babaeng hindi nauubusan ng ngiti, well pwede naman kasing pan-toothpaste ang kanyang ngipin para sa commercial.
“C-cuevas?” tanong ko naman. Parang familiar.
“Hell yeaaaaaah! OMG OMG OMG! Kilala ako ng queen. Humaygahd, cant handle it.” Parang siyang tangang naghihysterical. Seryoso pero para siyang gago. Tch.
“Sa totoo lang di talaga kita kilala kaya wag OA pwede? Tyaka parang narinig ko na yang apelyido pero syempre maraming Cuevas sa mundo kaya ano naman ang big deal kung alam ko?” sa totoo lang pinili ko lang ang salitang sinabi ko pero kahit ano talaga ang gawin ko talagang may hindi magandang lumalabas sa bibig ko.
“Ahhh, akala ko you know our family kasi alam mo ang mundong ginagalawan namin e hindi normal sa nakasanayan ng mga normal na tao. I should be in Special Class, pero masyado kasing competitive ang mga tao don so Kuya Lucas told me to stay here and I am very happppppyyyyyyyyyy, yipeeeeee.” Sabi nito. Sa totoo lang masasabing maraming nakikipagkaibigan sa babaeng ito. Kahit naman wala siyang pakialam sa kanyang paligid e napapansin niya na maraming umaaligid kay Felicity dahil katabi niya lang ito kaya napapansin niya. Mga punyetang plastic.
Pero wait ano daw yun? Kuya Lucas?
“Don’t you dare, Lucas or else, I’m gonna kill you.”
“Excuse me po, sir. Nandyan po si Mr. Cuevas.”
“My God, It’s you.”
“KAPATID MO YUNG IMPAKTONG LUCAS CUEVAS?” napasigaw ako kay Felicity at nakita ko ang pagkagulat niya. Lingid din sa kaalaman niya na pinagtitinginan na siya ng kanyang mga kaklase, inis, galit at pandidiri ang nakikita ng mga ito sakanya pero wala siyang pakielam, napakaliit nga naman ng mundo. Buti nalang at wala na ang teacher nila.
“Y-you know my brother? And wait I don’t get it, what’s ‘impakto’? Does it mean ‘handsome’?” napaisip pa ito pero dahil sa gulat niya di niya pinansin ito. Narinig naman niya ang bulungan ng nakapaligid sa kanya.
“Gosh, dalawang linggo na ang nakakaraan, ngayon niya lang nalaman na isang Cuevas si Felicity.”
“She knew Lucas?”
“First, its Rafael and now Lucas? God, Im gonna kill her.”
Dahil tapos na siyang nagemote parang wala lang na bumalik siya sa normal. Ano naman ngayon kung kapatid niya ang magandang nilalang na iyon? Kilalang kilala si Lucas na iyon dito pero hindi ito estudyante sa Special Class dahil nakita niya ang mga tao don nung nakaraan. Psh. Isa pala dapat din si Felicity sa Special Class. Bakit naman ayaw niya dun e halos lahat ng mga walang kwenta niyang classmate e gusto mapabilang dun. Ang sabi may qualifications daw dapat para mapunta dun pero ano naman iyon? Wala siyang balak alamin.
Natapos ng maaga ang klase pero hindi pa rin sila umuuwi. Ang alam niya kasi ay pupunta sila ng auditorium at may iaanounce daw ung dean. Dean ba un? Ay mali potek, yung spokesperson pala ng Dean, potek ang landi landi no? May ganun pa p*ta.
“Hey, walang kang work?” medyo naiirita siya kay Felicity. Sinasabi niya yun dahil hindi siya plastic, pano ba naman kanina pa kausap ng kausap sa kanya at feeling close? Feeling ko ako ang maganda at siya ang hindi e. Di ba ang kapal ko? Oo pangit ako pero may karapatan akong mabuhay leche kayo.
“Tantanan mo ako Felicity.” Matalim na sabi niya. Ayaw niya makipagkaibigan dahil less connection, less worries and less headache. Kung may lesson siyang natutunan sa kanyang buhay ay, “Ang mga taong mahalaga sayo, sila ang magdudulot ng pinakamasakit na parte ng buhay mo.”
Nagpout naman ito at talagang nagandahan siya, nakikita niya ang similarities ng features nito sa kapatid nitong si Lucas.
“Why? I want to be friends with you.” Sabi nito at talagang niyuyug-yog pa talaga siya. Masasama nanaman ang tingin na pinupukaw ng mga kaklase niyang mga inggitera at inggitero. Iniisip ng mga to na pineperahan ko si Felicity dahil ganon naman ang utak ng tao diba? Psh.
Kanina nga e kinulong siya sa cubicle ng CR buti nalang at sanay na siya kaya tinalon niya lang ang pinto. Hayup.
“A-YO-KO.” At iniwan ko siya, masama na kung masama.
Tinatawag na rin naman kami para luminya na at pupunta na sa auditorium para maupo kaya naman ay luminya na ako kahit naiirita ako sa babaeng nasa harap ko sa linya. Tusukin ko kaya mata neto kanina pa irap ng irap ang gaga e.
Nakaupo na kami sa Auditorium at katabi ko sa kanan ko si Felicity, ewan ko dito. Pinaalis niya ung babaeng kaninang nakaupo. Pinakiusapan niya gamit ang charm niya.
“Yie, buti nalang pumayag na makatabi kita. Ambabait talaga ng tao dito. Yipee.” Napatawa nalang siya ng mapakla with matching malutong na mura sa isip niya dahil masyadong oblivious si Felicity sa kanyang paligid. Malamang pinayagan siya nun dahil sikat siya dahil dapat nasa Special Class siya at siya na mismong nagsabi na iba ang mundong ginagalawan niya, obviously sa high class ito. Psh. Hindi ka pakikisamahan ng mga tao dito kung wala siyang makukuha sayo.
Maya-maya ay pumasok ang sa tingin ko ay nasa 30 na estudyante mula sa Special Class. Nasa unahan si Rafael at nasa bandang likod niya si Erika, Nicanne at mga pamilyar na lalaking kasama ng mga ito noong nasa SSC Room siya. Lutang si Leo dahil para itong hari kung maglakad. Psh.
Manghang-mangha ang mga estudyante sa building namin. Yung iba nagpipicture pa at kinikilig kay Leo, tssss. Talagang lutang sila dahil sa Gold colar, sleeves and patch nila. Mga kutong lupa lang sila para sakin. Tss.
“Parang ang yabang nila no?” Napatingin naman siya kay Felicity, kita sa ekpresyon nito ang pag-ngiwi. Biglang gumaan ang loob niya para sa babae, mukhang hindi ito ang inaasahan niyang asta ng babae.
“Dapat nandun ka din.” Sabi nalang niya.
Umupo naman ang mga taga SC sa assigned seats nila na may gold ding paint. Huh! The Gold Holders ang dapat itawag sakanila. Mga siraulo.
“Yeah, at buti nalang hindi ako nandyan because there’s a hidden tight competition sa mundong yan. And promise you will not like it.” Sabi nito at nakita nito ang pagyakap sa sarili ni Felicity na parang kinikilabutan at napailing na parang may naisip o naalala na hindi maganda.
Hindi nalang siya nagtanong pa dahil kahit pa malaman niya ang kaganapan sa mundong iyon, hinding-hindi siya mapupunta doon.
“Goodafternoon students of Matias Gil University. We are very sorry for the late notice but thankful that you are all here.” Panimula ng spokesperson, isang lalaking matipunong naka 3 piece suit. Ang tantya niya ay nasa thirties na ang lalaki.
“I have 3 important announcements to make and we want it to make it short.” Tama yang ginagawa mo magintro ka ng pagkahaba-haba para maging short ito. Leche! May trabaho pa ako sa MG Restaurant.
“Actually, I just received a call from Mr. Gil, and he told me to gather all of you to make this announcement.”
BORING! ://////// Gutom na ko, makabili nga ng Siopao bola bola sa 7-11. Nandun siguro si Jen kasi mauuna siyang pumasok e.
Napatingin naman ako sa direksyon ng lugar kung saan nakaupo ang The Gold Holders. Pero nagulantang ako ng nakita kong nakatitig sa akin si Leo, hindi ako pabebe na parang tangang iiwas ng tingin tulad ng mga babaeng bida sa w*****d kaya tinitigan ko siya pero nung naramdaman ko na ang tagal na ng titigan kasing tagal ng intro ng spokesperson e tinaas ko ang kilay ako at nakita ko ang pag-ismid niya. Inirapan ko lang siya at lecheng lalaki kinindatan ako. Hayup! Hindi mo maintindihan ang trip ng lalaking bipolar na yun. Sobrang nakakatakot kasi ito pero minsan masyado itong…itong…ewan leche naiisip ko palang yung word na yun, kinikilabutan ako.
(Tss. Iniisip mo lang na minsan masyado itong SWEEEEEEET!)
Shut up, Inner Ugliness. Konsensya ko yun. Kung si Anastasia Steele may Inner Goddess, akin Inner Ugliness.
Bumalik ang tingin ko sa stage at nakinig na.
“So lets start, the First announcement is we’re going to have an Achievement Test for the Building A, and for the Special Building, we’re going to have a debate and practical exam.” Ah okay, eto nanaman yung Achievement Test, eto ang maganda sa school na to, High quality of education at hindi hinahayaan na may hindi nag-aaral. Lahat naman dito matatalino pero sadyang may mga MAS matatalino. Debate and Practical Test for The Gold Holders?
Tumingin naman ako sa direksyon ng mga SC at kita ko kung pano kadetermined yung iba, yung iba naman halatang excited. Pero si Leo, blanko lang ang ekpresyon. Tsssss. BIPOLAR.
“Alright, the next is, The students in Building A will no longer see the students in Special Building. We already provide a separate Restaurant for them.” Sabi nito na kinagulat ng lahat. Ang Cafeteria lang kasi ang nag-iisang lugar kung saan pwede mong makatagpo o makasalubong ang mga The Gold Holders. (Panindigan ba kamo?)
Tss, kita ang lungkot at may umiyak pa. NAPAKA-OA TALAGA SARAP MURAHIN!! Nakita ko ang pagkatuwa ni Felicity at maging ako ay natuwa sa news na iyon, ang galing talaga ng tatay ni Leo buti pa yun may utak. HAHAHAHA! Nameet ko na iyon at talagang karespeto respeto at nakakatakot. Sa wakas, hindi ko kailanman makikita ang pagmumukha ng Rafael na iyon. HOHOHOHOHOHO! Sarap kumanta ng napaka-g*gong kanta na…
“Akoooooo aaaaaaaaaaaaannnnggg naaaaaagwaaaaagi….”
Tumingin uli ako sa direksyon ni Leo at nakita ko nanaman na nakatingin siya sakin. Wala ng mantitrip sa kin at wala na ang pinakakatakutan ko. Goodbye Rafael Leo Gil na ko. Yes, BEST DAY EVER! And its my time to smirk. Nakita kong napangiti siya ng nakakatakot. Literal na tumaas ang balahibo ko at may malamig na hangin na tumama sa balat ko.Pakinshet.
Sobrang naapektuhan ang mga estudyante sa Building A dahil sa sinabi ng spokesperson na hindi ko narinig ang pangalan. Yung iba nalungkot at ung iba umiyak, OA! Meron ding nagtatanong kung bakit.
“Okay, calm down...
...Lastly, Mr. Gil told me that the student from Building A, Section 4-C, Francheska Jonna Mulindigma will now be an official student in Special Building and will be included in the list of the Special Class.” Napatayo ako sa sinabi ng spokesperson. A-a-ako ba ang tinawag?
Nagkaroon ng commotion sa Auditorium, marami ang nagwala na estudyante sa Building A, humihingi sila ng eksplenasyon kung bakit ako nalipat at anong qualifications ang meron ako. Nakita ko ang naaawang at gulat na ekspresyon ni Felicity sa tabi ko. Halos ang maririnig mo nalang ay ingay sa Auditorium. P-p-panong nangyari to?
At kahit na nagkakagulo na, ang mga estudyante ng Building A na nagwawala at yung iba nagbabalak pang kausapin ang spokesperson dahil gusto din nilang lumipat sa Special Building nang biglang may pumasok sa isip ko, tumingin ako sa mga estudyante ng Special Class, parang wala lang ang ina-announce kanina para sa kanila, kalmado sila at pinoprotektahan ng mga guard para hindi sila mapano dahil nagkakagulo ang karamihan sa estudyante, tumingin ako sa direksyon ni Leo at nakita ko ang pagsilay ng nakakatakot na ngiti sa mga labi neto.
May lumapit sa aking 5 guard at pinoprotektahan ako at pinapunta sa direksyon ng mga taga Special Class. Ng makarating ako doon ay biglang nanlamig ang katawan ko dahil sa mga tingin na binibigay nila saakin. Pucha!
Ano ba ang mundo nila? Ano ang mundong papasukin ko?
LECHE POTA HINDI AKO MAKAKAPAYAG!!!
Hindi ako isang The Gold Holder. HINDIIIIIII!!!!!!!!!!!!!