CHAPTER 53 "PEACHY, GISING ba si Lemon?" tanong ni Iñigo kay Peachy nang makarating sila sa ospital. Naabutan niya roon ito na nanonood ng TV. "Kakatulog lang niya. Bakit? May kailangan ba kayo?" tanong naman nito sa kanila. Tiningnan na lang muna ito ni Iñigo saka umiling. "Wala naman. Nasaan nga pala ang physician na naka-assign sa kaniya? May itatanong lang kami." "Hindi ko lang sigurado pero kanina kasi ay galing na siya rito. Bakit ba?" Bakas sa mukha ni Peachy ang pag-aalala. "May nangyari ba?" Kaagad na umiling si Iñigo. "Wala wala. Don't worry. May itatanong lang ako tungkol kya Lemon. Kung anong totoong lagay niya." Tumango si Peachy. "Ganoon ba? O sige. Pwede naman ninyo ipagtanong diyan sa Nurse Station kung nakita ba nila si Dok. Magtanong na lang kayo."

