CHAPTER 54 MATAPOS MAPALAYAS ang mga reporters, sandaling nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Walang may nais na bumasag ng katahimikang iyon. Tila lahat ay gulat na gulat pa rin sa mga nangyari. Iisa lang ang mababasa sa mga mata nito habang nakatingin kay Eloisa. Awa. Puno ng awang nararamdaman para sa kaniya. "What happened here?" Nag-angat ng tingin si Eloisa at bigla na lang itong pinangiliran ng luha nang makita kung sino ang bagong dating. "Cloud," bulong nito pero rinig din ni Iñigo bago lumapit at yumakap kay Cloud. Alam niyang mali, subalit hindi mapigilan ni Eloisa na makita kay Cloud si Sky. "S-sorry," aniya bago umalis sa pagkakayakap sa binata. "It's okay," nakangiti nitong tugon subalit taliwas dito ang pakiramdam ni iñigo. Ang natural niyang na

