CHAPTER 55 "LEMON, HINDI ka pa pwedeng umalis!" ani Peachy habang pinipigilan si Lemon na umalis sa kama. Nang madulas kasi siya na wala na si Lola Lorna at nagpupumilit na itong umalis at pupunta raw. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin, Pitchi? Akala ba ninyo malilihim ninyo sa akin to nang matagal?" Nangingilid ang luha sa mga mata ni Lemon. Na-guiguilty si Peachy ngunit ito lang din naman kasi ang inaalala nila. "Sorry na, Lemon. Iniisip lang din namin iyong kalagayan mo. Please," aniya saka niyakap ang kaibigan. "Nakakainis kayo." Bahagyang kumalma si Lemon at pinagpapasalamat iyon ni Peachy. Pakiramdam niya ay amazona itong pinipigilan niya. Hindi naman niya matagawan sina Apple dahil ang alam nga niya ay ngayon ang libing ni Lola Lorna. Lumipas ang ilang mg

