CHAPTER 56 SANDALING ILALAYO ni Iñigo si Lemon sa paningin ng lahat. Pasimple pang sinenyasan ng binata si Ziggy upang alalayan nito si Eloisa. Hindi man siya komportable na iwanan ito sa tabi ni Cloud ay wala siyang choice dahil baka ito na lang ang pagkakataon na mayroon siya para makausap si Lemon ng sarilihan. Panay pa rin iyak si Lemon hanggang sa makapasok sila sa silid na iyon. Hindi niya alam kung makakausap ba niya ito ngayon nang maayos ngunit umaasa siya na magsasabi ito kahit paano. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensyon niyo. "Lemon, ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya dahilan para mapayuko si Lemon habang panay pa rin ang paghikbi. "Please tell me everything you know. Gusto kong makatulong." Iyon naman ang talagang nais niya. Ang malaman ang katotohan upan

