NAGISING SI Eloisa dahil na kaniyang ringtone ng cellphone. Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog dahil alas sinco na nang umaga sila nakauwi ni Yvette. Ito ang nagmaneho ng sasakyan nito. Nagpaiwan kanina si Iñigo nang hindi niya alam ang dahilan. Hindi rin niya alam kung nakauwi na ba ito ngayong alas-onse na nang umaga. Pupungas-pungas pa siya nang sagutin ang tawag. “Hello?” sagot niya habang namamaos pa ang boses. “Hello, Si Ma’am Eloisa po ba ito?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Umayos siya ng upo sa kama. Tumikhim muna siya. “Yes, ako nga po. Sino po ito?” “Ako po ang incharge police officer para sa case ng lola ninyo. Ma’am, may dumating po kasing package sa bahay na nasunog ninyo kanina at ngayon, nandito po sa presinto. Punta na lang po kayo para makita

