NANG MAKARATING sina Eloisa at Iñigo sa police station ay hindi muna sila kaagad bumaba ang sasakyan. Kabado kasi na hindi maintindihan ni Eloisa ang dibdib. Mabuti na lang at ayos lang kay Iñigo ang huwag bumaba. Ilang sandal niya munang kinalma ang sarili. Natatakot kasi siya na baka kung ano ang laman ng package na natanggap ng mga pulis. “Tell me if you’re ready,” ani Iñigo habang nakatingin sa kaniya ang mga mata nito. Tumango siya. Bumilang lang siya ng hanggang sampu bago muling tumingin sa binata. “O-okay na ako. Tara na,” aniya. Sabay silang bumaba ni Iñigo ng sasakyan at saka pumasok sa loob ng police station. Ramdam kaagad nila ang tinginan ng mga pulis na nandoon. Mabuti na lang at may isang pulis na ngumiti sa kaniya kaya naman nabawasan ang kaba niyang nararamdaman kahit

