CHAPTER 38 KABADO SI Eloisa habang nakatitig ang mga mata niya sa hawak na maliit na papel na may sulat kamay ni Sky. Marai ang mga tumatakbo sa kaniyang isipan. ‘Sky, ito na ba ang sagot para malutas ang kaso mo?’ Tumikhim si Iñigo kaya napalingon siya rito. “Kaya mo ba?” Hindi tiyak ni Eloisa kung namamalik-mata lang ba siya o talaga bakas sa mga mata nito ang pag-aalala sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin. May isang parte kasi ng pagkatao niya ang umaasa sa hindi niya alam na bagay. Ewan. Tumango na lang siya habang ang mga mata at nasa sulat na nakatupi nang maliit. Kabado siya na may halong takot. Ilang sandal pa ay naramdaman ni Eloisa ang isang kamay ni Iñigo na kinuha ang kamay niya. Ang buong akala niya ay kukuhanin lang nito ang papel na hawak ngunit ganoon na lang ang pagka

