CHAPTER 39 HALOS KADARATING lang ni Yvette sa lugar kung saan nakaburol ang lola ni Eloisa nang makatanggap siya ng tawag mula kay Peachy. Iilan lang ang mga taong nandito upang makiramay kaya naman pwede niya munang iwanan si Apple mag-isa. Panigurado rin na papunta na sina Eloisa kasama ang kaniyang kuya. Tulog pa kasi kanina ang kaibigan kaya naman hindi na niya ito nahintay. “Nasaan ka na?” tanong ni Peachy sa kaniya habang nasa lamay pa. “Nandito pa ako. Kadarating ko lang kaya.” “Sige sige. Bilisan mo para naman may kasama ako kapag nalaman ko ang resulta ng laboratory test ni Lemon.” Huminga pa muna ito ng malalim. “Nandiyan ba si Apple?” “Oo.” Pinasa nia ang cellphone sa kaibigan na nagpapahinga. Tinapik niya ito. “Si Peachy.” Inabot niya ang cellphone sa kaibigan. Narinig niy

