CHAPTER 32 HINDI ALAM ni Eloisa kung ano ang mararamdaman nang magising siya sa araw na iyon. Pakiramdam niya ay nilalamutak at dinudurog ang puso niya sa tuwing may pupuntahan siya ngayong umaga. Nakatulala lang siya habang nakaharap sa labas ng bintana ng studiotype unit ni Yvette. Dito muna siya mananatili kasama sina Peachy at Apple pagkaraan ng sunog. Kahit ang panahon ay tila nakikidalamhati sa kaniya dahil sa pagkawala ng kaniyang lola. Mas lalo tuloy siyang nawawalan ng lakas. Pakiramdam niya ay wasak na wasak na siya. Nawala na ang halos lahat sa kaniya. Career ang una at ngayon, ang lola naman niya. Unti-unti na namang namuo ang luha sa kaniyang mga mata ngunit nang may tumikhim sa kaniyang likod, nakita niya si Iñigo ay mabilis niyang pinunasan ang mukha niya. Hindi ito nak

