ELOISA'S POV NANG MAKARATING kami ni Iñigo sa ospital, nakayuko lang akong sumunod sa kanya. Una, hindi ko alam kung saang kwarto ba nagpapahinga si Lemon. At pangalawa, iniiwasan ko na may makapansin pa sa akin. As much as possible, ayoko nang makatawag atensyon pa. Gusto ko na lang na biglang maglaho sa isip ng mga tao. Iniisip ko na sana, hindi na lang ako nag-e-exist. "We're here," ani Iñigo at itinuro pa ang nakasaradong pintuan sa harap namin. "Before tayo pumasok, promise me one thing; you won't have any emotional breakdown. Okay?" "I'll try my best," bulong ko at matipid pa na ngumiti sa kanya. Humugot pa muna ako ng malalim na buntong-hininga bago siya senyasan na buksan na yung pinto. "Lychee!" sigaw ni Peachy at nagmamadali pang tumakbo papalapit sa akin at yinakap ak

