ELOISA'S POV NAPABALIKWAS AKO nang bangon nang ma-realized ko na hindi ako pamilyar sa estilo ng silid ng kinaroroonan ko. 'Nasaan ako?' Nagpalinga-linga ako sa paligid at pilit na inalala ang huling mga nangyari bago ako makatulog. Yung sunog... Si lola.. Tama. Ang alam ko, papunta kami sa ospital para bisitahin ni Lemon pero bakit nandito ako? Kaninong kwarto ba 'to? "Oh, gising ka na pala?" Nakangiting bungad sa akin ng isang ginang. Pamilyar siya sa akin pero hindi ako sure kung nagkita na ba kami noon. Lumapit siya sa akin at sinalat ang aking noo. "Ay very good, wala ka nang lagnat." "S-sino po kayo?" tanong ko. "Oh, me and my manners. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala," aniya habang matamis na nakangiti sa akin. "I'm Ysabel Kenwood," "Kenwood?" bulong ko. "Kenwood! K

