IÑIGO'S POV
NAGPAKAWALA AKO nang malalim na buntong-hininga habang tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap nila Eloisa at Cloud.
Pwede naman na akong umalis at iwanan sila pero may kung anong bagay na nagsasabi sa akin na kailangan kong manatili dito. Hindi ko alam kung dahil sa naaawa ako kay Eloisa o dahil sa nag-aalala ako na si Cloud ang kasama niya.
Nitong mga nagdaang araw, may mga bagay akong napapansin tungkol kay Cloud Sy na hindi ko maipaliwanag. Something about him is troubling me. May kakaiba sa kanya, e.
Nagsimula akong makaramdam ng kakaiba laban sa kanya noong maabutan ko siya at ang daddy niya na nag-uusap. They were hiding something, sigurado ako doon. Ang hindi ko pa lang natitiyak ay kung ano iyon. Ayokong magpadalos-dalos dahil ayoko nang mangyari ulit ang naganap sa kaso ni Eloisa.
Something is telling me that everything that is happening right now is connected. Mula sa pagkakadawit ni Eloisa sa pagkamatay ni Sky, yung insidente sa loob ng kulungan at maging itong sunog na pumatay sa lola niya.
"Oh, Atty. Kenwood, nand'yan ka pa din pala?" Nakangiting bati sa akin ni Cloud nang lumabas magtagpo ang mga mata namin. "You can go now. Ako nang bahala kay Eli."
"It's okay. May usapan na kami ni Yvette. I'll look after her," tugon ko. "She'll be staying with us for the mean time."
That was a lie.
Wala pa kaming napag-uusapan ni Yvette. Hindi ko alam pero iyon na lang ang naisip kong idahilan.
"Are you sure? I mean, hindi ba awkward 'yon? I mean, with all the circulating rumours between you two."
"Mas awakward kung ikaw ang makikita ng iba na kasama niya. Baka ano na lang ang isipin ng mga tao." Mabilis kong tugon. "And besides, sira naman na ang pangalan ko sa taong-bayan, wala na ding mawawala sa akin."
"That's not what I mean, Atty. Kenwood. Ang akin lang, I can provide her a place to stay."
"It's okay. May lugar din na nakalaan para sa kanya sa amin. You don't have to worry." Ginantihan ko ang ngiti na ipinupukol niya sa akin bago mag-alok ng kamay. "I'll keep you posted."
"S-sure. Thank you. I'll go ahead then," aniya matapos tanggapin ang kamay na inaalok ko.
After we bid our goodbyes, hinayaan ko na muna siyang makalayo bago muling lapitan si Eloisa.
"Kailangan na nilang dalhin ang lola mo," bulong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at saka tumango sa akin. "Let's go,"
Inalalayan ko siya sa pagtayo at paglalakad dahil kung hindi ko iyon gagawin, baka kanina pa siya nasubsob sa lupa.
Pinasakay ko siya sa kotse ko at ako na mismo ang nagkabit ng seatbelt sa kanya. Nang masiguro ko na ayos na siya, saka ako sumakay at bumyahe papunta sa ospital kung saan naman itinakbo ang kabigan nilang tinatawag nilang Lemon.
Ito ang kasama ni Lola Lorna nang masunog ang bahay nila. I met her few times before, but I never got the chance to have a conversation with her. Masyado kasi siyang loud at medyo feeling close. But I heard from Yvette that she's a good friend.
"We're he— nakatulog na pala," bulong ko nang makita kong nakapikit si Eloisa habang nakasandal sa bintana ang kanyanh ulo.
Seeing her position, ako ang nangangawit para sa kanya. Inabot ko mula sa backseat ang neck pillow ko at isang makapal na comforter. Dahan-dahan kong inilagay ang unan sa kanyang leeg at kinumutan pa siya gamit ang comforter.
Kinuha ko din ang cellphone ko at nag-sent ng message kay Yvette para sabihin na nandito na kami pero nakatulog si Eloisa. Mayamaya pa, nakareceived ako ng reply mula sa kapatid ko.
From: Yvette
Bring her home muna. I don't think it's the right time for her to be here. Natawagan ko na si Ziggy, he'll take care of Lola Lorna's Wake preparation na. Tumawag na din ako sa bahay, pinahanda ko na yung guest room.
-end of text-
Nagtataka man, minabuti ko na lang na sundin ang utos niya. Sabagay, sa kalagayan ni Eloisa, it's best for her to have some good rest first.
Hindi ko na rin siya ginising nang makarating kami sa bahay. Binuhat ko na lang siya papunta ss Guest Room na katabi ng kwarto ni Yvette.
May pagka-girl scout talaga itong kapatid ko. Talagang inihanda na niya lahat ng kakailanganin ni Eloisa.
"Hi mom," mahina kong bati sa mommy ko nang maabutan ko siya sa loob ng guest room.
"Ihiga mo muna siya nang maayos. Then, sunod ka sa study room, okay? May gustong pag-usapan ang daddy mo."
"Sure." Tumango pa ako sa kanya bago ihiga si Eloisa sa kama.
Nang masiguro ko na komportable na siya, saka ako nagpunta sa study room kung saan naabutan ko ang mga magulang ko.
"Zup?" Casual kong tanong.
"Anong zup? Ano ba'ng nangyari? Bakit nasa bahay natin si Eloisa Serdantes?" tanong ni mommy.
"Eh si Yvette, e." Nagkibit-balikat pa ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon nila dahil ngayon lang ako nag-uwi ng babae dito sa bahay. Baka isipin nila, may relasyon kami. Knowing my parents. "Siya may idea nito."
"Si Yvette? Bakit ikaw ang kasama kung si Yvette ang may idea?" tanong ni Dad at tinaasan pa ako ng kilay. "Hindi mo naman siya dinukot to plan some revenge, diba?"
"Dad! Ano bang tingin niyo sa akin, kidnapper?" Hindi ko makapaniwalang tanong. I seriously can't believe them. I mean, yes, hindi ako mabuting tao pero hindi din naman ako kriminal. "Her lola died. Nasunugan sila," paliwanag ko dahilan para mapa-gasp si mommy. "Busy pa si Yvette sa pag-aasikaso 'don sa kaibigan nila na kasama sa sunog kaya ako ang nagdala kay Eloisa dito."
"So you mean, she has nowhere to go?" tanong ni Mommy kaya tumango ako. "Kawawa naman siya. Just let her stay here. Dito na kamo siya tumira. Tayo na yung pamilya niya."
"Seryoso ka ba, mom? Ano tayo? Bahay-ampunan?" Kontra ko pero inirapan niya lang ako.
"Tumulong ka na din kaya dapat lubusin mo na. Iyan ang palagi kong sinasabi ko sa inyong magkapatid. Di ka kasi makikinig sa akin." Bubod niya kaya naiiling na lang akong lumabas at pumunta sa kwarto ko para maligo.
*-*