"Oh, Eli apo. Wag ka nang umiyak, ha? Nandito pa naman ang lola. Hindi kita papabayaan."
"Bakit po wala na sila mama? Pati si mama? Sabi niya kahapon, sandali lang sila?"
Sunod-sunod na tanong ng pitong-taong gulang na babae.
"Nasa Heaven na sila, apo." Masakit man, pilit na ngumiti ang lola sa kanyang munting anghel. Masyado pa itong bata para malaman ang totoo. Na sadyang malupit ang mundo.
"Bakit sila nagpunta 'don? Bakit iniwanan nila ako? Tayo? Hindi na ba nila ako mahal?"
"Apo... Mahal na mahal ka ng mga magulang mo," sagot ng matanda at mahigpit pa na yinakap ang paslit. Hindi niya magawang aminin sa apo ang tunay na nangyari sa mama nito.
Nakatakda ang mama nito na sumalang sa isang heart operation. Masyadong rare ang blood type na meron ito kaya kinailangan nila ng mahabang paghihintay hanggang sa makahanap sila ng match na dugo. Ngunit ng mismong oras ng operasyon, biglang nawala ang dugo na gagamitin sa kanya kaya nagkaroon ng komplikasyon na sa huli ay ikinamatay ng ginang.
Hindi pa man din nagtatagal, habang pabalik mula sa pagrereklamo sa ospital, nasagasaan ang kanyang ama na naghihintay lamang ng masasakyang jeep. Hindi na nito nagawang umabot sa ospital dahil tuluyan din itong binawian ng buhay.
"When you're old enough, mauunawaan mo din ang lahat."
Magmula noon, lumaki na si Eloisa sa piling ng kanyang lola Lorna. Wala itong ibang ninanis kung hindi ang mapabuti ang kanyang apo. Kahit na hindi sila mayaman, sinubukan pa rin ng matanda na ibigay ang lahat ng pangangailangan ni Eloisa.
Nang tumuntong siya sa edad na labing-tatlo, kinakitaan ito ng talento sa pag-arte nang sumali siya sa isang school play. This activity awakens the sleeping actress inside her and she decided to persue it.
Minahal at hinangaan siya ng lahat. Pero sa dinami-rami ng kanyang mga taga-hanga, nanatili na ang kanyang lola ang number one fan niya. Ito ang nagsilbi niyang inspirasyon at pinagkukuhanan ng lakas upang patuloy na lumaban.
ELOISA'S POV
'Lola...'
Halos manigas ako at hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan kung nasaan sila lola at Lemon. Ni hindi ko matiyak kung paanong nagagawa ko pang maglakad gayong wala na talaga akong maramdaman.
Huminto din ako nang huminto si Yvette. Humarap siya sa akin at pinunasan pa ang mukha ko na kanina pa nababasa ng luha. "Girl, you need to be strong, okay? Kailangan kong sundan si Lemon sa ospital."
Dahan-dahan akong tumango kahit pa hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang sinasabi niya. Strong? All these time, pinipilit kong maging matatag at malakas. Pero may hangganan din ako.
"Lola…" bulong habang lumalakad papalapit sa nakataluknong na katawan sa harapan ko. "Lola ko…"
Unti-unti kong iniangat ang kumot pero mabilis ko din iyong ibinalik. Biglang nanlambot ang magkabila kong tuhod kaya't napasalampak ako sa sahig.
Naramdaman ko na may umalalay sa akin paupo. Liningon ko siya at tumabad sa mukha ko ang seryosong ekspresyon ni Iñigo. Mahigpit siyang nakahawak sa akin na nagsilbi kong suporta para muling makatayo.
Huminga ako nang malalim bago tanggalin ulit ang kumot. Napapikit ako at humagulgol na ng iyak.
"Don't look," utos niya kaya nagmulat ako ng mata pero wala akong ibang nakita kung hindi ang palad niya. "If you're not comfortable, it's okay." Matipid siyang ngumiti sa akin bago ibalik sa pagkakatalukbong ng kumot kay lola. "I'll give you some privacy,"
Hinintay ko na makalabas siya bago muling balingan ang katawan sa harap ko.
My lola didn't make it.
Lemon was lucky enough to surivive the fire pero si lola ay hindi
"I'm sorry. I'm sorry because I wasn't there to help you," hagulgol ko. "Hindi ko kayo dapat iniwanan. Dapat umuwi kaagad ako. Siguro, takot na takot kayo. Wala man lang ako sa tabi niyo para damayan kayo. I'm really sorry... Sorry... Sorry..."
Hindi ko na matandaan kung ilang beses na akong humingi ng tawad kay lolapero ano pa nga na ang silbi 'non? She's gone.
"It's all my fault..." bulong ko habang patuloy sa pagtangis. Kasalanan ko ang lahat ng mga kamalasan na nangyayari ngayon. Ako talaga yung malas at nadadamay lang sila. "D-dapat ako na lang yung namatay!"
"Eli, don't be too hard on yourself."
Nag-angat ako ng tingin at muli kong nakita ang mukha ni Cloud. Lumapit siya sa akin at pinunasan pa ang luha ko.
"Ano bang nangyari? Where were you when it all happened. Aren't you supposed to be at home?" Sunod-sunod niyang usisa. "I mean, do you have some important business to do? It's a good thing na wala ka sa bahay."
"No. I think I should have stayed at home. It's all my fault," bulong ko.
"Precisely." Mahina niyang bulong kaya napatingin ako bigla sa kanya. "I mean, no. That's not true. You shouldn't be thinking that way. Your lola will be upset."
"How can she be upset. She's dead and it's all my fault. Tapos, pati si Lemon nagdedelikado ang buhay ngayon. What will I do now? She wasn't supposed to be here. Humingi lang ako ng pabor sa kanya na bantayan si lola tapos ganito pa ang nangyari."
"She's alive?" Gulat na gulat niyang tanong kaya tumango ako. "That's... That's great!"
"Ang sabi ni Yvette, she was almost dead when they found them. She was lucky because they were found immediately. She was rushed in the hospital."
"Yeah. She's very lucky," bulong niya.
"Things are just meant to happen, Eli. People come and people go. And I'm really sorry for your lost. I know na mahirap, but please, kayanin mo. Okay?"
Tumango ako bago magpakawala nang malalim na buntong-hininga.
I gathered all my courage before wrapping my arms around my Lola's body.
"Lola... kung naririnig mo man ako... G-gusto kong sabihin s-sayo na... na mahal na mahal kita." Yumakap ako sa kanya nang mas mahigpit at hinayaan na umagos ang sagana kong luha. "In my next life, no matter how hard my life could be... Ikaw pa din ang pipiliin kong maging lola. Sana... Naging masaya ka din na ako yung naging apo mo. I hope that I made you happy and proud. I love you, la."
-