CHAPTER 27

1059 Words
HINDI NAGAWANG awatin ni Yvette si Eloisa dahil maging siya ay nabigla. Mula sa mga nagkakagulong mga tao, sa dambuhalang apoy na kasalukuyang tumupok sa bahay ng kaibigan at ang nakabibinging sigaw ni Eloisa habang tinatawag ang pangalan ng kanyang lola. "Ma'am, delikado po!" Awat pa sa kanya ng isang bombero at pilit pa siyang pinipigilan na pasukin ang nagliliyab nilang bahay. "Ang lola ko! Baka nasa loob pa si Lola!" Histerikal na sagot ni Eloisa. "Please, yung lola ko. Tulungan niyo ang lola ko!" "Ma'am, masyado na pong malaki yung apoy bago pa kami makarating. Kumalma muna po kayo." "I'll take care of her," Nag-angat ng tingin si Eloisa at nanatiling nakatulala sa lalaking kasalukuyang may hawak sa kanya. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at mahigpit na yumakap sa binata. "Kailangan kong tulungan ang lola ko. Please... I need to do something," aniya pero yinakap lang siya ng binata at pilit na pinakalma. "Please... Please help me." "It's oka–" "Eloisa, are you really that stupid?! What are you doing? You can't just run into fire!" Iritableng sermon sa kanya ni Iñigo n tila huli na nang mapansin kung sino itong kasama ni Eloisa. "Cloud Sy?" "Atty. Kenwood," ani Cloud at tinanguan pa si Iñigo. "What are you doing here?" Wala sa loob na tanong ni Iñigo bago dahan-dahan na inilayo sa binata si Eloisa. "Bumalik ka muna sa sasakyan," halos pabulong niyang utos kay Eloisa pero mabilis na umiling ang dalaga. "H-hahanapin ko si lola." "Paano? Susuong ka sa apoy?" Kunot-noo na tanong ng binata. "Calm yourself down first. Baka naman nasa paligid lang ang lola mo." "B-but—" "Go!" sigaw ni Iñigo at pilit pa na ipinihit papunta sa direksyon ng sasakyan niya si Eloisa. Sa di kalayuan, naka-abang naman si Yvette. Mabilis niyang sinalubong si Eloisa at sinamahan ito sa sasakyan ng kuya niya. "Relax ka muna, girl. Okay? Let's not panic. I'm sure Lola Lorna and Lemon are both safe." Sa sinabi ng kaibigan, sandaling nakaramdam ng guilt si Eloisa. Sa sobrang pagkabigla niya, nalimutan niya na maging si Lemon nga pala ay nasa loob din ng bahay. "Let's stay here muna," anito habang hinihimas ang likuran ng kaibigan. "Ano pa ba'ng pinag-uusapan nila?" mahina niyang bulong habang nakatanaw sa kanyang kuya at sa kausap nito, si Cloud Sy. "Why is he here anyways?" Balak niya sanang usisain ang nakatulalang si Eloisa kung may unipormadong lalaki ang lumapit sa kanila. "Ma'am, dito po kayo nakatira?" Hindi umiik si Eloisa kaya si Yvette na ang humarap sa lalaki. "May na-recover po tayong mga katawan. Pwede po ba kayong sumama para ma-identify sila?" Hindi malaman ni Yvette kung ano ang magiging reaksyon niya dahil hindi pa din sumasagot ni Eloisa. Nanatili lang siyang nakatulala na tila ba wala siya sa kanyang sarili. "Sir, saan po ba? Ako na po muna ang titingin," aniya bago alalayang muli si Eloisa papasok sa loob ng sasakyan. "Girl, stay ka muna dito, ha?" Paalam pa niya pero hindi tumugon si Eloisa. "Where are you going?" Nagtatakang tanong ni Iñigo nang magkasalubong sila. "Where is she?" "Nasa kotse. May na-recover na daw na katawan. I don't think she can handle it yet. Ako na muna ang titingin. For sure naman hindi sila lola Lorna at Lemon 'yon. That can't happen." Denial pa niyang bulong. "Are you sure? Do you want me to check it for you?" tanong ni Iñigo. Kilala niya ang kapatid, matapang itong tao pero ayaw niya pa rin na makakita ito ng mga bagay na alam niyang magbibigay trauma dito. "I need to see it myself," aniya at bumuga pa ng malalim na buntong-hininga. "Can you just stay with Lychee? Babalik din ako kagaad." Tumango lang si Iñigo bago tahakin ang daan papunta sa nakapark niyang kotse habang nagpatuloy naman si Yvette sa pagsunod sa pulis na kausap kanina. Tatlong mahihinang pagkatok ang ginawa ni Iñigo para kuhanin ang pansin si Eloisa. Tila hindi nito napansin ang pagdating niya dahil abala ang isip nito sa kung saan. Pumasok si Iñigo sa sasakyan at naupo sa driver's seat. Walang kumikibo sa kanilang dalawa hanggang sa inabutan siya ng binata ng isang bottled water. "Drink up." "Hindi na dapat ako umalis kanina," bulong ni Eloisa. "Hindi ko na sana iniwanan si lola kanina. Dapat hindi ko pinilit na maiwanan siya. This is my fault." ani Eloisa habang titig na titig sa bottled water na ibinigay ni Iñigo. "It's all my fault." "Hindi mo ginusto ang mga nangyari. Stop blaming yourself," tugon ni Iñigo habang pinapanuod ang pagtangis ng dalawa. "But it's really my fault. Ako naman talaga ang problema dito. I just want to live a good and happy life. Pero bakit sa akin nangyayari ang mga 'to? Hindi pa nga ako nakaka-ahon sa isang pagsubok, meron na namang bago! Ano ba? Wala bang tao sa mundo? Hindi ba parang quota na ako?" Mahabang reklamo ni Eloisa habang patuloy lang sa pag-iyak. "Ganoon ba ako kamalas?" "Hey, that's not true." "Hindi nga ba? Una, namatay mga magulang ko. Tapos, yung best friend ko. Tapos ako pa yung napagbintangan. Muntik na akong mamatay nung nakaraan. Kanina, muntik na akong ma-rape tapos ngayon naman, nasunog yung bahay namin. Alam mo ba na iyan na lang ang meron kami ngayon? At ang worst pa don, nawawala sila lola at Lemon. Kapag may nangyaring hindi maganda sa lola ko, baka totohanin ko na ang pagtalon sa tulay!" "What the hell?!" Sigaw ni Iñigo. "Are you freaking serious?" sigaw ng binata. Hindi rin niya alam kung saan siya mas nagagalit, sa sinabi ng dalaga na tatalon ito sa tulay o sa pag-amin nito na may nangyari kanina bago nila ito makita. Pero nakasama yata ang pagsigaw niya dahil mas lalo lang pumalahaw ng iyak ang dalaga. Hindi malaman ni Iñigo kung ano ang mainam na sabihin para kumalma ang dalaga. Una sa lahat, it wasn't his forte. Kahit kailan, hindi pa niya naranasan na maging sandalan ng ibang tao. At pangalawa, the more na pinatatahan niya ito, mas lalo lang itong umiiyak. "Come on, stop crying. I'm not good with words, nor in action so please, stop making it hard for the both of us." kalmado niyang paki-usap pero hindi na niya nagawang aluin ang dalaga nang halos magkasabay nilang nakita ang itsura ni Yvette habang papalapit sa kinaroroonan nila. *-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD