CHAPTER 18

1673 Words
Nasa kalagitnaan ako masayang kwentuhan kay Cloud nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang isang lalaki na sa kahit sa bangungot hindi ko in-expect na magpapakita pa sa akin. Kung nagulat ako, halata din naman na mas nagulat siya dahil natigilan siya at kunot-noo pa kaming pinagsalitan ng tingin ni Cloud. “Dude! Ano ba? Bakit nakatayo ka lang d'yan? Ang laki mong hambarang!” Narinig kong reklamo ni Ziggy kaya sinilip ko ang likuran niya kung saan nakatayo din pala si Ziggy. “Padaan nga kas– oh, Eli. May bisita ka pala,” aniya at nakangiti pang lumapit sa amin matapos na itulak papasok si Kenwood. “I'm Attorney Zigmund Park.” Pagpapakilala pa niya bago mag-alok ng kamay. “Cloud Sy. Very pleased to meet you,” sagot naman ni Cloud bago balingan si Kenwood na halos parang tanga lang na nakatayo sa paanan ng kama ko. “Attorney Kenwood, I didn't expect to see you here,” “Likewise, Mr. Sy.” seryoso niyang tugon. He even gave me snide eyes so I rolled my eyes on him in return. ‘May taglay talaga siyang superpower. Nagiging masamang tao ako nang dahil sa kanya.’ “Eli, I don't know if you already met Mr. Attorney Kenwood, but he's our family lawyer. ” Pagpapakilala ni Cloud kaya matipid akong ngumiti. “Yeah, I know. I already met him,” matabang kong tugon bago balingan si Ziggy. “Anong balita sa lakad mo?” “Okay naman, masarap yung goto.” sagot ni Ziggy kaya napakunot ako ng noo. “G-goto?” I asked, very confused. Last time I checked, ang sabi niya may titingnan siya na pwedeng makatulong sa kaso ko. Bakit may goto? “Umayos ka nga. Kaya napaghahalataan na pagkain lang ang dinayo sa Bulacan. Tch!” Sabat ni Kenwood at mapanghusga pang tiningnan si Ziggy. “Bulacan? Anong ginawa mo 'don?” tanong ko ulit. Maging si Cloud, halatang curious din dahil biglang naging seryoso ang mukha niya nang mabanggit ang lugar na Bulacan. “Dumayo ng goto,” bulong ni Kenwood at mayabang pa na sumandal sa pader. “Ano ba kasing goto 'yon?” Goto sila nang goto hindi ko naman alam kung anong meron sa goto. Nagugutom lang tuloy ako. “Ganito kasi 'yan. Let me explain, pero bago 'yon, kain ka muna ng pasalubong ko.” ani Ziggy at lumapit pa sa akin. Itinaas niya ang paper bag na bitbit niya at inilapag iyon sa harapan ko. “Nagtanong ako sa nurse mo, pwede naman daw sayo as long as plan lugaw lang.” Paliwanag pa niya habang isinasalin sa mangkok yung dala niyang lugaw. “Kain ka muna,” “Thank you,” nakangiti kong bulong at nginitian pa siya. “Tch.” Ismid ni Kenwood kaya iritable akong bumulong kay Ziggy. “Bakit ba kasi nandito 'yan? Mukhang ayaw naman niya dito, e.” Mahina lang ang boses ko pero enough pa din para marinig ni Ziggy, at dahil katabi ko naman si Cloud, sigurado akong narinig din niya. “Dito na kasi kami dumiretso galing sa Bulacan. Wag mo na lang pansinin,” aniya kaya napilitan akong tumango. “So ano nga'ng ginawa mo sa Bulacan?” tanong ko na lang at inumpisahan na ang pagkain. “We went there to investigate,” seryoso niyang sagot kaya napaisip ako. Bago pa ako muling makapagtanong, nagpatuloy na siya sa pagsasalita. “We thou–” “You thought.” singit ni Kenwood. “It was your idea,” “Fine. I thought, ayan tinama ko na, I thought may makukuha kaming additional lead sa kaso mo.” “So what happened?” Cloud asked, eagerly. “Nothing. We went there for nothing, right Zigmund?” singit ulit ni Kenwood. “Maka-nothing naman 'to.” Parang batang bubod ni Ziggy. “Parang hindi ka nag-enjoy sa Goto Overload ha? Naka-two servings ka nga,” “Zi-Ziggy, what happened? Wala kayong nakuha?” tanong ko at itinigil na muna ang pagkain. Umiling siya bilang sagot kaya bigla akong nakaramdam ng takot at lungkot. “Hey, but don't worry. I'm not giving up,” nakangiti pa niyang assurance sa akin. “Alam mo ang weird nga, e. Ang weird lang na biglang nagpalit ng mga tauhan yung lugar na pinuntahan namin. I mean, what are the odds, diba dude?” “Tch. Ewan ko sayo. Hihintayin na lang kita sa labas, ” aniya bago naglakad papunta sa pintuan. “Mr. Sy, I'll see you around.” “Sure, I'll treat you a meal some other time,” ani Cloud at nginitian pa si Kenwood. Sandali siyang tumingin sa akin kaya ang buong akala ko magpapa-alam din siya sa akin pero inismiran niya lang ako bago tuluyang lumabas. “Ang laki ng issue sa buhay nung kaibigan mo,” sumbong ko kay Ziggy dahilan para matawa siya. “Mabait 'yon. Medyo ill-tempered lang talaga kung minsan,” depensa niya kaya napasimangot ako. “Nasaan yung mabait sa definition ng ill-tempered?” nakanguso kong bulong. “So mabalik tayo sa usapan. Ano ba talagang ginawa niyo 'don?” “I'll tell you some other time,” aniya at pilit pa na ipinahawak sa akin yung binitawan kong kutsara. “Tapusin mo na yung kinakain mo. Kailangan ko na din kasing umalis, e. May meeting kasi ako ngayon,” “Sige, saka na lang natin pag-usapan,” pagsang-ayon ko. “Baka naiinip na yung isa 'don sa labas.” “I'll call Yvette and tell her to visit you,” “No, it's okay. Baka busy 'yon. Ayos lang naman ako dito.” “Are you sure? Baka may kailanganin ka?” “I'll be fine. Don't worry.” “Ako din, mauna na ako.” Paalam ni Cloud kaya tumango din ako sa kanya kahit deep inside, ayoko munang umalis siya. Somehow, seeing him makes me feel less alone. “Salamat sa pagdalaw.” “Always. Balik din ako kapag maluwag ang schedule ko. Rest well, okay?” aniya at ginulo pa ang buhok ko. - IÑIGO'S POV “Sa wakas!” nakasimangot kong sigaw kay Ziggy nang matanawan ko siyang palalapit na sa akin. Dapat talaga hindi ako pumayag na sasakyan niya ang dalhin. Kung alam ko lang na dadaan pa kami dito sa ospital edi sana sumakay na lang ako sa kotse ko. Wala na nga kaming napala sa lakad namin, nakita ko pa si Serdantes. Tch. “Bakit ang tagal mo sa loob?” “Nag-usap pa kami sandali, e. I want to make sure na komportable siya,” aniya habang sumasakay ng kotse. “You're a lawyer, not some personal caregiver.” “Yes, I'm not. But I'm her friend.” katwiran la niya kaya inismiran ko siya bilang tugon. “Dapat nga mas concern ka sa kanya diba?” “And why is that?” kunot-noo kong tanong. “You know, your blood runs through her veins now. Pamilyar ka ba sa kasabihan na blood is thicker than water?” “Oo pero alam mo kung anong mas thicker sa blood? Itong kamao ko. Thick din 'to at malapit kong nang isuntok sayo.” iritable kong sagot pero tinawanan niya lang ako. “Bakit galit ka?” nanunuyo niyang tanong. “Para ka kasing tanga. Can we just leave?” “Ito na po, sir. Aalis na tayo. Maki-suot na lang po yung seatbelt.” aniya at sinenyas pa sa akin kung paano magkabit ng seatbelt. “Just shut up and drive.” “Ay opo sir. Saan ko po kayo ibababa? Sa opisina po ba o sa bahay niyo?” Parang tanga pa niyang tanong. “Sa condo ko,” “Ay nice choice po. Nass options yung pinili mo,” sarkastikong sagot niya bago paandarin yung sasakyan. 'Itong kaibigan ko, parang si Yvette. May sayad sa utak.' - Nang maibaba ako ni Ziggy kay kaagad na akong pumasok sa loob ng building kung nasaan ang condo ko. This is my bachelor's pad. Dito ako madalas na magpalipas ng gabi kapag kinatamaran ko nang bumiyahe nang mas malayo para umuwi pa sa bahay. I bought this condo unit during my review before taking my bar exam. Puro distractions lang kasi sa bahay kaya napagdesisyonan ko na magpundar ng sarili kong condo. And when I say distractions, those are mainly from my own sister, si Yvette. Hey, don't get me wrong. I love my sister, a lot. But I also want to live as far as possible from her because personality speaking, magkaiba na magkaiba kami. Some says that I'm ill-tempered and too competetive while my sister is the sweetest cinnamon roll. That is sometimes true, but most of the time it's not. Ewan ko ba, minsan hirap na hirap akong hulihin ang ugali niya. Ngayon na lang ulit ako makakauwi dito dahil naging limited ang access sa floor kung nasaan ang condo ko dahil sa mahigpit na police investigation regarding the Sy-Murder Case. It happened that we both live in the same floor, just a couple of rooms away from each other. We met few times here and exchange formal greetings but we never really talked. Magkaiba kasi ang line of interest namin sa isa't-isa. Papasara na yung elevator kaya nagmamadali akong humabol. Pagkapasok na pagkapasok ko, bigla akong natigilan dahilan pakiramdam ko pamilyar sa akin yung mga nangyari. It felt like I've seen it before. ‘Sayang. Gwapo pa naman, kaya lang mukhang masungit.’ Mahinang bulong ng babaeng kasabay ko sa elevator. Sinilip ko siya dahil kaming dalawa lang naman ang nandito at sigurado ako na ako yung tinutukoy niya. Hindi siya sa akin nakatingin dahil abala siya sa pagtingin sa reflection at pinaglaruan ang kanyang mukha. “Tch. Crazy.” bulong ko. Sayang, maganda na sana kaya lang mukhang may sayad sa utak. “Sorry. Nagpa-practice lang, hehe.” sagot niya. Nang magbukas yung elevator, dali-dali siyang tumakbo papalayo at hindi na muling tumingin sa akin. “Kuya!” “Dang, what?!” singhal ko at napasapo pa ako sa dibdib ko. “Yvette?” “Ah, yes? Buti napansin mo? Kanina pa ako dito. Bakit ba natulala ka?” tanong niya kaya umiling ako. I can't be mistaken. That was her. That was Eloisa Serdantes. I definitely saw her, the night when the murder happened. *-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD