ELOISA'S POV
“Eli…” tawag sa akin ni Sky kaya sinilip ko siya mula sa rearview mirror. Nanatili siyang nakapikit kaya sa tingin ko, nananaginip lang siya. “Eli…”
“Uhm?”
“I'm proud of you…” aniya kaya napangiti ako. “I know that you'll do well no matter what happened..”
“You too, Sky. I'm proud of you, too.” sagot ko. Kung may isang tao man akong maituturing na matalik na kaibigan, si Sky iyon.
Ngumiti ako sa kanya pero bigla na lang nagbago ang paligid.
This time, I saw myself inside his room.
“Eli… can't you give me a chance? You're all I have… Everything was a lie... I hate them...” he murmured.
Nilingon ko siya pero laking gulat ko nang bigla na lang nagbago ang mukha niya. Napuno ng dugo ang buo niyang mukha at katawan at pilit na lumalapit sa akin kaya unti-unti akong umatras.
“No!”
Malakas kong sigaw sabay balikwas nang bangon at mabilis na inabot ang baso ng tubig na nakalagay sa gilid ng higaan ko. Nanginginig ko'ng inubos ang laman 'non pero tila hindi pa rin iyon sapat.
Habol ko ang aking paghinga at tila ba may mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo ss dibdib ko.
'That was such a bad dream.'
Some of it really happened.
Tandang-tanda ko pa, that was the night when Sky was killed. Iyon yung gabi na iniwanan ko siya nang walang kaide-ideya na iyon na pala yung huling beses na makakasama ko siya. That was our last conversation... Well, except with the last one.
‘Everything was a lie...’
‘I hate them...’
Hindi ako sigurado kung sinabi niya ba talaga 'yon o dinagdag na lang 'yon ng imagination ko. Yes, I'm sure that he said something, hindi ko lang tiyak kung iyon nga ba iyon.
Kung sakali man na iyon nga yung sinabi niya, sino naman kaya yung tinutukoy niya? Bakit sinasabi niya na kasinungalingan lang ang lahat? Who are those people he said he hated? Bakit siya nagagalit sa kanila?
Paulit-ulit lang ang tanong na umiikot sa ulo ko. Paulit-ulit lang din na sumasakit ang ulo ko dahil wala akong makuhang tamang sagot.
Ang pointless lang kasi nung ideya. Kahit saang anggulo ko tingnan, there is no way na may kaaway o katampuhan man lang si Sky. He's not the type of person who keeps grudges. He is always careful and very sensitive with his words and actions too.
Baks nalilito lang talaga ako sa mga bagay-bagay. For sure, nahaluan na ng mali yung panaginip ko. Mas katanggap-tanggap 'yon.
“I-check ko lang yung dextrose mo,” ani nung nurse na regular na sumisilip sa akin. As usual, malamig pa din yung treatment niya sa akin. “Hindi advisable sa pasyente ang magpuyat, ” aniya at inirapan pa ako bago nagmartsa palalabas.
Inayos ko yung pagkakahiga ko at bumwelo ulit ng tulog.
-
“Morning!” masiglang bati sa akin niya sa akin nang magising ako. Ilang segundo ko din siyang tinitigan bago ako nagbaba ng tingin. “How's your sleep?”
“A-ayos lang,” mahina kong bulong. Hindi ko alam kung kailangan ko pa ba'ng sabihin sa kanya ang tungkol sa panaginip ko.
“May problema ba?” tanong niya kaya napagdesisyonan ko nang sabihin sa kanya.
“I dreamt about Sky last night.”
“You did?” aniya at matipid pa na ngumiti sa akin. “Was it a good dream?”
“Not at all.” Nakayuko kong bulong bago siya tingnan nang diretso para makita ang magiging reaksyo niya. “Ang confusing nga, e. He was saying words na hindi ko matandaan kung sinabi niya talaga o hindi. Pero kung sinabi naman niya, it doesn't make sense.”
“Really? Like what?“ tanong niya. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad kaya ginanahan na ako sa pagku-kwento.
“Sabi niya, everything was a lie... I hate them Hindi ko naman ma-gets. Ikaw, nakuha mo ba? Kasi it doesn't make sense to me.
“Totally,” bulong niya habang sinasabayan ng pagtango. “We both know him, wala namang kaaway si Sky.”
“Kaya nga, e. Lumilinya nga kay San Pedro Kalungsod 'yon, e.” biro ko pa na nagpahagikgik sa kanya. “Cloud, can you do that again?”
“Huh? Ang alin?” tanong niya.
“That chuckle that you just did. Can you do that again?”
“You mean like this?” aniya at muling humagikgik kaya napangiti ako. “What?”
“Nothing,” sagot ko umiling pa.
“Bakit nga?”
“I just found another difference between you and your brother.” sagot ko. “I mean, your laugh is different. ”
“Napansin mo pa 'yon? Ikaw, ha? Ang attentive mo naman pala kapag tungkol kay Sky.”
“Syempre, best friend ko 'yon, e.” Nakangiti kong tugon.
-
IÑIGO'S POV
TAHIMIK LANG ako habang binabagtas namin ang daan papunta sa isang municipality sa Bulacan. Of all places, hindi ko malaman kung ano ang trip niya at talagang bumyahe pa siya dito. Tama si Zigmund, kakatwa na isiningit niya ang pakay niya dito sa mismong araw na napakabigat ng schedule niya.
Of places, bakit dito?
“Good afternoon,” pormal na bati ni Sherleen sa front desk officer na naabutan namin. “I'm Office Sherleen Salaz from Makati Police Department.” Pagpapakilala ni Sherleen at ipinakita pa ang tsapa niya.
“Ano po'ng pakay nila?” Magalang na tanong nito sa amin sa kabila ng pagiging kabado nito.
“We are here to ask you some questions regarding the death of Sky Sy.”
“Po? Ay wala po akong alam!” Mabilis niyang depensa. “Bago lang po ako dito. Saka sa TV ko lang po nakikita si Sky Sy.”
“Ay sir, relax ka lang. Di ka naman po namin binagbibintangan. May mga itatanong lang po kami.” Pagpapakalma sa kanya ni Zigmund.
“Ah okay po. Mabuti na po yung sigurado. Mahirap na pong maipit sa gulo.” Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib at unti-unti nang kumalma. “Ano po ba yung itatanong niyo? Kaya lang bago lang po ako dito, a? Kaka-umpisa ko pa lang po kahapon, e.”
“Wala ba kayong tao na pwede naming makausap? Yung naka-duty dito nang makuhanan ang litratong 'to?” tanong ko at ipinakita pa sa kanya ang printed copy ng picture na dala namin.
“Negative, sir. Nag-mass hiring po kami dito kahapon gawa nang nag-AWOL po yung mga dating tauham dito.” anito.
Seryoso ko siyang tiningnan, mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya binalingan ko yung dalawa.
“So ano? Nag-aksaya lang pala tayo ng pagod, oras at gasolina?” iritable kong tanong.
“Chill ka lang. Malay ko ba?” sagot ni Zigmund. “Ililibre na lang kita ng Goto-Overload. Masarap daw dito, e.”
“Tch.“ Ismid ko. “Ang order ko update o kaya lead sa kaso tapos bibigyan mo ako ng Goto-Overload. Okay ka lang?”
“Wag ka nang maarte. Libre ko naman, a?”
“Di ko kailangan ng libre mo. Kaya kong bumili ng buong Gotohan kung gusto ko.”
“Edi libre mo na kami.” aniya at inakbayan pa kami ni Sherleen.
Ngayon ko napagisip-isip, hindi kaya pagkain lang talaga ang habol nitong kaibigan ko?
*-*