CHAPTER 16

2106 Words
Something about Thunder and Cloud Sy is bothering me. Magmula nang lisanin ko ang magara nilang opisina hindi na sila nawala sa isip ko. They were a bit... weird. I know that as their legal attorney, mali na pag-isipan ko sila ng masama pero iyon talaga ang nararamdaman ko. My gut feeling is telling me that there is more to know, that they are kinda suspicious. Ngayon ko napagtanto na para ba'ng may iba pa silang pinag-uusapan. It's like they were talking using a secret sign or whatever that is. Because the way they talked was so different. Ibang-iba ang tono ng pagu-usap nila noong silang dalawa pa lang at noong napansin na nila ako. “Dude! Mukha na namang single line 'yang kilay mo. Naka-ruler ba 'yan? Ano na naman ba 'yang kinasisimangot mo?” Natatawang kantsaw sa akin ni Zigmund kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. “Bakit ba nandito ka na naman?” tanong ko. Kulang na lang kasi ipaglagay ko na rin siya ng sarili niyang office table dito. Mas madalas pa yata siyang pumunta dito kaysa sa sarili niyang opisina. “Wala ka bang trabaho?” tanong ko. “Chill. May sense of time management kasi ako,” aniya at nagkibit-balikat pa sa akin. “I do have time for myself to relax.” “Good for you,” bulong ko bago kumuha ng isang folder mula sa mga nakatambak na papeles sa lamesa ko. Sana kasi napapansim niya na kung siya may oras para mag-relax, pwes ako wala. Time is essential to me. “Tsk. Tsk. Tsk. Kawawa naman itong best friend ko. Kulang na lang, pakasalan mo na 'yang mga kaso mo, a?” Parang tanga pa niyang tinapik-tapik ang balikat ko kaya padaskol kong inalis ang kamay niya. “Ay ang sensitive naman, dude!” “Zigmund, please. Leave me alone. If it wasn't too obvious, I have work to do.” seryoso kong pagtataboy sa kanya pero nginitian niya lang ako bago naupo nang maayos sa katapat kong silya. “Ano ba kasing kailangan mo? Gawin mo na kaagad tapos lumayas ka na.” “May imi-meet akong tao. And I think that you should meet them too.” aniya kaya ibinaba ko ang binabasa ko at kunot-noo siyang tiningnan. “Wala akong panahon na makipag-blind date.” Walang gana kong tanggi bago muling magbasa. Mabuti na yung ma-kontra ko siya kaagad. Hindi ako desperado na makipagrelasyon para patulan ang mga blind date ideas niya. “Anong blind date ang sinasabi mo? Okay ka lang? Igagaya mo pa ako kila tita na binubugaw ka nang mag-asawa.” Natatawa pa niyang sagot kaya tiningnan ko ulit siya. I gave him a look that say state-your-business-I'm-busy. “Basta, sumama ka na lang.” “Saan nga ba kasi pupunta?” “Basta nga. Para ka namang palaging ililigaw.” aniya. “But don't worry, work related 'to. Kaya bilisan mo na d'yan dahil malayo-layo ang biyahe natin.” dagdag pa niya at nginitian pa ulit ako. “I won't go, not until tell me.” sagot ko ulit. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga bago tumayo at ipinakita pa sa akin ang cellphone niya. It was his picture. A mirror selfie. “Interesting,” walang emosyon kong puna at tiningnan pa siya nang diretso. “Mukha ba akong nakikkipaglokohan sayo?” tanong ko at akma pa siyang hahampasin gamit ang sarili niyang cellphone. “Huh?” aniya at tiningnan yung cellphone niya. “Ay! Wrong picture! Pero in all fairness, ang gwapo ko sa shot na 'to.” “Zigmund!” I hissed. “Ay sorry, ito na. Here,” aniya at muling ibinigay sa akin ang phone niya. “What's this?” kunot-noo kong tanong at seryoso siyang tiningnan. “Zoom it,” utos niya kaya iyon ang ginawa ko. I found nothing particular. “That is a satellite shot from Google Maps. They updated it two days after the murder of Sky Sy.” “Okay,” bulong ko. “So what does it has to do with the case?” “You see, nakapag-update sila two days after the murder happened but the photos were taken two days earlier. Which means kuha ang mga litratong 'to mismong umaga bago mamatay si Sky Sy.” “Okay… Go on,” Tumatango kong bulong dahil unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang gusto niyang sabihin. “Now, look closer. Don't you recognize that face?” aniya kaya muli ko siyang sinimangutan. “Mukha ba akong nakikipaglokohan? Paano ko naman makikilala eh naka-blurred yung mukha!” singhal ko pero mabilis din niyang kinuha yung cellphone niya. He swiped the screen before returning it to me. “I received a tip. Someone saw Sky Sy on that location. Tugma 'yon sinasabi ng photos na 'to.” “And so?” “Dude, think of it. Ano sa tingin mo ang ginawa niya sa lugar na 'yan?” “I don't know. Maybe sending some postcards? Dude, it's a post office, what do you expect?” sagot ko. “Seriously, postcards? Sa panahon ngayon, postcards talaga?” he answered trying to make a point. “Sky Sy had a very hectic schedule during those times. They were busy preparing for the Awards Night. I'm sure that he went to that place to do something that is really important.” “Meaning?” “Meaning, it is so important. It was something na kailangan niyang gawin the morning before his very big day.” aniya. “I'm sure this has something to do with his death. I have a strong feeling about it.” “Zigmund, that's not our job to do.” Mabilis kong kontra sa kanya. “Let Sherleen and the rest of the police investagators do that. Hindi ka si Sherlock Holmes para makidawdaw pa sa imbestigasyon.” “I know. Kaya nga kasama din natin na pupunta si Sherleen,” nakangiti niyang sagot. “May kasama ka naman na pala, bakit isasabit mo pa ako?” tanong ko. “Dude this important. May I remind you, pareho nating tinatrabaho ang kasong 'to. This could be a big lead to solve the case. In fact, ito pa lang ang lead na meron tayo.” Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Zigmund is right. I need to see it myself too. *-* ELOISA'S POV “Oh, girl. Uuwi na kami, ha? Alam mo naman, di kami pwedeng mag-stay nang matagal. Tinataasan na kami ng kilay ng mga nurses dito,” nakangiting biro ni Yvette kaya binaba ko muna ang librong binabasa ko. Dinalhan kasi ako ni Apple ng mga libro na pwede ko raw basahin para hindi ako masyadong mainip. “Huwag kang magbabad sa pagbabasa.” Nakangiti akong tumango bilang pagsang-ayon. “Magpahinga ka nang mabuti, okay?” ani Apple at inayos pa ang buhok ko. “Sigurado ka ba na hindi na natin sasabihin kay lola Lorna yung nangyari sayo?” “Ayos naman na ako. Mag-aalala lang si lola kapag nalaman niya,” sagot ko. Iyon kasi ang huli naming napagkasunduan, hindi na muna namin ipapa-alam kay lola ang nangyari. Ayoko nang dagdagan pa yung iniintindi niya. Masyado na siyang maraming pinoproblema at hangga't kaya ko, gusto ko sanang wag na siyang pagalalahanin pa. “Wag ka'ng mag-alala, Lychee. Ako nang bahalang mag-distract kay Lola. Onting hunta ko lang 'don, solve na 'yon.” Presenta pa ni Lemon. “Oo nga. Ang dapat mo na lang gawin ngayon ay ang magpahinga at magpagaling.” bilin pa ni Peachy kaya ngumiti din ako sa kanya. Sa totoo lang, napaka-swerte ko pa din talaga dahil naging kaibigan ko sila. Ngayon ko lang din kasi naranasan 'to. I mean, I don't really have girl friends before. I have female workmates and colleagues but none of them is considered as friends. I now realized that all those times, I only have one friend, and that is Sky. Sa sobrang kontento ko sa kung anong meron ako, hindi ko na napansin na isa lang pala yung totoong kaibigan ko. Hindi ko naman kasi ramdam noon, because Sky is more than enough. At ngayon nga na wala na siya, kung hindi ko siguro nakilala sila Apple baka sa umpisa pa lang, sumuko na ako. “Nagtext si Ziggy, bukas na daw siya ulit dadaan. May kailangan lang daw siyang puntahan.” Anunsyo ni Yvette. “Bakit may number ka ni Attorney Park, aber?” Taas kilay na tanong ni Lemon. “Pahingi din! Gawin ko siyang textmate! Ayieh!” aniya na tila kinikilig pa sa sarili niyang ideya. “Gaga! Aanuhin mo yung number eh wala ka namang cellphone!” kontra ni Peachy kaya inambaan siya ni Lemon. “Bakit? May cellphone naman si Apol. Edi makikitext ako,” katwiran pa niya. “Ikaw talaga, wala kang ka-support support sa katawan. Kaibigan ba talaga kita?” “Gaga. Realistic lang ako. Di kayo bagay ni Attorney Park.” ani Peachy. “At sino naman ang bagay sa kanya? Eh sa ating lima, ako ang pinakamaganda!” “Oy. Hindi totoo 'yan. Mas maganda kaya sayo si Eloisa,” ani Apple kaya bigla akong nasamid. Amg sama din kasi ng tingin na bjglang ipinukol sa akin ni Lemon. “Ang ibig mong sabihin, mas bagay sila ni Chico-the-love-of-my-life?” “What?” Yvette and I asked in unison. First of all, sinong Chico-the-love-of-my-life? Secondly... Ako? Bagay kay Zigmund? “Gulat yern?” ani Lemon at mas sinimangutan pa ako. “Sira!” sagot ko. “Ziggy and I are friends. We're just friends. At saka, mas maganda kaya sa akin si Yvette.” “Of course naman!” ani Yvette at maarte pang minodelo ang kanyang sarili. “Just kidding,” natatawa niyang bawi. “Ano ba kayo, we are all beautiful. No need to argue with that. Wala akong kaibigang panget 'no! Kuya na panget meron, pero kaibigang panget? Not in my world.” “Alam mo grabe ka. Feeling ko naman pogi yung kuya mo kasi ang ganda-ganda mo. Mukhang wala naman sa lahi niyo ang pangit.” Natatawa kong komento pero nginusuan niya lang ako. “Anong silbi ng gwapong mukha kung pangit naman ang ugali?” aniya at unti-unti nang nagdidikit ang kanyang on fleek na kilay. “Oh tama na 'yan. Ang pagkakatanda ko, aalis na tayo, e.” ani Apple at kumunyabit na sa braso ni Yvette. “Kalma ka na. Ikaw, maisip mo pa lang ang kuya mo umusok na kaagad iyang ilong at tainga mo. Alis na nga tayo.” “Ingat kayo,” bilin ko pa sa kanila habang kumakaway. Ganoon din ang ginawa nila Apple at Peachy. Si Yvette nag-flying kiss sa akin bilang pagpapaalam. “Ikaw ang mag-ingat. Bawal shunga dito,” ani Lemon bago kumaway habang naglalakad na palabas. Nang tuluyan na silang nakaalis, dahan-dahan akong pumwesto ng higa. Kinatamaran ko na ang magbasa. Pero wala din naman akong pwedeng gawin kung hindi ang mahiga dahil limitado pa din ang paggalaw ko. Bukod kasi sa mga sugat at tahi ko, nakaposas din ang kanang kamay ko sa kama. Malungkot kong pinagmasdan ang posas na nakakabit sa right wrist ko. Kahit sa panaginip, hindi ko inakala na makakapagsuot ako ng ganito. Hindi ko din naman naranasan pa ang makulong kahit sa mga nagawa kong proyekto noon. Ang kadalasang role na ginaganapan ko, mabait na bida. Nung nag-uumpisa ako, mabait na best friend ng bida o kaya naman inosenteng nakababatang kapatid. Halos lahat ng role ko, ako yung pinapaiyak, yung nahihirapan. Pero walang-wala pala ang mga acting experience ko sa nararanasan ko ngayon. Kung teleserye man ang buhay ko, hindi na ako sigurado sa plot at genre nito. Masyado nang magulo. “I-check ko lang yung BP mo.” Nakasimangot na paalam sa akin nung nurse na tumingin din sa akin kanina. Matipid akong ngumiti sa kanya pero inismiran niya lang ako. “Braso. Konting bilis. Marami pa akong gagawin!” bulyaw niya sa akin at padabog pa na hinila ang braso ko kaya napangiwi ako nang dahil sa sakit. Hindi ko naman magawang magreklamo kahit pa ang bigat nang pagha-handle siya sa akin. ‘Baka pagod lang siya.’ Paulit-ulit kong kumbinsi sa sarili ko at pilit na isinasantabi ang kakaibang tensyon na nanggagaling sa nurse. Kung nakakapag-reklamo lang siguro yung braso ko, kanina pa 'to umiik. Nang matapos siya, ni hindi siya nagpaalam sa akin, padabog pa niya akong iniwanan. Maging yung pintuan ng kwarto ko, napalakas din yung pagsasara niya kaya kumalabog iyon. Wala pang tatlong segundo, muling bumukas yung pintuan at sumilip yung isang nagbabantay sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero hindi manlang siya umiik. Tiningnan niya lang ako bago muling isara ang pintuan at hindi na ulit nagpakita sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakangiti ko at dinampot na lang ulit yung libro ni Apple. Pakiramdam ko, wala nang magic yung ngiti ko. Dati-rati isang ngiti ko lang, marami na akong napapasaya pero ngayon parang wala ng epekto sa iba. Sabagay, sa mata nila hindi na ako yung dating Eloisa na magaling at mabait. Para sa kanila, isa akong mamamatay tao. Isang tao na walang-awang pinatay ang isang kaibigan. Totoo ba'ng nangyayari 'to? Nauuwi na ba sa wala lahat ng mga pinaghirapan ko? *-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD