ELOISA'S POV
“Girl, are you alright?” Yvette asked.
Matipid akong ngumiti sa kanya bago muling tumingin sa labas ng bintana.
Kanina pa sila hindi mapakali sa pag-aasikaso sa akin kaya wala naman talaga akong nararamdaman na discomfort bukod sa bahagyang pagkirot ng mga tahi ko.
Hindi rin naman nagtagal si Ziggy kanina dahil may mga dapat daw siyang asikasuhin para sa pagpa-file namin ng appeal para makalabas muna ako sa kulungan.
“Ang dilim sa labas,” mahina kong bulong. Halos katatapos lang namin kumain ng tanghalian pero kalat na ang dilim sa kalangitan.
“Ah, oo. May bagyo daw na padating,” sang-ayon ni Apple kaya tahimik akong tumango pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa labas.
“Bagyo na naman. Palagi na lang tayong binabagyo,” reklamo ni Lemon. “Ayoko pa naman sa kulog at kidlat. Ninenerbyos ako!”
“Bawas-bawasan mo kasi ang pag-inom ng kape para di ka nerbyosin!” Natatawang kantsaw ni Peachy kaya nag-umpisa na naman ang bangayan nilang dalawa. Minabuti ko na lang na huwag na silang pansinin dahil nasasanay naman na ako sa kanila. And besides, I was too busy watching the dark cloud as it tries to cover the entire sky.
‘I miss my sky…’
“Wuy girl? Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Peachy kaya bigla akong napatingin sa kanila. “Bakit nag-e-emote ka d'yan?”
“Huh?” tanong ko at tiningnan pa silang apat na pawang mga nakatingin din sa akin.
“Does the weather make you sad?” tanong ni Yvette kaya umiling ako.
“I just want to see a clear sky and not some stupid dark clouds.”
“Hey, that hurts.” Nakangusong bulong ng bagong dating at lumapit pa sa hinihigaan ko.
Napanganga ako nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko. It took me a couple of seconds bago muling makapagsalita dahil hanggang ngayon hindi pa din ako masanay na nakikita siya. “C-Cloud!” sigaw ko at akmang tatayo pero napangiwi na lang ako nang gumuhit ang kirot mula sa tagiliran ko.
“Oh, don't move too much.” Awat niya at inalalayan pa ako sa pagkilos. “Hello!” Nakangiti niyang bati 'don sa apat na pawang nakanganga lang sa kanya.
“Oh my God! I thought I'm seeing a ghost!” ani Yvette at ilang ulit pa na niyugyog ang sariling ulo.
“Girl! May multo!” sigaw pa ni Lemon at nagtago sa likuran ni Apple.
“Tanga. Obviously, hindi multo 'yan.” ani Apple at kinurot-kurot pa si Lemon. “Si Cloud Sy yan! Tama?” Dagdag pa niya bago kami pagsalitan ng tingin ni Cloud kaya tumango ako.
“Ah! Yung kambal ni Sky! Kaya pala wangis na wangis, e.” sagot naman ni Lemon at umayos pa ng tayo. “Hehe. Sensya na. Maganda lang, nagkakamali din.”
“It's okay.” sagot ni Cloud at matipid pa na ngumiti sa kanila bago ako muling balingan. “What happened to you? I heard that you were badly hurt. That you were lucky to survive.”
I smile awkwardly. “Yeah. Malakas pa din siguro ako sa guardian angel ko.” biro ko pa.
“Uy what if si Sky yung guardian angel mo, no?” ani Peachy. “Hindi ka talaga niya pinapabayaan! Ang sweet!”
Pareho kaming natahimik sa sinabi ni Peachy. But I saw Cloud smiled a little after a short while.
“Girls, let's give them some privacy.” ani Yvette at sinenyasan pa yung tatlo na sumunod na sa kanya sa labas.
Tahimik lang na tiningan ni Cloud ang magkabilang braso ko na puno ng benda. Seryosong-seryoso ang ekspresyon ng mukha niya kaya napayuko ako. Magkamukhang-magkamukha talaga sila ni Sky. Especially now that he is not wearing his glasses. Mas lalong lumabas ang pagiging magkawangis nilang magkakambal. Looking at him feels like as if I was looking at Sky too. “Nakilala mo ba yung gumawa sayo nito?” tanong niya kaya umiling ako.
“Hindi, e.”
“From now on be careful, okay? You can't always be this lucky. Do you understand?” Seryoso pa niyang bilin kaya tumango ako. “For Sky's sake, take care of yourself.”
“Cloud, thank you.” bulong ko at hinawakan pa ang kamay niya. I squeezed it a little and smiled at him. “I know that you're also having a hard time yet you're hear, taking care of me.”
“Sky loves you so much, Eloisa. I'll do everything I can to keep an eye on you.” bulong niya habang nakayuko. “By the way, I have something for you.”
May rectangular box siyang kinuha sa bulsa ng suot niyang lab gown at iniabot iyon sa akin.
“What's this?” I asked.
“Open it.” Utos pa niya kaya iyon na nga ang ginawa ko. I looked at him, very confused.
“What is this for?”
“I saw that from Sky's belongings. I believe he intends to give that to you.” Paliwanag niya kaya tinanggal ko sa box ang laman nitong kwintas. It was a simple silver necklace with a black stone as a pendant.
“I can't accept this, Cloud.” Umiiling ko pang tanggi at ibinalik sa box yung kwintas at iniabot ulit sa kanya. The necklace is beautiful and I loved it but I can't just accept this. Nakakahiya na masyado.
“Bakit naman? I'm sure that he bought it for you. Besides, you're the only girl he talked about.” sagot niya trying to convince me. “I want you to have it.” He firmly said.
“No. I really can't.” Umiiling ko pang sagot pero ayaw niyang magpatalo. Kinuha niya yung kwintas at isinuot iyon mismo sa akin kaya wala na akong nagawa.
“I insist,” aniya at matipid pa na ngumiti. “Always wear that. Okay?” bilin pa niya kaya napatango ako. “I have to go.” Tumayo na siya at akmang aalis na.
“Agad?” tanong ko. “I mean, kadadating mo lang, a?”
“I just want to make sure that you're okay.” Ngumiti pa siya at kumaway pa sa akin. Kumaway din ako sa kanya bilang pag-papaalam at tahimik na lang siyang pinanuod na umalis.
“Grabe! Identical na identical sila 'no?” ani Peachy habang pumapasok sa loob. “Buti hindi ka nalilito sa kanila dati?”
“Madalang ko naman kasi silang makita na magkasama noon.” sagot ko. Naalala ko pa, mga less than five times ko lang yata na nakita silang magkambal na magkasama. Mostly during family event lang mga Sy. Madalas kasi akong isama ni Sky sa kanila pero Cloud is always no where to be found. He's always busy. Palibhasa'y Medical Doctor kaya ayon, mas madalas na nasa ospital siya. Magkita man kami, during formal dinners lang. Minsan nga nakakalimutan ko nang may kakambal si Sky e. Hindi rin naman kasi pala-kwento si Sky nang tungkol sa pamilya niya. We usually talk about ourselves, kung ano yung mga pangarap at goals namin buhay. “Cloud is a very private person. Introvert nga kung i-describe ni Sky.” dagdag ko pa.
“Pero mabuti na lang at okay pa din ang treatment niya sayo. Eh diba galit na galit yung nanay nila sayo?” ani Lemon kaya tumango ako. “Warshock na warshock pa naman 'yon.” Puna pa niya.
“Lemon, mabait si Tita Maricar. Namatayan siya ng anak kaya siya nagkakagano'n.” Kalmado kong paliwanag. “She was just blinded by anger.”
“Okay, fine. Pinagtanggol mo na naman yung taong nagpapahirap sayo ngayon,” Umiirap pa na sagot ni Lemon. “Ewan ko ba sayo, Lychee! Masyado kang mabait. Lahat na lang ng tao inuunawa mo kahit hindi na nila deserved. Sana ganyan din sila sayo.”
Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot dahil ayoko nang makipag-argue pa sa kanya.
And besides, alam ko naman na kaya kang nagkakaganito si Tita Maricar kasi nga nawalan siya. Naghahanap lang siya ng anger outlet at ako lang yung nakikita niyang pwede niyang pagbalingan ng lahat. Alam ko din naman na once na mapatunayan na inosente ako, magiging maayos na ulit ang lahat.
I will have my comeback. Not now, but soon.
Para saan pa at malinis ang konsensya ko. Alam ko sa sarili ko na walang akong ginagawang mali at pagsubok lang ang lahat.
I must remember what Sky used to tell me, “No struggle is greater than your courage.”
Hindi ko alam kung saan niya narinig ang kasabihan na 'yon pero iyon ang gusto kong panghawakan sa ngayon. That I am strong. I am always stronger and greater than my problems.
Sky keeps on reminding me that the only reason why I am having some hard time is because I can overcome it. I am chosen and placed in this situation. It can only bent me, but it can't break me.
“Ay shuta! Ang lakas naman maka-sosyal niyang suot mo!” sigaw ni Lemon kaya napatingin ako sa kwintas na binigay ni Cloud. Nakangiti ko pa iyong hinawakan at inilapit sa kanila para makita nila yung simple subalit magandang desenyo nito.
“Bigay ni Cloud. Galing daw kay Sky.” bulong ko. “Well, I mean, he assumed that Sky bought this as a gift for me.”
“Lemon is right. It's beautiful,” ani Yvette habang nakangiti.
“Pero hindi ba awkward na tinanggap ko?” tanong ko. Medyo nag-aalangan pa din kasi ako kung tama ba na nasa akin 'to. We don't really know kung para talafa sa akin 'to.
“Shunga! Bigay nga sayo, diba?” nakasimangot na sagot ni Lemon habang nakapameywang pa. “Mas awkward kung hindi mo tatanggapin! Grasya 'yan, e!”
“Oo nga, ma-awkward-an ka kung ninakaw mo 'yan. Hindi naman diba?” Pangungumbinsi pa ni Peachy kaya ngumiti na lang ako.
‘Wala naman sigurong masama.’
-
IÑIGO'S POV
“Stop going there, Cloud. You'll get yourself into trouble if you don't stop.” Serysong bilin ni Mr. Thunder Sy mula sa loob ng opinsina niya kaya napahinto ako.
“I know what I'm doing, Dad.” Boses iyon ni Cloud. “Trust me.”
“Talaga ba, Cloud? Don't expect me to trust you. Keep in mind, may limitasyon ang pagtulong ko sayo.”
“But I'm your son. Mind you, your only son.” ani Cloud at mahina pang tumawa.
Napakunot ako ng noo dahil may kakaibang chills akong naramdaman sa tawa ni Cloud.
“Shut it. Sky is my son too and look what happened.” Mas naging seryoso ang tono ni Mr. Sy kaya bahagya akong napa-atras.
Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako o hindi.
Pinatawag ako ni Mr. Thunder Sy dahil gusto niya na personal kong masabi sa kanya ang updates tungkol sa kaso ni Sky pero mukhang mali ang timing ko.
Akma na sana akong aalis nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Cloud.
Mukhang pareho kaming nagulat sa isa't-isa pero siya din ang unang ngumiti at masiglang bumati sa akin.
“Attorney! I didn't know that you'll be here,” nakangiti pa niyang ibinuka ang pintuan at tinawag ang daddy niya. “Dad. Attorney Kenwood is here.”
“Oh yes. I asked him to come.” sagot naman ni Mr. Thunder Sy kaya tuluyan na akong pumasok at nakipag-kamay pa kay Mr. Sy. “Cloud, why don't you join us for a cup of coffee?” alok pa nito sa anak na nakangiti naman nitong sinang-ayunan.
Nagprisinta pa si Cloud na magtitimpla ng kape kaya inumpisahan ko nang i-review kay Mr. Sy ang updates tungkol sa kaso. Hindi ko rin kinalimutan ang tungkol sa insidente kagabi lalo pa nga't binabalak ni Ziggy na gamitin 'yon para makalabas si Serdantes.
“So you mean someone tried to kill her last night?” seryosong tanong ni Mr. Sy kaya tumango ako. “That's interesting… right Cloud?” aniya at tininangnan pa ang kanyang anak na papalapit na sa amin.
Pinagsalitan ko sila ng tingin at hinintay ang isasagot ni Cloud pero inilangan niya lang ang dad niya.
“The security system there sucks. What if she died there?” sagot niya. He sounds very concern but his father doesn't feel the same. Bakas na bakas sa mukha nito ang disappointment.
“That is none of our concern, Cloud.” anito at tinapunan pa ng masamang tingin ang anak. “So tell me, may laban ba sila nang dahil sa nangyari?”
“There is a small chance.” sagot ko.
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Mr. Sy kaya nabalot kami ng katahimikan. It was a long and silent moment before Cloud decided to break it.
“I think my father needs some rest now.” ani Cloud at nauna nang tumayo para ihatid ako papalabas ng opisina ng dad niya. “Ipapatawag ka na lang ulit namin.”
“No worries,” sagot ko at nakipagkamay pa sa kanya bago lisanin ang lugar.
‘Something is off about them…’
-