CHAPTER 14

2789 Words
IÑIGO'S POV NAPABALIKWAS AKO ng bangon nang magising ako sa pamilyar na ringtone ng cellphone ko. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para tingnan kung sinuman itong tumatawag at mabilis na lang iyong sinagot. “Dude! Saan ka?” Zigmund's face was automatically registered in my head after I heard the caller's voice. “Office.” Walang kagana-gana kong tugon dahil pakiramdam ko, any moment ay makakatulog ulit ako nang dahil sa sobrang antok. Hindi ko na nagawang umuwi kagabi dahil dito na ako dumiretso matapos ang biglaang pagpapatawag sa akin ni Mrs. Sy. “That's great! I'll be there in five,” masigla niyang sagot bago ako babaan ng linya. Sandali akong bumalik sa pagkakapikit para ikondisyon ang mga mata ko bago tuluyang gumising. Nag-inat pa ako nang bahagya bago tingnan ang mga papeles sa ibabaw ng office table ko. Hindi ko na maalala kung paano at anong oras ako nakatulog dahil ang huling pagkakatanda ko, nagbabasa pa ako ng mga files na ibinigay sa akin ni Mrs. Sy nang magkita kami kagabi. May mga nahalungkat daw kasi siyang mga papel at journals sa gamit ng anak niyang si Sky at nagbabaka-sakali siya na may magamit kaming ebidensya na makakatulong sa pag-usad ng kaso nito. “You better make sure na hindi na makakalabas ng kulungan ang babaeng 'yon. He is the reason why my son is dead!” Napailing na lang ako nang muling sumagi sa isip ko ang tumatangis na mukha ni Mrs. Sy. Galit na galit siya kay Eloisa kahit pa nga may mga bagay na nagsasabing posibleng wala itong kasalanan. But I can never blame her. She's a mother who just lost a precious son. Mabuti na lang talaga at dumating kagabi si Cloud para pakalmahin ang mama niya dahil hindi ako marunong magbigay ng comfort sa ibang tao. “I should keep these somewhere else,” bulong ko bago iyon maingat na samsamin at maayos na ibinalik sa bag ko. Papunta na si Zigmund at mas mainam kung hindi niya muna makikita at malalaman ang tungkol sa journals ni Sky Sy. Don't get me wrong, Zigmund is my best friend and I know that I can trust him. Sadyang ibang bagay na lang talaga kapag trabaho na ang usapan. “Guess who's here?” sigaw niya matapos buksan nang pagkalaki ang pintuan ng opisina ko. “It's me! You're napaka-gwapong best friend!” aniya at mayabang pa na nag-model sa harapan ko. Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang nirarampa niya sa akin ang damit niya. Malamang niyan bagong bili na naman iyon kaya niya pinapakita. ‘Tch. How childish.' “What do you want?” masungit kong tanong bago siya talikuran at nagtungo sa left side ng opisina ko para magtimpla ng sarili kong kape. “Want some?” Alok ko pa pero inilingan niya lang ako kaya muli ko siyang inismiran. ’Tanggi nang tanggi pero mamaya makiki-inom na naman. Tch!’ “Ito ang aga-aga pa lang mainit na ang ulo.” aniya at tinapik pa ang balikat ko bago ibigay sa akin ang isang paperbag. “Oh, pinapa-abot ng kapatid mo.” “Si Yvette?” I asked before sipping my perfectly made coffee. “Bakit? May iba ka pa ba'ng kapatid?” sarkastiko niyang tanong kaya tiningnan ko siya nang masama. “Joke lang. Sabi ko nga magbiro ka na sa lasing, was sa abogadong bagong gising,” aniya bago pumwesto ng upo sa couch at nagbasa pa ng magazine. I took that chance para ilabas ang laman ng paperbag na dala niya. Home-cooked breakfast iyon na sa malamang ay niluto na naman ng kapatid ko. Himala at nasa mood itong magluto ngayon. “Saan kayo nagkita ni Yvette?” tanong ko bago pumpwesto nang upo sa tapat niya at binigyan pa siya ng kutsara at tinidor para sabayan na niya ako sa pagkain. “Hospital.” Casual niyang sagot kaya napasimangot ako. “Oh? Bakit na naman?” “Ugh. Ang kulit talaga ng babaeng 'yon. Sinabihan ko nang lumayo siya 'don sa Eloisa Serdantes na 'yon, e. Hindi talaga marunong makinig. Tch.” Iritable 'kong komento. “She's just worried about her friend. And as a good friend, of course she wants to make sure that Eloisa is okay.” depensa pa niya. “Pinagtanggol mo pa. Tch.” Bulong ko. “I really don't get you two. Ano ba'ng meron kay Eloisa Serdantes at humaling na humaling kayo sa kanya? She can't be that nice.” “Believe me, she is. Eloisa is a good person.” sagot niya nang hindi ako tinitingnan. “At wala akong nakikitang masama kung maging magkaibigan sila ni Yvette o kahit kami.” Dagdag pa niya. “Good? You consider a murder suspect as good person?” tanong ko at inismiran pa siya pero nagkibit-balikat lang siya sa akin bilang tugon. “Seriously, how could you befriend someone like her?” “Aminin mo na lang kung nagseselos ka sa kanya,” sagot ni Zigmund kaya sinimangutan ko siyang lalo. “Don't worry, ikaw pa din ang best friend ko.” Kinindatan pa niya ako kaya binato ko siya ng magazine na nadampot ko. Natatawa lang niyang dinampot ang magazine at ibinalik iyon sa pinagkuhanan ko. “So, how is she?” tanong ko bago umpisahan na ang pagkain. “Sino? Si Yvette o si Eloisa?” Hindi ko alam kung seryoso siya sa tanong niya o sadyang wala lang siyang magawa kung hindi asarin ako. “Why would I ask about that Eloisa? Of course, I'm asking about my sister, you daft.” Nakasimangot kong sagot. “How is she?” “Well, she's fine. But she's also worried for you. Sabi niya hindi ka na daw nakauwi kagabi mula nang ipatawag ka ng client mo.” “Yeah. I pulled a night over to review a case that I'm handling,” sagot ko. “Is it about the Sy Murder Case?” Curious niyang tanong. “Do you have any additional evidence? Can I see it too?” “N-no. I mean, I don't have any.” Tanggi ko. “Hindi lang naman iyon ang kasong hinahawakan ko,” pagsisinungaling ko pa. “Alam mo naman na masyado akong competent para humawak ng isang kaso lang. It's such a waste.” I knew this would happen. Like I said, we both have 50:50 chance of winning and I can't risk of exposing our possible evidences. Soon but not now. “Whatever.” He retorted while rolling his eyes. Napailing na lang ako bago siya saluhan sa pagkain na sa pagkakatanda ko ay para talaga sa akin pero siya itong halos kumain ng lahat. “You know what? Your sister is so sweet,” mahina niyang puna kaya automatic na tumaas ang kaliwang kilay ko. Mukhang napansin niya iyon dahil kaagad din siyang nagpaliwanag. “Nag-aalala siya na baka nagugutom ka na kaya nga pinakisuyo niya na dalhan kita ng pagkain. See? You're so lucky to have a sister like her.” “Wait until you live with her in one roof,” bulong ko. Sa dalas na magbago ng mood ng kapatid ko, daig ko pa ang may inaalagaang mountain lion sa bahay. “Ang bait-bait ng kapatid mo bakit parang nagrereklamo ka pa?” Natatawa niyang pang-bubuska kaya mas sinimangutan ko siya at hindi na lang muna pinansin para makapag-focus ako sa kinakain ko. “By the way, about Eloisa, the doctors said that she should stay in the hospital for atleast a week or two.” Out of the blue niyang pagbabalik kay Eloisa sa usapan. “I didn't ask, okay?” Matabang kong tugon. Ano naman ba kasi ang pakielam ko sa kanya? “Well, you saved her so I thought that you should know her condition too.” aniya at nagkibit-balikat pa. “Don't bother. Kung hindi naman dahil kay Yvette hindi ako magdo-donate ng dugo sa kanya.” sagot ko. “And I don't want to talk about her, okay? Masyado pa'ng maaga para masira ang araw ako.” I don't know. Something about Eloisa Serdantes is bugging me. I just can't point it out. “Fine. But as the opposing attorney of my client, I think I should let you know that I am planning to bail Eloisa out of prison.” “Excuse me? Tama ba ako nang pagkakarinig? Pa-pyansahan mo siya?” “Why not? Prison is not a safe place for her,” sagot niya. “You had seen how dangerous that place is. She almost died last night.” “You're joking, right? You can't let her out.” kontra ko sa ideya niya. Mrs. Sy will be furious, that's for sure. “Aaminin ko, it was so hard to bail her out as if someone is preventing it on purpose.” Hell yeah. The Sy family is pulling all the strings they can pull just to prevent her leaving the jail. “But because of last night's incident, I think I can make it possible for her to go out.” “Are you out of your freaking mind? Talagang ilalabas mo sa kulungan ang babaeng 'yon?” natatawa kong tanong pero tiningnan niya lang ako nang seryoso kaya sumeryoso ang mukha ko. “She herself is dangerous to be out in the society.” “Really? Someone already tried to kill her. Sa loob mismo ng kulungan, a? What's the worst that could happen if she went out?” Pangungumbinsi pa niya sa akin. “One word; murder.” Mabilis subalit kalmado kong sagot. “Gusto mo bang mapunta sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan mo? You'll be marked as an attorney who let a murderer out of jail.” I explained keeping my cool. “Is that how you want people to remember you?” “No.” “Then stop doing stupid things,” bilin ko pa sa kanya bago humigop ng kape. Sometimes, you really need to knock him back to his senses. - ELOISA'S POV “Ms. Serdantes, do you have any idea who would do this and why?” tanong sa akin ni Officer Salas kaya mabilis akong umiling. “Namukhaan mo ba yung umatake sayo?” “No. It was pitch black.” sagot ko habang inaalala ang mga nangyari kagabi. “But she was wearing a rosary as necklace and it glows in the dark. Akala ko nung una madre siya pero bigla na lang niya akong sinaksak.” “Ito ba yung rosary na sinasabi mo?” tanong ulit niya at may ipinakita pa sa aking ziplock bag na may lamang beads at isang maliit na cross kaya tumango ako. “Okay.” seryosong bulong ni Officer Salas habang nakatingin sa hawak niyang notepad. Sandali siyang nahulog sa malalim na pag-iisip kaya namayani bigla ang katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya pero minabuti ko na lang na huwag magtanong. Last time I checked, she hates me so it will be better to just remain silent. “Sherleen, you're here.” ani Ziggy na bigla bigla na lang pumasok dito. Pinalabas na muna kasi ni Officer Salas sina Yvette para makausap daw ako in private. “Attorney Park hindi mo ba nakikita na kinakausap ko pa si Serdantes?” Seryoso niyang tanong kay Ziggy pero nginitian lang siya nito. “Stop smiling.” ”Ito naman! Galit ka pa din?” Parang bata niyang tanong habang pinipisil-pisil ang pisngi ni Officer Salas pero inirapan lang siya nito. “Shut up. Akala ko ba sabi mo let's set aside our personal connections? Wag mo nga akong kinakausap, Attorney Park.” Iritable pa niyang tiningnan nang masama si Ziggy bago ako muling balingan. “Let us know if you remember anything that could help us. Nag-report na ako sa mga seniors ko. Susundin natin ang advised ng hospital na mag-stay ka muna dito for the meantime para ma-obserbahan ka. Mag-a-assign na lang kami ng dalawang police officers para magbantay sayo. You should rest well.” “T-thank you.” Nag-aalalangan kong tugon pero hindi na siya ulit nagsalita at iniwanan na nga kami. Mayamaya pa, isa-isa nang pumapasok sina Yvette at nag-kanya kanya na ng pwesto paikot sa pwesto ko. “Anong sinabi sayo, bakla?” curious na tanong ni Lemon at inginuso pa ang pintuan na nilabasan ni Officer Salas. “Umawra na naman ba?” “N-no. She's actually a bit nicer today,” mahina kong sagot dahil parang may kakaiba kasi kay Officer Salas ngayon. “Sabi ko naman kasi sayo mabait si Sherleen, e.” Sabat ni Ziggy. “Hindi din, no?” Magkasabay na kontra ni Yvette at Lemon kaya napatingin sa kanila si Ziggy. “Kaibigan ko 'yon. Wag kayong ganyan,” nakalabi pa niyang saway 'don sa dalawa. “You like being friends with swollen people. Make sense,” ani Yvette bgo ako balingan kaya hindi na rin nakasagot si Ziggy. “Oh by the way, nandito na rin itong abogado mo, edi hihingin ko na din ang consent niya.” “Consent for what?” tanong ni Ziggy at pinagsalitan pa kami ng tingin ni Yvette. “It's nothing," mabilis kong sagot dahil hindi pa din nagbabago ang isip ko tungkol don sa interview or documentary series na sinasabi ni Yvette. “I want to make a video from her perspective. All this time, ang alam lang ng mga tao, siya ang killer ni Sky Sy but how about her side? Help us to convince her na magbigay ng official statement niya sa public. I am willing to offer my platform para naman mabawasan na yung mga maling balita na nagsi-circulate sa media.” “That's actually a good idea,” bulong ni Ziggy na mabilis na ikinatuwa nung apat. “But it's too risky.” “What? No!” She retorted. “Yes it is.” Sabat ko. “Ayokong idawit ka pa sa gulong 'to. Kagaya ng sinabi ni Ziggy, it's too risky.” “And besides, releasing an official statement using social media might backfire to us.” “It can?” sabay namin na tanong ni Yvette. Maging sila Apple, Lemon at Peachy ay napakunot ng noo sa sinabi ni Ziggy. “Yes.” Matipid niyang sagot without explaining kung paanong pwedeng makasama sa amin ang plano ni Yvette. “And there is no need to do it. I think I found a way to bail Eloisa out, as soon as possible.” Kakaibang kilig at excitement ang naramdaman ko sa sinabi ni Ziggy kaya hindi ko magawang itago ang ngiti ko. “Oh my God, that's great!” sigaw ni Yvette at niyugyog pa ako kaya napangiwi ako sa sakit. Pabubukahin niya yata itong mga tahi ko sa katawan. “Ay– sorry! Na-excite lang ako.” Napapakamot pa sa ulo niyang bulong. “Chill ka lang Pomee. Baka imbis na makalaya si Lychee, mag-stay na lang siya dito sa ospital kakayugyog mo.” Kantsaw ni Apple dahilan para hunaba ang nguso ni Yvette. ‘Ang cute talaga!’ “Makakalabas na si Lychee! Makukumpleto na ang fruit salad!” sigaw ni Peachy na nakipag-up here pa kay Lemon. “Yes naman! Baka magpa-cheese burger pa si Atty. Park!” ani Lemon at sinundot-sundot pa ang tagiliran ni Ziggy. “Beke nemen!” Pabebe pa niyang habol. “Sure,” magiliw naman na sagot ni Ziggy kaya tuwang-tuwa na naman sila lalo na si Lemon. “But tell me who's Pomee and what's the fruit salad thing first.” This time, ako naman ang natawa dahil kanina pa kami nag-uusap dito, ngayon lang siya nagtanong. Siguro'y kanina pa siya naguguluhan sa takbo ng usapan. “Hay nako. Ako na ang mag-e-explain tutal ako naman ang leader s***h visual ng grupo,” ani Lemon kaya nakatanggap siya ng mapanghusgang tingin mula 'don sa tatlo. “Hoy bakit? Ang kakapal ng mukha niyo na komontra, a? Lalo ka na Pomee! Mas maganda ako sayo, lamang ka lang sa ligo pero mas maganda ako sayo!” “Bakit parang kasalanan ko pa na kulang ka sa ligo?” rebut ni Yvette at kunwari pa'ng inirapan si Lemon. “Kokonyatan ko kayo, e.” bubod naman ni Lemon bago humarap kay Ziggy. “So ganito kasi 'yon…” Pagsisimula niya ng mahabang kwento kung paano kaming tinawag na Fruit Salad. Seryoso yung iba, pero may mga di ko na matandaan kung totoo bang nangyari o dinagdag na lang niya. “Ah… so you those are your codenames.” ani Ziggy na tinanguan naman naming lima. “That's cute.” “Opkurs. Ideya ko kaya 'yon.” Mayabang pa na sagot ni Lemon kaya napailing na lang kami nila Apple. “So what are your real names?” tanong niya kaya napaisip din ako. ‘Ano nga ba?’ Hindi ko pa nga pala naitatanong ang mga totoo nilang pangalan. “Walang gan'on,” mabilis na sagot ni Lemon. “Ang tanong ngayon, gusto mo ba'ng sumali sa fruit salad?” tanong niya kay Ziggy kaya napakunot ako ng noo. “Akala ko for girls lang ang fruit salad squad?” tanong ni Yvette kaya tumango ako. Iyon din kasi ang alam ko. “Oo nga. Parang ewan 'tong si Lemon!” segunda sa akin ni Peachy. “Hindi sa ayaw namin sayo Atty. Park, ha?” mabilis pa niyang baling kay Ziggy. “Pero for girls lang kasi talaga ang fruit salad squad, diba Apple?” Seryoso naman na tumango si Apple bilang tugon. “Panira naman ng plano 'tong mga to! Oo na, hindi ko na siya isasali.” Nakangusong sagot ni Lemon bago tumayo at nagmukmok sa may sulok. “May codename na ako kay Atty. Park, e.” bulong pa niya kaya napatingin sa akin si Ziggy. Natatawa akong umiling sa kanya at sinenyasan na huwag na lang pansinin si Lemon. *-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD