IÑIGO'S POV
NANG MATAPOS kaming kuhanan ng statement ni Yvette, nagmamagali din kaming umalis. Wala akong choice kung hindi ang sumabay sa kapatid ko dahil iniwanan na ako ni Zigmund para asikasuhin si Serdantes. And besides, tiyak na malalagot din naman ako sa mga magulang namin kung uuwi ako nang hindi kasama ang kapatid ko.
Knowing our parents, nagawa nga nila akong iwanan sa kalye kanina, e.
Napailing na lang ako nang maalala kung paanong iniwanan nila ako kanina.
Tahimik lang kaming pareho habang bumabyahe kami. Nag-offer ako para mag-drive pero inismiran lang n'ya ko kaya pinabayaan ko na siya sa gusto niya. Sa dami nang mga nangyari, wala na akong panahon para tultulan ang pagpapabebe niya.
“Saan pa ba tayo pupunta?” tanong ko. Napansin ko kasi na nilagpasan niya ang daanan papauwi sa bahay namin.
“I need to make sure that Eloisa is fine.” sagot niya habang sa daan pa rin nakatuon ang buong atensyon.
“Eh? Do we really have to?” tanong ko at inirapan niya lang ako bilang tugon. Itong babaeng 'to, kanina pa nakakarami. “Seriously, let's go home.”
“Fine.” aniya.
Buong akala ko uuwi na kami pero bigla na lang siyang huminto at sinenyasan ako na bumaba.
“You're not expecting me to leave, right?” tanong ko pero seryoso lang niya akong tiningnan bilang sagot. “No! Ano paglalakarin mo ako pauwi?” sigaw ko.
“Fine,” she groaned and reached for her purse. She took some cash and handed it to me. “Just take a cab.” Dagdag pa niya.
“You're joking, right?” tanong ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
“Come on! Just get off my car! You're wasting my time, kuya.” Iritable niyang tugon kaya napaawang ako ng bibig. Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. “Please, I need to make sure that my friend is fine.” Kalmado na niyang pakiusap kaya napa-ismid ako.
“Hindi naman siya pababayaan ni Ziggy,” mahina ko'ng komento bago umayos ng pagkakaupo.
Upon mentioning my best friend's name, her shoulder twitched a bit. Hindi ko naman kasi alam sa kanilang dalawa kung bakit mas pinipili nilang pahirapan ang mga sarili nila. They both like each other but because of an unknown reason, they keeps on denying it.
“H-have you called him? Ano daw ba ang lagay ni Eloisa?” bigla niyang tanong habang muling binubuhay ang makina ng sasakyan niya.
“Nah. Why would I call him?”
“Malamang to check Eloisa's condition, duh?” sarcastic niyang tugon. “Minsan kuya medyo mahina kang umintindi, no?”
“Tch.” Ismid ko. “Your so called friend is none of my concern, Yvette.”
“Oh yes. Kalaban lang naman siya ng kliyente mo.” aniya. “But seriously speaking, why did you even accepted this case? Hindi mo ba na-comprehend nang maayos yung kaso? Obvious naman na inosente si Eloisa.”
“No.” I retorted. “According to the evidences, she's not.” Paliwanag ko.
Her fingerprints were found in the crime scene. She allegedly had a fight with the victim so that can be used as the motive. Kahit ordinaryong tao, makikita kaagad 'yon. Though honestly, some things are still uncertain for me. Tama din naman ang naman ang pinupunto ng iba na may mga loopholes sa kaso, lalo na sa mga ebidensya na mayroon sa ngayon. It was not enough to prove that she is neither guilty nor innocent. Both side have the 50:50 chance of winning. Now it all depends on how and who will make the most of it.
As a competent lawyer, it's my job to make sure that my clients win.
“Oh yeah, right. According to unsufficient evidences,” sagot niya nang may diin sa salitang insufficient. “Oh shoot! I forgot to call the girls,” aniya bago mag-emergency parking sa gilid ng kalsada at may kung sino na ang tinawagan. “Hey! Hello? Naririnig niyo ako? Wait, i-loudspeaker ko.”
“Teka nga, i-loudspeaker daw niya. Ang gulo naman!”
“Itong si Lemon ang magulo, e.”
“Oh? Bakit ako? Eh hindi ko nga marinig!”
Napakunot ako nang noo nang marinig ko ang mga boses nila sa kabilang linya. They were too loud, tch.
“Girls, kalma lang kayo.” ani Yvette bago magpakawala nang malalim na buntong-hininga. “We had a problem.”
“Jusmio! Kakalabas lang namin, problem agad?”
“Oo nga! Ano ba'ng ganap? Wag ka nang pabitin, Pomee.”
‘Pomee? Who the hell is Pomee?’
“I'm on my way to the hospital. May nag-attacked kay Lychee kanina.”
“ANO?!” they shouted in unison.
“Yeah. It's hard to explain over the phone.” sagot ni Yvette at nagpakawala pa ng malalim na buntong-hininga. “I'll just make sure that she's fine tapos puntahan ko kayo sa bahay. Okay?”
“'kay, 'kay.”
Narinig ko'ng sagot mula sa kabilang line bago sila magpaalam sa isa't-isa.
“And who are those people now?” tanong ko. “'wag mong sabihin na kaibigan mo na namang nakakulong ang mga 'yon?” sarcastic ko'ng tanong at bahagya pa na natawa.
“Funny 'yon?” tanong niya at inirapan ulit ako bago paandarin ang kotse niya. “They are my friends and I will appreciate if you stick your nose out of it.”
“Wait—Are you serious?”
“Why? May batas ba nagsasabi na bawal silang gawing kaibigan?” tanong niya kaya napasapo ako sa noo ko.
“For Pete's sake, Yvette! Why do you keep involving yourself with those type of people? Nauubusan ka na ba ng pwedeng kaibiganin?”
“Change career, gusto mo? Sa ugali mo papasa kang husgado. Masyado kang judgemental!” aniya at tinapunan pa ako ng masamang tingin. “I'd rather be friends with them. Mas totoo sila kumpara sa ibang kakilala ko. Nasabing edukado pero masama naman ang ugali.” Dagdag niya at makahulugan pa akong tiningnan na para ba'ng ako ang tunutukoy niya. “So kung ayaw mo na maglakad ka pauwi, sarilihin mo na lang 'yang pagiging utak talangka mo, okay?”
I was about to response but she suddenly stopped driving which made me realized that we finally arrived.
Nagmamadali siyang bumaba at halos madapa pa siya papasok sa ospital. I had no choice but to run after her because I don't want her to cause any scene.
“I'm here for Eloisa Serdantes,” aniya sa personnel na naabutan namin sa information desk. Sumagot sa kanya yung nurse at tumuro pa sa isang side ng emergency room.
Malayo pa lang, natanawan ko na kaagad si Zigmund kasama ang dalawang police officers. He was pacing back and forth while staring on the tiled floor. Mukhang hindi niya din napansin ang pagdating namin kaya hinawakan ko siya sa kanyang balikat. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya kaming magkapatid.
“How is she?” tanong ni Yvette. “She's out of danger, right?”
“Hindi ko pa alam,” seryosong sagot ni Zigmund at nagpakawala pa nang malalim na buntong hininga. “Ang sabi ng doktor kanina, marami daw dugong nawala sa kanya. Masyado ding malalim ang mga sugat niya kaya kailangan siyang maoperahan agad.” Paliwanag pa niya.
“Tinawagan mo na ba si Lola Lorna?” tanong ulit ng kapatid ko.
“No. Not yet. Baka mabigla siya kapag nalaman niya yung nangyari. But, how do you know her?” Tanong ni Zigmund pero hindi iyon sinagot ni Yvette. Sakto din kasi na bumukas ang pintuan ng operating room kaya napunta doon ang atensyon naming lahat.
“Sino ang pamilya ng pasyente?” tanong nung lumabas na doktor.
“We're her friends,” ani Yvette. “Ligtas na ba siya?”
“I'm sorry miss. I need a family member or a guardian here.”
“I'm her lawyer.” ani Zigmund at inabutan pa ng calling card yung doktor. “I have her full consent. What's her condition?”
Huminga nang malalim yung doktor matapos tingnan ang card ni Zigmund. Tinapunan niya din ng pansin pati yung dalawang pulis bago magsalita. “She needs more blood.”
“Then just give her,” sabat ko. Nagkibit-balikat pa ako nang pareho akong simangutan nila Zigmund at Yvette.
“She's an AB Negative. It's a very rare blood type. We don't have enough supply here.” sagot nung doktor.
“Wait! I know where to find an AB Negative!” excited na sigaw ni Yvette.
“You do?/Where?” sabay naming tanong ni Zigmund.
Ngumiti lang si Yvette at lumapit sa akin. Itinaas pa niya ang braso ko at pinitik ang kaliwang foream ko. “Right here!”
“What?! Are you crazy?!” sigaw ko. Mabilis ko pang binawi ang braso ko sa kanya. “Bakit naman ako magbibigay ng dugo para sa kanya?”
“My God, kuya! Nagpakamabuti ka na kanina nung tumulong ka sa pag-save sa kanya, sagarin na natin 'yan!” ani Yvette at hinila ulit ang braso ko. “Doc, saan kami magpapakuha ng blood?”
“Hey!” sigaw ko pero inirapan niya lang ako at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin.
“Just do it! Wag ka nang pabebe. If I was an AB Negative, I won"t even bother you.” sagot niya at hinila ako papunta sa direksyon na itinuro nung doktor.
-
NAKASIMANGOT KONG kinuha sa nurse na kumuha ng dugo ko ang cotton ball na hawak niya. Ako na mismo ang nagdiiin noon sa braso ko dahil kung hihintayin ko siya, baka bukas pa kami matapos.
“Okay na ba?” iritable kong tanong. Tumango siya bilang sagot kaya tumayo na ako at iniwanan siya para puntahan si Yvette. “Baka naman pwede na tayong umuwi?” nakasimangot kong tanong.
“Hindi pa nagigising si Eloisa, e.” nakalabi niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Wala akong balak na matulog dito! Umuwi na kasi tayo!” sigaw ko.
“Kuya naman, e. Ten minutes more, ha? Please?” pakiusap pa niya pero seryoso akong umiling.
“Let's go.”
Nag-umpisa na akong naglakad papalabas at kusa naman na siyang sumunod sa akin.
“Kuya!” tawag pa niya sa akin kaya huminto ako at nakasimangot na humarap sa kanya. “Hindi ba tayo magpapaalam kay Ziggy?” tanong niya.
“I'll just text him.” sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Okay!” aniya at masigla pang kumunyabit sa braso ko na bagong tinusukan ng injection kanina.
“Aray!” reklamo ko.
“He-he. Sorry.” aniya at lumipat sa kabilang braso ko at doo naman kumapit. “Let's go na. I know that you need some rest too.” Parang bata pa siyang nauna para pagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. “Pasok ka na, kuya.”
Inismiran ko lang siya bago pumasok sa sasakyan. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mood swings nitong kapatid ko. Kanina lang, galit na galit siya sa akin tapos ngayon, mabait naman.
Malapit na akong makumbinsi na may mali sa alignment ng utak niya.
“Is that your phone? It's ringing,” aniya kaya napakunot ako ng noo bago kuhanin ang cellphone ko na tumutunog na pala.
Nakarehistro ang number ni Mrs. Sy kaya mabilis ko iyong sinagot. “Hello, Mrs. Sy?”
“Atty. Kenwood, I would like to have a word with you.” aniya mula sa kabilang linya. “Mas maganda siguro kung pumunta ka dito. Ayos lang ba?”
“Yes, of course. I'll be on my way now.” sagot ko at nagpaalam na sa kanya. “Can you speed up a little? May kailangan akong puntahan.”
“Where? Gabi na, a?” aniya.
“It's about my client,” matipid kong sagot.
“Ihatid na kita. Saan ba meeting place niyo?”
“Do you really expect me to show up there looking like this?” tanong ko at sinenyas pa sa kanya ang suot kong damit na may bahid pa din ng dugo.
“Okay,” sagot naman niya.
Tahimik lang siyang nagmaneho hanggang sa makauwi kami. Abruptness is written all over our parent's faces when they saw me and I can't blame them. I was covered with blood.
“What happened to you?” mom asked us worriedly. “Are you hurt?”
“No, mom. I'ts a long story and I have a client waiting for me so just ask Yvette, okay?” sagot ko bago patakbong pumunta sa kwarto ko.
I need a good shower.
-
ELOISA'S POV
GUMAPANG ANG kirot sa buo kong katawan nang magising ko. Balak ko sanang hawakan ang tagiliran ko subalit may malamig na bagay ang pumipigil sa kamay ko. Nagmulat ako nang mara at bumungad sa akin ang kulay puting paligid. Amoy na amoy ko din ang pinaghalong air freshener at rubbing alcohol sa hangin.
I must be in a hospital.
I am still lucky to be alive.
Iniangat ko ang kamay ko at doon ko nakumpira kung ano ang pumipigil sa paggalaw ko. Nakaposas pala ako sa kama.
“Hey…” ani Ziggy. Kapapasok pa lang niya at mabilis siyang lumapit sa gilid ng kama ko. “May masakit ba?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti. “Wait lang, ha? Tatawag ako ng doktor.” Dagdag pa niya bago lumabas ng kwarto. Ipinikit ko ang mga mata ko para sandaling mag-relax.
Buong akala ko, mamamatay na ako.
Imbis na doktor, mga pamilyar na boses ang narinig ko kaya napadilat ulit ako at bumungad sa akin sina Apple.
“Girl! Ayos ka lang ba? Masakit ba?” tanong ni Peachy habang hinahagod-hagod pa ang buhok ko.
“Gaga! Malamang masakit 'yan. Ikaw kaya gawin kong chopping board? Tingnan ko kung hindi ka masaktan!” singhal ni Lemon.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” mahinang tanong ni Apple kaya ngumiti ako sa kanya. “Nakita mo ba kung sino yung sumaksak sayo?” tanong ulit niya kaya tumango ako.
“Talaga? Sino?!” sigaw ni Lemon kaya umiling ako. “Ano ba talaga? Nakita mo o hindi?”
“I s-saw her but I can't recognize her face,” nanghihina kong sagot. “Masyadong madilim, e.”
“Sino kayang sugo ni Satanas ang gumawa sayo nito?” seryosong tanong ni Lemon. “Buti hindi nadali yung peys mo.” Dagdag pa niya.
“Oo nga! Buti na lang talaga. At least maganda ka pa din,” ani Peachy kaya mahina akong natawa. “Alam mo naman na mukha ang puhunan natin.”
“Kasama ka?”
“Hoy! Maganda din ako, wag ka nga'ng ano, Lemon. Ganda-ganda ko, e.” bubod pa ni Peachy kaya mas natawa ako. Mukhang nasobrahan pa nga yata ako dahil biglang kumirot ang nga sugat ko kaya bahagya akong napangiwi.
“Oh, wag ka masyadong tumawa. Baka bumuka mga tahi mo.” Saway sa akin ni Apple. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Hindi naman nagtagal bago makabalik si Ziggy na may kasamang nurse at doktor. Sa unang tingin pa lang, ramdam ko na kaagad ang mapanghusga at masamang pagtitig sa akin nung nurse pero isinantabi ko na lang iyon.
“Ms. Serdantes, you're very lucky to survive after what happened.” Matipid pa akong nginitian ng doktor kaya gan'on na rin ang ginawa ko sa kanya. “I advised that you should stay her for a week or two for observation. Malalim ang mga sugat mo at kailangan pa din natin masiguro na hindi ka na magkakaroon ng additional internal bleedings.”
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya bago tumingin kay Ziggy na seryoso lang na nakikinig sa paliwanag ng doktor. Maging sila Apple ay alistong-alisto habang inililispa pa ang mga bilin nito.
Nang matapos sila sa pag-uusap, umalis din yung doktor at kasama nitong nurse pero hindi nakaligtas sa matalas kong mata ang side-look na binigay sa akin nung nurse.
“Gusto mo dukutin ko 'yang mata mo?” Mataray na sita ni Lemon sa nurse na nagmamadali nang lumabas. Akma pa siyang hahabulin ni Lemon pero mabilis din namang umawat si Apple.
“H'wag mo nang patulan.” ani Peachy.
“Nang-iirap, e!”
“Iiwas na muna natin sa stress si Lychee. Pwede ba, ha?” Maotoridad pa na utos nito dahilan para kumalma si Lemon. “Atty. Park, kami nang bahala kay Lyc- I mean kay Eloisa. Kami na muna ang magbabantay sa kanya para naman makapagpahinga ka din.”
“No, it's okay. I am fine.” Nakangiting tanggi ni Ziggy kaya muli ko siyang tinitigan.
‘Was it him?’
‘The one who saved me… was it him?’
“Kagabi ka pa nandito,” ani Peachy. “Hindi naman namin papabayaan si Lychee girl. Saka para makapagbihis ka na din muna.” Dagdag pa niya at sinenyas ang damit ni Ziggy.
As if on que, noon ko lang napansin na may mga bloodstains ang suot niyang damit at sigurado ako kung kaninong dugo 'yon.
“Ziggy, it's okay. Tama sila Apple. You should rest, too.” Ngumiti pa ako sa kanya. “And thank you for saving me.”
“You shouldn't be thanking me,” aniya.
“Of course, I should! I owe you my life now,” dagdag ko pa.
“Well the thing is—”
He wasn't able to continue when someone suddenly barge in. “Oh! Thank goodness!” She said while giving me the warmest hug. “You're alive!” aniya.
Ngumiti ako bilang sagot.
“I was so worried,” dagdag pa niya habang nagpipigil ng iyak. “Can you even imagine how horrible you looked like? Ugh! I even had nighmare last night!”
“W-what do you mean?”
“Anong what do you mean? You looked like a creepy murder victim last night! You even bathed yourself in blo—”
“Yvette, stop.” Awat sa kanya ni Ziggy. Nakahawak ito sa balikat niya at ngumiti pa sa kanya kaya nagulat kami nila Apple. Sa pagkakatanda ko kasi, hindi pa sila nag-abot na kahit minsan. “It wouldn't be helpful to tell her about that.”
“I'm sorry. You're right.” sagot niya kaya nagsalita na ako.
“You guys knew it each other?” tanong ko habang nakakunot ang noo.
“Yeah. It turned out that your defending attorney is an old friend of…”
“Of?” we asked in unison.
“Friend of mine. I meant friend of mine,” aniya at tumingin pa kay Ziggy. “Right, Zigmund?”
“Y-yeah.” Tila napipilitan na sagot ni Ziggy para tuloy silang may tinatago sa amin.
“Anyways, I brought you some fresh clothes,” ani Yvette at inabot kay Ziggy ang isang paperbag. “Go home and have some rest. Ako nang bahala kay Eloisa.”
“Are you sure?” tanong ni Ziggy. “Hindi ka ba mapapagalitan?”
“By who?” tanong niya at itinaas lang naman ni Ziggy ang kanyang kaliwang kilay. “Tss. Like I care,” she whispered while rolling her eyes. “I'm sure you have other stuff to do. Eloisa is in good hands.”
“Okay, I'll go. I trust you,” ani Ziggy.
“Of course you do!” ani Yvette at hinatid pa papalabas ng kwarto si Ziggy.
I noticed that they were secretly whispering to each other but that is none of my business, so I decided to just let it slide.
“How's the life outside?” Nakangiti kong baling kila Apple na nakatingin din pala 'don sa dalawa. “Wuy!” tawag ko sa atensyon nila at sabay sabay naman silang tumingin sa akin.
“May something sa pagitan nung dalawang 'yon,” bulong ni Lemon.
“Labas na tayo 'don, kaya wag mo nang isipin ang tungkol sa something na sinasabi mo.” awat sa kanya ni Apple. Sa kanila talagang tatlo, si Apple ang pinaka-matured. “May mas importante tayong dapat na inuuna.” dagdag pa niya bago ako tingnan at gan'on din ang ginawa nila Lemon at Peachy.
-