CHAPTER 12

2339 Words
IÑIGO'S POV “I TOLD YOU, she's here.” I just shrugged my shoulder and tried my best to ignore Zigmund teasing tone. Pinagmasdan ko na lang ang kotse ng kapatid ko na naka-park dito sa labas ng Regional Jail. According to Zigmund, this is my sister's secret den. A place full of criminals, tch. Sa lahat ba naman ng pwede niyang gawing tambayan, dito pa talaga? “Nandito na lang din tayo, I might as well visit Eloisa,” casual pa siyang ngumiti sa akin kaya inismiran ko siya. “I need to give her something.” “Yeah. Do whatever you want.” I still don't get it why he accepted this case. Ayoko lang na palakihin yung issue pero hindi talaga ako komportable sa pagiging malapit nila sa isa't-isa. Something is really off. “What's with that face, dude? She's nice, okay?” He teasingly said while raising both of his eyebrows. “Nice? She doesn't even fit the word, okay?” I answered. May mabait ba na pumapatay ng kaibigan? And that girl is seriously a pain in my head. Hanggang ngayon, hindi pa din mawala sa isip ko yung mga sinabi niya noong huling beses na nagkita kami. ‘Bakit hindi na lang ikaw ang bumitaw sa kasong 'to?’ Tch. She was that confident that she can getaway from her crime. How shameless is that? “Dude, don't be like that. I'm telling you, she has nothing to do with this case. She's a mere victim here. That's why I'm helping her.” Seryoso ko siyang tiningnan. May tiwala ako sa talino at galing ng kaibigan ko. I considered Zigmund as my biggest rival. Nasa High School pa lang, madalas na kaming naipagkukumpara sa isa't-isa. Mapa-academics man o extra-curricular activities, palaging kaming dalawa ang magkalaban. It was a fair and friendly competition between the two of us. I know that he is good. Kung may isang bagay man kami na pinagkaiba, masyado siyang mabait. Zigmund has a big heart that I don't obviously have. Some of our family and colleagues, often question how we managed to stay friends despite of how diverse our personalities are. Let's just say that opposite really do attract. “Just trust me, okay?” aniya at nakangiti pa na umakbay pa sa akin. “Anyways, let's not talk about work. Gawin na natin yung sadya natin dito para naman magkaayos na kayo ni Yvette.” “Are you sure we can go inside? Lagpas na sa visiting hours.” Tanong ko habang naglalakad kami papasok sa main entrance. “It's Sunday,” sagot niya. “So?” Kunot-noo kong tanong. “Seriously? You have no idea?” he asked so I gave him a straight face. “Sa tingin mo?” “May weekly mass dito every Sunday. I'm surprised that you don't know. Bakit hindi mo alam?” “Bakit? Dapat ba pati 'yon alam ko?” “Alam mo? Ang sungit mo talaga. Kaya siguro hindi kayo nagkakasundo ng kapatid mo, e.” Natatawa niyang sagot bago kumatok sa Information Desk. “Officer! Nag-start na ba yung mass?” “Attorney Park! Good evening po! Pasok po kayo, malapit na pong mag-umpisa,” magiliw na sagot ng Police Officer na naabutan namin. “Yon! Buti naman, umabot ako.” sagot ni Ziggy. “Anong oras dumating si Ms. Yvette?” “Kanina pa po. Mga 20 to 30 minutes na rin po siguro,” sagot nung pulis bago kami bigyan ng Visitor's pass kapalit ng IDs na kinuha niya sa amin. “Sige po, pasok na po kayo.” “Salamat po,” ani Ziggy. Matipid naman akong tumango sa pulis bago siya lampasan. Tahimik na kaming naglakad papunta sa Main Hall kung saan daw dinadaos yung misa. “Oh, there she is!” ani Ziggy at itinuro pa ang left side ng hall. Sinundan ko ang kamay niya at doon ko lang nahanap kung saan naka-pwesto ang kapatid ko. She was sitting beside an old woman. They were busy chatting but Yvette looks agitated. She keeps on turning her head back and forth as if she's looking or waiting for someone. “Puntahan mo na. Hanapin ko lang si Eloisa,” aniya at hindi na hinintay ang sagot ko dahil iniwanan na niya ako. Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan ni Yvette pero bago pa ako makalapit, bigla siyang tumayo. “Sundan ko na nga! Baka nalulunod na sa CR 'yon!” Narinig kong paalam niya 'don sa katabi niyang matanda bago maglakad paalis. I was about to call her but the mass already started. Ayoko namang makakuha ng atensyon kaya sinundan ko na lang siya hanggang sa huminto siya sa tapat ng Rest Room kaya huminto na ako. I maintain a distance between us to at least give her the privacy. “Girl? Are you still in there?” tanong niya habang kinakatok ang nakasaradong pintuan. “Papasok na ako, ha?” aniya at saka pumasok. “Oh my God!” Hysterical niyang sigaw kaya napatakbo ako papunta sa kanya. “Why? What happened?!” Nag-aalala kong tanong nang maabutan ko siyang nakasalampak sa sahig. “K-kuya…” aniya. Bakas sa mukha niya ang pinaghalong takot at pagkabigla. Nanginginig pa siyang tumuro sa loob ng CR kaya napalingon ako sa tinitingnan niya. I immediately covered her eyes. The scene was too graphic and it was not a good scene to witness. Maging ako, hindi ko makayanan ang nakikita ko. Halos manlamig ako nang dahil sa nagkalat na dugo sa paligid at may nakahandusay pa na babae sa harapan namin. “H-help m-me…” mahina niyang pakiusap kaya para akong nakahinga nang maluwag. I really thought that she's dead. “Yvette. Go outside and ask for help,” utos ko sa kapatid ko na nanginginig pa din habang nakatingin 'don sa babae. “Go! Gusto mo bang matuluyan 'yan?!” singhal ko sa kanya at bahagya pa siyang niyugyog. “Go and call for help!” sigaw ko ulit bago lapitan yung babae. “I said go!” Tila natauhan naman siya at nagmamadali naman siyang tumayo at lumabas ng cr. “Miss? Can you hear me?” bulong ko habang hinahanap kung saan nanggagaling ang mga dugo niya. Tadtad siya ng saksak sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan pero halos karamihan ng dugo, nanggagaling sa tagiliran niya. I don't even know what to do. I have zero knowledge when it comes to medical emergency. Labag man sa loob ko, hinubad ko ang suot kong coat at ginamit iyon para ipang-tapal sa tagiliran niya. ‘Nasaan na ba si Yvette? What's taking her so long?’ “Damn it!” sigaw ko bago buhatin ang babaeng nasa harapan ko at nagmamadali siyang inilabas. She is literally dripping with her own blood and I can loudly hear her heavy breathing. “Don't die on me!” sigaw ko pa. To my relief, I saw my sister running towards us with a group of police officers and a stretcher. Dali-dali kong inilapag sa kama ang babaeng hawak ko at hinayaan na ang mga pulis na mag-asikaso sa kanya. Napaupo ako sa gitna ng hallway habang hinahabol ang aking paghinga. I clenched my fist and stare at the fresh blood stains in it. ‘Seriously, what was that?’ I raised my head and looked for my sister. She was staring at me, blankly. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga bago tumayo at lapitan siya. I hugged her and gently tapped her back. She then suddenly burst into tears and hugged me back. Siguro'y nabigla din siya sa mga nakita niya. “Stop crying.” Utos ko pero mas lalo lang siyang umiyak. “Ano ba? Kung maka-iyak ka naman akala mo kakilala mo yung babae! Tch!” “Of course I know her! She's my friend!” sigaw niya habang patuloy pa din sa pag-iyak. “You do?” kunot-noo kong tanong. “What will happen to her? Kuya… Hindi naman siya mamamatay, diba?” She asked in between her sobs. “I don't know, okay? Ako ba yung doktor? Tch.” sagot ko at bigla na lang siyang kumalas sa pagkakayakap ko at tinapunan pa ako ng masamang tingin. “What?” “Alam mo, ang sama talaga ng ugali mo. How could you be like this? Kapatid ba talaga kita?!” galit na galit niyang sigaw bago ako talikuran at saka ako nilayasan. “Hey! I helped to save her, remember? Tingnan mo nga? My clothes were ruined. I'm covered with her damn blood! Tapos sasabihin mo, masama ugali ko?” Iritable kong sagot pero hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya sumunod lang ako sa kanya. “Nanay Miling…” aniya at yumakap pa 'don sa matandang katabi niya kanina. Bakas sa mukha nung matandan ang labis na pag-aalala habang hinahagod ang buhok ni Yvette. “Sino kayang gumawa 'non?” tanong ng isang bilugang babae habang pabalik-balik sa paglalakad. “Kawawa naman si Eloisa…” “Eloisa?” kunot-noo kong bulong dahil mukha kaagad ni Eloisa Serdantes ang rumehistro sa isip ko. Hindi. Baka naman kapangalan lang. Sa dami ng nakakulong dito, hindi imposible na may magkakamukha ng pangalan. “I think I should follow them to the hospital, right? Walang kasama si Eloisa. We can't call her lola, baka mag-aalala lang siya.” ani Yvette na bahagya nang kumalma. “Hindi na kailangan. Nakita ko yung abogado niya na sumunod sa kanila. Mag-relax ka na muna.” sagot nung bilugang babae. “Nandito si Atty. Park?” tanong nung matanda. “Oo, nay. Nakita ko nung nagkakagulo kanina, e.” sagot ulit nung babae. Atty. Park? What's happening? Si Eloisa Serdantes ba talaga yung babae kanina? It was hard to see because I was too distracted earlier. But, it was too much coincidence. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para hanapin si Ziggy pero hindi ko siya mahagilap. “That's a relief then,” ani Yvette. “You too, kuya. Mabuti na lang at nandito ka. Kahit na masama ang ugali mo, you still helped, so thank you.” dagdag pa niya kaya inismiran ko siya. Nagpasalamat nga siya pero sinabihan naman niya ako na masama ang ugali. “Bakit ka nga pala nandito?” “Ano sa tingin mo? Malamang sinundan kita.” Masungit kong sagot. “Pinasusundo ka nila mom at dad. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Nakita mo na? Sinabi ko naman sayo na hindi ito ang tamang lugar para gawin mong hang-out place.” Mahaba kong sermon pero inirapan niya lang ako. “And who was that girl anyways?” “Paulit-ulit kuya? Friend ko nga!” “Can you stop associating yourself with… them?” I lowered my voice especially with my last word because our arguement is starting to get attention from the other prisoners. “Let's go home. Sa bahay na natin pag-usapan 'to.” “You go home by yourself. Sinabi ko ba na sundan mo ako dito?” natapang niyang sagot. “No. You're going with me.” “Ayoko!” “Yvette, isa!” “Stop bei—” “Uhm, excuse me.“ I was cut off by Sherleen, another friend of mine who works here as a police officer. “Iñigo, my senior officer wants to get your statements. You and Yvette.” “Do we have to?” tanong ko. “I'm afraid so,” sagot niya bago mauna nang maglakad. Sinenyasan ko si Yvette na sumunod sa na din sa amin. I just wanna go home, take a shower and clean myself from this bloodstains. “Why are you even here? Why do you keep on involving yourselves with her?” mahinang sita ni Sherleen sa akin. “Look at yourself. Mukha kang survivor from a big accident. You're covered with blood!” aniya at inabutan pa ako ng wet wipes. “What happened?” “I don't know. Si Yvette lang naman ang pinunta ko dito. Then, I saw that girl. We have no choice but to helo her,” paliwanag ko bago tumingin sa paligid at mahinang bumulong kay Sherleen. “Si Serdantes ba yung babae?” tanong ko. “Yes. Why? Hindi mo napansin?” Taas-kilay niyang tanong kaya umayos ako nang pagkakaupo at nag-iwas pa ng tingin. “Tell me, kung alam mo ba na si Eloisa 'yon, tutulungan mo pa din ba siya?” “What kind of question is that?” Nakasimangot kong tanong. “Hindi ako kasing bait niyo ni Ziggy, pero hindi naman ganoon kasama ang ugali ko.” “I just find it funny.” sagot niya kaya mas napasimangot ako. “I mean, you are the opposing attorney for her case. You firmly believe na siya ang killer, yet you saved her.” “Well… You kno—” “First of all, Eloisa is innocent. Hangga't hindi napapatunayan na siya ang pumatay kay Sky, she's innocent.” Biglang singit ni Yvette sa usapan. Padabog pa niyang ibinaba ang bag niya sa ibabaw ng lamesa ni Sherleen. “Yvette, stop.” Awat ko sa kapatid ko. “Yvette, why are you defending her? Tanungin mo man ang kuya mo, sigurado kami na guilty si Elosa. Kaya nga niya tinanggap ng kuya mo yung case laban sa kanya, It was a very obvious case.” “I'm defending her 'cause she's my friend and she's not here to stand for herself,” Yvette proudly said. Hindi ko alam kung anong insekto ang kumakain sa utak ng kapatid ko. She's unbelievable. “You're not even giving her the benefit of the doubt.” “You don't know her, Yvette. Kung ako sayo, hindi ko siya iko-consider na kaibigan.” “Ikaw 'yon. Iba ako sayo…” ani Yvette. “…sa inyo.” Makahulugan pa siyang tumingin sa'kin kaya napakunot ang noo ko. “She's the prime suspect for killing someone. Get to your senses.” sagot ko pero inirapan niya lang ako. “Ito ang dahilan kung bakit ayokong nagbo-volunteer ka dito, e. Of all people, kriminal pa talaga ang napili mong maging kaibigan?” “Stop labelling her as a criminal! She's innocent!” sigaw niya at tinapunan pa ako ng masamang tingin. Sa sobrang lakas ng boses niya, nagawa niyang makuha ang atensyon ng iba pang officers dito. “May I remind you, she was attacked right under your noses.” Baling niya kay Sherleen. “Instead of throwing shades on her, bakit hindi niyo pagbutihin ang trabaho niyo?” “Yvette!” sigaw ko pero inirapan niya lang ulit ako. “Alam mo kuya? Akala ko matalino ka, e.” baling niya sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang pinaghalong inis at disappointment. “But I guess, I was wrong.” Dagdag pa niya bago lumapit sa ibang pulis at doon nagbigay ng kanyang statement. ‘What's wrong with her? Anong klaseng gayuma kaya ang ginamit ni Eloisa para mapaniwala niya ang kapatid ko sa kanya?’ *-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD