ELOISA'S POV
“Eloisa, matagal ka pa ba d'yan?” tanong sa akin ni Ate Suzy na sinabayan pa niya ng ilang beses na pagkatok sa pintuan ng cr.
“Papalabas na po ako,” sagot ko habang pinapatuyo ang tumutulo ko pang buhok. “Mauna na po kayo ni Nanay.” dagdag ko pa matapos lumabas ng banyo.
“Sure ka?” Paninigurado pa niya kaya tumango ako. “Oh sige. Basta sumunod ka na, ha?”
“Opo. Magpapatuyo pa po ako ng buhok, e.” Nakangiti kong sagot.
Ngayon kasi ang misa na dinaraos kada linggo ng gabi. Naka-attend na ako last week kasama sina Lemon pero iba ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, ito yung first time ko. Kumakabog ang dibdib ko at para bang may nagsasabi sa akin na 'wag na lang pumunta. Para akong kinakabahan na ewan. Sabagay, iba kasi kapag kasama ko yung tatlo, e. Mas komportable at mas masaya.
Nang matapos na ako sa pag-aayos ng sarili ko, minabuti ko na ang lumabas para sundan sila Ate Suzy at Nanay Miling. Nasa kalagitnaan na ako nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. At tutal, malapit naman na ako sa main hall, naisip ko na doon na lang mag-banyo. Baka kurutin na ako nila Ate Suzy kapag na-late ako sa misa.
“Oh! Ito na pala, e.” narinig kong bulong ni Ate Suzy habang kausap si Yvette. Kunot-noo akong lumapit ako sa kanila para kausapin si Yvette. Late na kasi at hindi ko alam kung bakit napadpad siya dito.
“Bakit nandito ka?” tanong ko.
“Aray girl, a? Parang ayaw mo akong makita, a?” sagot niya habang umaarteng nasasaktan.
“Sira! Gabi na kasi. Mabuti at pinayagan ka pa ng kuya mo na umalis?” Tinawanan ko pa siya pero inirapan naman niya ako bilang tugon.
“As if naman kailangan kong magpaalam sa kanya. Tss!” Iritable niyang tugon. Sa timbre ng pananalita niya, mukhang alam ko na kung bakit bigla siyang napadpad dito.
Pasimple akong tumingin kila Nanay Miling para ikumpirma ang naiisip kong dahilan kung bakit nandito si Yvette. Wala pa akong ibang ginagawa at sinasabi pero sabay silang tumango.
So it's confirm. Nag-away na naman sila ng kuya niya.
These past few days kasi mas napapadalas ang pagpunta ni Yvette dito. At dahil nga palagi na siyang nandito, naging open na din siya sa amin ng tungkol sa personal life niya.
According to her, she has an older brother. Ayon din kay Yvette, medyo ill-tempered itong kuya niya kaya madalas ma hindi sila magkasundo.
“Oh? Eh ano naman ang pinag-awayan niyo?” Natatawa kong tanong.
“Alam mo 'yon? Sunday supposed to be our family day. Usually sabay sabay kaming uma-attend ng Mass with our parents tapos ngayon niya pa napiling mag-inarte? Sungitan daw ba ako nang bongga? Edi ayon, walk-out queen ako, e.” Kunot-noo niyang kwento. Mabuti na lang, likas na maganda si Yvette. Yung tipong kahit nakabusangot, presentable pa din tingnan. Ayon nga sa salita ni Lemon, malaking sana all. “My God! Baka imbis na makapagbawas ako ng kasalanan, sa loob pa mismo ng simbahan ako makagawa ng masama. Ang lakas maka-trigger ng kuya ko! Napaka-alagad ni Satanas!” gigil pa niyang sigaw kaya tinakpan ko ang bibig niya. Malapit na kasing magsimula yung mass. Maging si Father at ang mga kasama niyang Madre ay napatingin sa pwesto namin. “Ay sorry po! Yung kuya ko kasi. Ipag-pray po natin ang nasusunog niyang kaluuwa!” aniya at nagsign of the cross pa habang taimtim na nakapikit.
“Kalma ka na. Wala naman dito yung kuya mo.” Nakangiti ko pang tinapik-tapik ang balikat niya. “Ay teka nga, mag-cr lang ako.” Paalam ko sa kanila bago tumayo.
“Bilisan mo, a? Mag-uumpisa na.” Bilin ni Nanay Miling at sinenyas pa ang pwesto nila Father.
Mabilis pa akong tumango sa kanya bago nagmamadaling tumakbo sa cr. Medyo creepy nga kasi empty na empty yung common restroom dito sa Main Hall tapos nagpapatay-sindi pa yung ilaw at mukhang any moment ay mapupundi na ito. Dapat pala nagpasama na ako kay Yvette, e. Hindi kasi ito katulad nung mga nasa cell na cr, kung titingnan, hindi nalalayo sa estilo ng nga banyo sa malls. May mahabang lababo sa harap ng malaking salamin at may apat na stall.
Since wala namang ibang tao, kaagad din akong nakapasok sa unang stall. Hindi pa mandin ako natatapos sa pag-ihi, biglang namatay yung ilaw.
‘Ito na nga ba yung sinasabi ko.’
Binilisan ko na ang ginagawa ko dahil nakakatakot na masyado dito. Sobrang dilim kaya halos wala akong makita. Mabuti na lang, nasa bungad lang ako kaya madali na akong makakalabas.
Papalabas na ako ng stall nang may maramdaman akong pumasok sa loob ng cr. Marahan pa siyang kumatok sa pintuan ng stall kung nasaan ako. “May tao pa po,” sagot ko at bago buksan ang pinto. “Dito na po kayo gumamit…” suhesiyon ko. Hindi ko siya nakikita dahil sobrang dilim talaga sa loob, mabuti na lang at glow in the dark ang naka-kwintas na rosaryo sa kanyang leeg. “…Sister.”
Hindi ako nakarinig ng tugon sa pero hindi naman ako makaalis dahil nakaharang siya sa dadaanan ko. “Ayos lang po kayo? Malinis naman po yu—”
Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang may maramdaman akong malamig na bagay ang tumusok sa tagiliran ko. Hindi pa siya nasiyahan sa isa dahil muli niya akong sinaksak at sa pagkakataon na ito, mas diniinan pa niya.
Naramdaman ko ang pamamanhid na kaagad na gumapang sa lower part ng katawan ko. Alam ko na any moment ay babagsak ako kaya napahawak ako sa kanya. “W-why… W-what do you want from me?”
Instead of answering, she pushed and pinned me on the wall then she proceeded on stabbing me again. I was lucky enough to dodge and avoid most of her attacks. Ginamit ko ang magkabilang braso ko para i-pangsangga sa kanya. I was now on the wet floor while she was on top of me.
Surprisingly, I only felt sharp pain at first. Hindi ko alam kung magandang bagay ba iyon. My whole body was getting numb and I'm not even sure how I'm still alive by now.
‘Ito na ba ang katapusan ko?’
“Just die here,” bulong niya sa kanang tainga ko kaya't natigilan ako. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate ba ako pero parang narinig ko na ang boses niya. “He needs you. He's waiting for you in hell.” mahina pa siyang tumawa bago umalis sa pagkaka-ibabaw sa akin.
I grabbed the rosary on her neck to stop her from escaping. Napakunot ako nang mapansin ko na pati ang amoy niya pamilyar din. “W-who a-are y-you..?”
Imbis na sumagot, marahas niyang tinabig ang kamay ko dahilan para mapigtas ang rosary niya. Napasigaw ako nang buong lakas niyang sinipa ang dumudugo kong tagiliran bago ako tuluyang iniwanan.
Ayoko pa'ng mamatay. Ayokong mamatay sa ganitong sitwasyon.
Inipon ko ang natitira kong lakas para gapangin ang daan papalabas pero unti-unti na akong tinatakasan ng lakas at ulirat.
“Please… Please… Help me,” nanghihina kong bulong.
*-*
IÑIGO'S POV
“Seriously Igo? Magsisimba na lang tayo nag-away pa kayong magkapatid?” Nakasimangot na tanong sa akin ni Dad habang nagmamaneho papunta sa simbahan.
“Dad, are you blaming me? Iyong anak niyong babae ang masyadong sensitive. Nasigawan lang, lumayas na?” nakasimangot ko ding sagot.
Pinairal na naman kasi ng kapatid ko ang pagiging immature niya.
“And what's with that tone, young man?” singit ni Mom sa usapan namin ni Dad at tinapunan pa ako ng masamang tingin.
“Mom, nagsasabi lang ako ng totoo. Kasalanan din naman ni Yvette. She keeps on pestering me.”
“She's your sister!” sigaw ni Mom na sinabayan pa niya ng hampas sa ulo ko.
“Mom! I'm not a kid anymore!” sigaw ko ulit. Iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko dahil muli lang akong nakatikim sa kanya. “Mom!”
“Hanapin mo ang kapatid mo. Wag na wag kang uuwi nang hindi kasama si Yvette.” ani Dad bago mag-emergency parking sa gilid ng kalsada.
“What? Saan ko naman hahanapin 'yon?”
“That's your problem.” ani Mom bago ako itinulak papalabas ng sasakyan at mabilis na isinara ang pinto.
“Dad, come on. Seriously?” tanong ko at pilit pang binubuksan ang pinto ng sasakyan. Ilang ulit ko pang kintatok ang bintana pero hindi talaga nila pinagbuksan.
“Keep safe, son.” Pahabol na bilin ni Dad bago paandarin ang kotse niya.
‘Oh great!’
Bakit ba kasi pinilit-pilit nila akong sumama sa kanila tapos iiwanan din pala nila ako? Minsan tuloy, gusto kong kwestyunin kung nasa tamang pag-iisip pa ba ang buong pamilya ko.
I took my phone from my pocket and dialed Ziggy's number. May maliit kaming alitan pero alam ko na hindi ako papabayaan ng kaibigan ko.
“Zup?” aniya sa kabila ng linya.
“Where are you? Can you pick me up?” casual kong tanong. “Dad dropped me off,” kwento ko at sinabi na rin sa kanya ang exact location ko.
“Sure. Give me five. I'll be there,” aniya kaya pumasok na ako muna ako sa loob ng isang convenient store.
I decided to have a cup of coffee while waiting for Ziggy. Nakaupo ako at prenteng nagkakape nang biglang mag-flashed sa tv screen ang isa na namang news update tungkol sa kasong hawak ko.
“Grabe talaga 'yang si Eloisa, no? Ang bait-bait ni Sky tapos nagawa pa niyang patayin.”
“Oo nga, e. Ang ganda-ganda niya tapos killer pala no?”
Narinig kong usapan ng dalawang babae nakapwesto sa bandang kanan ko. Hindi ko sila masisisi, totoo naman kasi na si Eloisa lang ang maituturing na suspect sa krimen.
“Ang hirap talaga magtiwala nga—ay kabayo!”
Maging ako ay nagulat nang may bigla na lang nagdabog sa kabila table sa kanang side ko.
“Alam niyo ba na illegal ang ginagawa niyo? Ayon sa Article 26 ng Civil Code of the Philippines, every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons.”
Napalingon ako sa kanya dahil siguro sa gumamit siya ng legal terms.
“Uhm, excuse me? Hindi ka namin kausap.” sagot nung isa sa kanan ko. “Pakielamera.”
“Tsismosa.” Rebut nung nasa kaliwa. “Kung pag-tsismisan niyo yung tao, a? Bakit napatunayan na ba na siya ang pumatay?”
“Tama na nga 'yan. Kumalma ka, girl!” awat nung isa sa kanya.
“Hindi! Kawawa naman si Eloisa, hindi pa man din niya naipagtatanggol ang sarili niya, nahusgahan na siya kaagad ng mga babaeng 'to.”
Seriously? Why do I have to be in the middle of them. Matagal pa ba si Ziggy?
“Duh! Bakit ba pinagtatanggol niyo ang Kriminal na 'yan? Siguro member kayo ng mga die-hard fan niya, no?”
“Oo. Bakit? May problema ka ba 'don?” matapang na tanong nung isa. “Ito ang sinasabi ko sa inyo, inosente si Lyche- este si Eloisa. Hintayin niyo lang dahil mapapatunayan niya 'yon!”
“Oo nga!”
“Iww. We won't stoop down your level. Tara na nga!” iritableng sigaw nung nasa kanan bago mag-walkout.
“We won't stoop down… Ang arte niyo!” Gigil ulit na sigaw nung isa. “Nakakairita! Ang arte arte! Kung hindi pa siya mukhang bisugo!”
“Kasalanan 'to ng fake news na 'yan, e!” Galit na sigaw nung babaeng nagbigay ng batas kanina. “Saan ba nila nakukuha yung mga binabalita nila?”
“Baka pakana nung pangit at amoy lupa na abogado nila Sky. Tss. Masyadong desperado na manalo sa kaso, obob naman yung panot na 'yon!”
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape.
Ako lang naman ang abogado ng mga Sy, a? Are they referring to me? Attorney Iñigo Kenwood? Pangit? Amoy lupa? Desperado? Panot?! At ano yung isa? Obob? What's that even supposed to mean?
May ideya ba sila sa sinasabi nila?
“Dapat talaga pumayag na si Lychee sa offer ni Pomee, e. Para naririnig din ng iba yung side niya!”
“Dapat siguro tulungan na natin si Pomee na kumbinsihin si Lychee.”
“Eh paano nga? Ayaw nga ni Lychee na madamay yung isa. Paano ang gagawin natin?”
“Bahala na. Tapusin niyo na yung pagkain niyo. Gusto ko nang umuwi. Napagod ako, e.”
“Ay me too.”
“Me three!”
Nagtawanan pa sila sa non-sense at gasgas na hirit na iyon kaya naiiling ko na lang na inubos ang kape ko. Sakto naman na tumatawag si Ziggy. “Zup?” sagot ko at natanawan ko na ang kulay pula niyang kotse. “Palabas na ako.”
“Okay.” sagot niya kaya pinatay ko na yung call.
Dinaanan ko na lang yung tatlo na busy na sa pagkain ng cup noodles.
“Saan natin hahanapin si Yvette?” tanong niya kaya nagkibit-balikat ako. “Para kang tanga. Ano na naman ba ang pinag-awayan niyong magkapatid?” Natatawa niyang tanong kaya ikinwento ko na sa kanya ang tungkol sa maliit naming pagtatalo ng kapatid ko. “Iyon lang? Pinatulan mo kaagad?”
“Wag ka nga'ng biased! Si Yvette na naman ang kinampihan mo. Tch.” sagot ko sa kanya.
“Hindi naman sa gan'on. Ang akin lang, sana pinagbigyan mo na lang siya.” paliwanag niya kaya sinimangutan ko siya.
“Stop siding with her. Kahit anong gawin mong pagkampi sa kanya, friendzoned ka pa din sa kapatid ko.” rebut ko na tinawanan lang niya. “Saan naman kaya naglusot ang babaeng 'yon?”
“Feeling ko alam ko na,” aniya kaya kunot-noo akong tumingin sa kanya. “Isang lugar lang naman ang pinupuntahan niya kapag nag-aaway kayo.”
“Bro, are you still stalking my sister?”
“Stalking your ass,” aniya at nag-iwas pa ng tingin.
'Tch. Kunwari pa s'ya.'
*-*