MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw. Paonti-onti, nakakapag-adjust naman na ako sa environment dito. Wala namang naging problema so far. Halos araw-araw na dumadalaw sila Lola at Ziggy kaya kahit papaano, nababawasan yung pagka-missed ko kay lola. Idagdag pa na hindi na ulit nagpunta si Atty. Yabang kaya puro good vibes lang talaga ako ngayon.
Ang nakakalungkot lang kung kailan kampante na ako sa mga kasama ko, ngayon pa sila aalis. Ngayong araw kasi ang nakatakdang paglaya nila Apple. I mean, magandang bagay 'yon at masaya ako para sa kanila. Limang taon na din nilang hinintay ang araw na 'to, sadyang nalulungkot lang ako dahil mababawasan kami.
“Ano ba 'yan! Lalaya kami bakit yung mukha niyo parang ihahatid niyo kami sa huling hantungan!” Reklamo ni Lemon habang nakatingin sa amin. Doon ko napansin na pati pala sila Nanay Miling at Ate Suzy mababakasan ng lungkot sa mga mukha nila. “Ngumiti nga kayo!”
“Oo nga! Ngumiti naman kayo. Palagi pa rin naman kaming dadalaw sa inyo dito sa oras na makapag-adjust na kami sa labas,” ani Apple at yumakap pa kila Nanay Miling. “Hahanap lang kami ng trabaho sa labas tapos bibisita kami kaagad dito.”
“Nakakapanibago lang. Panigurado, magiging tahimik ang selda natin dahil wala na kayo,” ani ate Suzy. “Wala nang mag-iingay sa bawat oras.”
“Asus. Edi inamin mo din na mamimiss mo kami? Kunwari ka pa, e.” Pang-aasar ni Lemon at yumakap pa kay Ate Suzy. “Mami-miss din kita, te. Wala na akong malambot na unan!” aniya at pinisil-pisil pa ang malamang tagiliran ni Ate Suzy.
“Siraulo ka talaga!” natatawang sagot ni ate Suzy at inipit pa si Lemon gamit ang magkabila niyang braso.
“Apple,” tawag ko sa atensyon ni Apple at inabot sa kanya ang isang papel na may nakasulat na numero at adress. ”Address ng bahay namin 'yan saka number ni lola. Wag naman sana, pero kung sakaling mahirapan kayong humanap ng matutuluyan, punta kayo sa bahay.”
“Nako hindi na. Nakakahiya sa lola mo!” mabilis na tanggi ni Apple at pilit pa na ibinalik ang papel sa akin kaya ipinasa ko iyon kay Lemon.
“Lemon, ikaw nang bahala.”
“Lychee girl, thank you! Pero hindi na kailangan.” sagot ni Lemon kaya napakunot ako ng noo. “May nag-offer naman na ng tulong sa amin. Siya na daw ang bahala muna sa amin habang naghahanap kami ng matutuluyan.”
“Meron? Sino?” tanong ko. As if isa iyong que, biglang bumukas yung pintuan at niluwa noon si Yvette.
“Are ready, girls?” tanong niya at tiningnan pa yung tatlo na mabilis namang tumango.
“Kay Yvette muna kayo?” tanong ko na tinanguan naman nila Apple. “That's a relief then.” bulong ko. “Buti pumayag ang kuya mo?” tanong ko kay Yvette na sinagot niya ng ismid.
“Di ko naman kailangan ng approval niya, e.” Parang bata niyang sagot habang umuusli pa ang nguso. “They're not staying in the house din naman, e. I owned a studio apartment, doon muna sila since hindi din naman nagagamit.”
“Uhm… I see.” Tumatango kong sagot. ”Pero kunin niyo pa din 'to. Bisitahin niyo si Lola paminsan-minsan.” Inipit ko pa sa strap ng bra ni Lemon yung papel para hindi na siya makatanggi.
“Sesermunan lang ako ng lola mo, e.” bubod ni Lemon. Sa mga nakalipas kasi na araw na bumibisita si Lola, ipinakilala ko na sila sa isa't-isa. Napuna kaagad ni lola si Lemon at ang pananamit nito. Pati yung pagsasalita niya napansin ni lola kaya iyan, na-phobia na yata siya.
“Sira! Mabait 'yon! Medyo habaan mo lang yung suot mo kapag pinuntahan niyo siya.” Natatawa kong sagot bago siya muling yakapin. “See you soon.”
“Hoy Lychee, aasahan namin 'yang soon na 'yan, ha?” ani Peachy. “Hindi counted yung pagkikita natin kapag bumisita kami dito. Dapat sa labas tayo magkikita, ha?”
“Oo naman.” sagot ko.
Nararamdaman ko malapit na din akong makalabas.
Nalalapit na din kasi ang unang trial ng kaso ko at kung maaayon sa plano namin ang lahat, malaki ang possibility na makalaya na kaagad ako.
“Nubayan. Lalaya ka ata nang hindi ko naabutan yung abogado mo,” mahinang reklamo ni Yvette. Palagi kasi silang nagkakasalisihan ni Ziggy.
“I-search mo na lang kasi sa f*******:!” suhestiyon ni Apple pero inirapan lang siya ni Yvette
“Alam mo girl, nawawala yung element of surprise kapag nalaman ko na yung name at itsura niya.” Paliwanag niya kaya natawa ako. Ang dami niya kasing pakulo, para din siyang combination nung tatlo, e. “Pumayag ka na kasi sa documentary video.” baling niya sa akin. I finally decided kasi na mag-declined sa offer niya. Like what I said, masyadong risky para sa side niya ang gusto niyang mangyari.
“Wag na nga. Mukhang nagagawan naman ng paraan legally e.” sagot ko.
“Aray naman, girl? Parang sinabi mong illegal yung gagawin natin, a?” aniya habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.
“Sorry, wrong choice of words,” natatawa kong paliwanag. “Basta, okay na 'yon. No need to do the documentary video.”
“Ay. Ewan ko sayo, girl. Kapag talaga nakausap ko 'yang lawyer mo, no choice ka kung hindi pumayag. Gagamitan ko ng charms ko para mag-agree siya sa akin.” Pabiro pa niyang banta na tinawanan naming lahat, maliban na lang kay Lemon.
“Good idea 'yon, girl?” tanong pa niya. “Release date ko ngayon, baka hindi matuloy. Gulpihin talaga kita?”
“Ito naman! Joke lang! Trying to be a comedian lang, he-he.” Mabilis na sagot ni Yvette. “Napaka-possessive mo po,”
“Oo nga. Hindi naman jowa!” kantsaw ni Peachy.
“Wala kang pake!” sagot ni Lemon. “Pero bago ko makalimutan, hoy Lychee girl! Wag kang lalampa-lampa dito, okay? Bawal masyadong mabait. Gets mo? Wala na kami para ipagtanggol ka kaya dapat kaya mo nang gawi 'yon para sa sarili mo.”
“Oo na, kaya ko na ang sarili ko. Alagang fruit salad kaya ako.” Nakangiti kong sagot at yumakap pa sa kanya.
“Hay nako. Tama na 'yan.” Awat sa amin ni Apple. “Mauna na kami?” aniya at bigla na namang bumigat ang atmosphere. “Wag na tayong mag-iyakan, ha?”
“Oo na. Sige na,” ani Nanay Miling. “Tumuloy na kayo at baka masyado na kayong nakaka-abala dito kay Ms. Yvette.”
“Oh paano? Babush na? Mami-miss ko kayong lahat!” Malakas na sigaw ni Lemon na para bang hindi lang para sa amin yung pagpapa-alam niya.
Nauna na siyang lumabas pero sumunod din naman sa kanya sina Peachy at Apple na kapwa yumakap muna sa amin bago tuluyang umalis.
“Hay! Ang bilis ng panahon,” bulong ni Ate Suzy nang hindi na namain maabot ng tingin yung apat. “Nawa'y maging maayos ang lahat para sa kanila,” dagdag pa niya.
“They'll be fine,” bulong ko at umayos na nang upo. Maliit lang ang kwarto namin pero ngayon na wala na yung tatlo, bigla akong nalula. Pakiramdam ko, ang laki masyado nung space para sa amin nila Nanay Miling.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga bago ibagsak ang aking katawan pahiga. Naiinggit ako kila Apple dahil nakalabas na sila. Ako kaya? Hanggang kailan kaya ako dito? Kailan kaya yung pinanghahawakan ko na malapit na.
“Eloisa, ayos ka lang?” tanong ni Nanay Miling kaya napatingin ako sa kanya at matipid na tumango. “Ang tahimik ngayon, no? Wala na kasi si Lemon, e.” Naiiling niyang bulong na sinang-ayunan naman ni Ate Suzy.
“Noong nandito si Lemon, naiirita ako sa ingay niya pero ngayon naman, hinahanap-hanap ko.” ani Ate Suzy kaya gumulong ako papalapit sa kanya.
“Ate, gusto mo ba gayahin ko si Lemon na magsalita?” Natatawa kong biro.
“Sira! Hindi bagay sayo yung gan'on,” sagot niya kaya napahagikgik ako at gumulong na pabalik sa pwesto ko kanina. Aaminin ko, komportable na ako sa kanila kahit pa kailan lang kami nagkakilala. Sobrang babait kasi nila, e. Hindi sila mahirap pakisamahan.
“Serdantes.” Tawag sa akin ng isang guard kaya nagmamadali akong tumayo.
“Po?”
“May dalaw ka,” aniya kaya kunot-noo akong lumapit. Wala kasi akong inaasahang dadalaw sa akin. Kabibisita lang ni Lola kahapon at ang alam ko, may aasikasuhin daw siyang importante ngayon.
Labag man sa loob ko, minabuti ko nang puntahan itong bumibisita sa akin.
‘Nako naman, Lord. Wag naman po sanang si Atty. Yabang. Tahimik na ang kalooban ko. Ayoko pong maging masama na naman.’
“Eloisa!”
Nakangiti niyang bati sa akin at kusang umagos ang luha ko nang makita ko ang mukha niya.
“Sky…” bulong ko at tumakbo papalapit sa kanya. Yinakap ko siya nang mahigpit pero ilang segundo na ang nakakalipas, hindi pa rin siya gumaganti ng yakap at doon ako natauhan. “S-sorry… I'm sorry, C-Cloud.” Bulong ko at pinunasan pa ang mukha ko. “H-hindi ka kasi na salamin, akala ko si Sky ka.” Paliwanag ko pa.
“Ah… Oo. I tried to use contacts today,” aniya at nahihiya pang kumamot sa kanyang batok. “Bagay ba?” tanong pa niya kaya tumango ako bago maupo sa bakanteng silya sa harapan niya. “I woke up today and I missed Sky. It's been a week since he died and I still can't accept it. I want to be with him or at least to see him once again. Then I realized that I still can. I just need to look myself on a mirror.” Pagku-kwento niya habang may genuine na ngiti sa kanyang mga labi. Habang parang may kung ano namang bumara sa lalamunan ko. “Good thing that we're identical, right?”
Tumango ako at matipid na ngumiti sa kanya.
“Kumusta ka dito?” tanong niya. “Alam mo, nag-aalala ako sayo dito. Iniisip ko kasi baka nahihirapan ka na dito, e.”
“Thank you, Cloud.” Bulong ko. “Alam ko na aware ka sa kung ano ang sinasabi ng lahat, pero nand'yan ka pa din para mag-alala para sa akin.” Nakayuko kong pang kinuha ang kanyang kamay at pinisil iyon nang mahigpit.
“O-oo naman,” sagot niya at ngumiti pa sa akin.
“Bakit ka nga pala napadalaw?” tanong ko at tila doon niya naalala kung ano talaga ang pakay niya.
“I just want to ask kung may mga napag-usapan ba kayo ni Sky bago siya mamatay? May mga nakwento ba siya sayo?” tanong niya kaya sandali akong nag-isip. Masyado kasing generalized yung tanong niya.
“Tungkol ba saan? Marami din kasi kaming mga napag-usapan, e.” sagot ko naman. “Alam mo na, future plans, projects, at yung iba wala namang sense.” Bahagya akong natawa sa huli kong sinabi. Yeah… Sky and I loved to procastinate. We used to make scenarios out of nowhere just to spend our free time.
“Uhm. You know, something that might help us find the killer.” Seryoso niyang sagot kaya nawala ang pagkakangiti ko.
“I'm sorry,” bulong ko. “As far as a remember, he never mentioned anything that may help. Tinanong na rin ako ng mga imbestigador tungkol sa bagay na 'yan pero wala talaga akong maalala.” dagdag ko pa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at panghihinayang. Naisip ko na sana pala, mas ipinaramdam ko kay Sky na mapagkakatiwalaan niya ako, at baka sakaling nagkaroon siya ng chance na mag-open up sa akin kung sakali mang may problema siya. Kung may nang-aaway ba sa kanya o kung may nararamdaman na ba siyang kakaiba? May gusto ba na manakit sa kanya? In that way kasi, mas mataas yung chance na malaman namin kung sino ang may gawa nito.
“It's okay. Nagbabakasakali lang din naman ako,” aniya at ngumiti pa ulit sa akin. “By the way, nabisita ka na ba ng mga boss niyo?” tanong niya kaya umiling ako. Ito na naman yung mabigat na feeling. Yung pakiramdam na bumabalik yung mga pangako nilang hindi naman nila tinupad. Pero hindi ko magawang manumbat kasi wala naman sila dito. “Bakit? Are they turning their back against you?”
“I… I'm not sure,” sagot ko. “Ayoko silang pangunahan sa mga plano nila, e.” sagot ko at isinantabi ang namumuong inis nang mabanggit niya sila Sir Jules. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na tutulungan pa nila ako dahil sa panahon na nandito ako, ni anino nila hindi manlang nagpakita dito.
“Eh anong plano mo?”
“My lola managed to get me a good lawyer. He's great and I'm sure that he can prove my inoccence.” sagot ko. “Hindi rin naman kasi sapat yung mga ebidensya laban sa akin, e.” Nakangiti kong kwento. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko sa kanya ang tungkol sa mga bagay na 'yon. Cloud is on my side and I trust him.
“That's good to know.” Nakangiti niyang sagot at pinakatitigan pa ako. “You're loosing some weights,” puna niya. “Nakakakain ka ba nang maayos dito?”
“Oo naman. Kulang lang siguro ako sa tulog,” paliwanag ko. Ilang gabi na rin kasi akong walang maayos na tulog dahil hindi na naman ako mapakali. Kapag kasi madilim at tahimik na ang paligid, umaandar na naman ang isip ko at paulit-ulit na nagtatanong ng mga what ifs ko sa buhay. Hay! Ewan ko ba!
“Are you sure? Baka gusto mong mag-prescribe ako ng medicine sayo?” tanong niya kaya mabilis akong umiling. Ngayon ko naalala na isa nga pala siyang Liscensed Medical Doctor.
“Hindi na kailangan,” sagot ko. “Ipapahinga ko na lang 'to.” Muli akong ngumiti sa kanya at mabuti na lang hindi na siya nag-insist dahil ayoko nang maka-abala pa sa kanila lalo pa't may ibang bagay akong gustong hilingin sa kanya. “Cloud… pwede ba akong humingi ng pabor?” tanong ko.
“Sure. Ano 'yon?” Magiliw niyang tanong kaya nakangiti 'kong kinuha sa bulsa ko ang isang personalized bracelet na natutunan kong gawin sa naging activity namin dito sa loob. “What's that?”
“I made this here,” bulong ko. “Gusto ko sanang ibigay 'to kay Sky. He's my best friend, after all.” Inabot ko ang bracelet sa kanya na malugod naman niyang tinanggap. “Can you place it near his… his urn?”
Napag-alaman ko kasi na ipina-cremate nila si Sky. Ilang gabi ko din iyong iniyakan dahil hindi ko ma-imagine na sinunog siya. Alam ko na normal at parte 'yon ng Chinese Tradition pero hindi ko pa din matanggap na matapos siyang patayin brutally, sinunog pa siya.
“Sure,” aniya habang nakatingin 'don sa bracelet. “Sky will love it.” Nakayuko siya kaya hindi ko alam kung ano expression niya pero napaka-seryoso ng boses niya. “Anything else?” Nakangiti niyang tanong matapos mag-angat ng tingin kaya umiling ako. Wala naman na akong kailan. “Good. I'll go ahead then,” paalam niya at tumayo na kaagad kahit hindi pa ako sumasagot.
“Thank you…” bulong ko sa hangin.
-