HALOS lahat na yata ng worst scenarios ay pumasok na sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung maging itong Activity Teacher sa loob ng kulungan eh magagalit sa akin.
Quota na quota na ako. Mula sa police officer na nagbabantay sa akin hanggang sa abogado nila Sky. Masyado nang maliit ang mundo ko.
“I'm a big fan!” aniya matapos bahagyang lumayo sa akin at tiningnan pa ang mukha ko nang malapitan.
Halos bumagsak na din ang panga ko sa sobrang pagkagulat nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. As in sobrang higpit dahil pakiramdam ko, napipiga na niya ultimo pinakamaliit na buto na meron ako. “Apple, nakakainggit ka naman!” aniya bago hampasin si Apple na natatawa lang na umiwas. “Dapat siguro gawin ko nang fulltime job ang pagtuturo dito, a? Para mas madalas tayong magkita!” aniya at tumalon-talon pa habang nakahawak sa magkabila kong kamay.
“Edi gumawa ka ng ilegal, ewan ko lang kung hindi ka nila ikulong dito,” natatawang suhestiyon ni Apple.
“Should I?” tanong ulit ni Ms. Yvette kaya mabilis siyang nakatanggap ng palo sa balikat mula kay nanay Miling.
“Pulos ka kalokohan!” puna pa nito.
“Si Nanay Miling, mapanakit. Nagjo-joke lang naman ako, e.” sagot ni Ms. Yvette habang hinihimas ang balikat niyang napalo ni nanay. “Why so serious? Para ka namang yung kakilala ko, masyadong mainit ang ulo!” Natatawa pa niyang dagdag bago ako balingan. “Ang ganda-ganda mo talaga!” aniya at muli pa akong yinakap.
“S-salamat. I-ikaw din,” nahihiya kong sagot.
“Hindi naman masyado!” Kinikilig niyang sagot bago sikuhin nang mahina si Apple. “Maganda daw ako, girl!”
“Naniwala ka naman kaagad?” Pang-aasar ni Apple. “Syempre, hindi siya magsasabi ng ikasasama ng loob mo. Mabait 'yan, e.”
“Duh. Iyon nga yung point, e. Mabait siya. She doesn't know how to lie!” Pinaikutan pa niya ng mata si Apple pero tinawanan lang siya nito. “Anyways, magpapakilala muna ako sayo, Ms. Eloisa.” Tila kinikilig niyang baling sa akin. “Please call me Yvette.” Nag-alok siya ng kamay kaya tinanggap ko iyon. “I know that it's not right to say this, but, mabuti na lang you got involved in Sky's case. If not, hindi pa kita makikita sa personal!” aniya kaya bahagya akong napayuko. Mentioning Sky is a bit upsetting knowing the situation I am in right now. “But, no offense meant ha? Alam ko naman na hindi mo magagawa yung accusations nila sayo, e.”
“Don't worry. Ayos lang ako,” sagot ko habang nakayuko pa din. “Wag na lang natin pag-usapan yung kay Sky.” Nag-angat ako ng tingin at matipid na ngumiti sa kanya.
Of course, I was a bit offended. Para kasing gusto niyang ipakahulugan na mabuti na lang namatay si Sky at prime suspect ako. But then, I realized na baka hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin at ako lang itong masyadong senstitive.
“I'm sorry,” ani Ms. Yvette bago tapikin ang balikat ko. “Me and my mouth kasi sometimes it doesn't know how and when to stop.”
“It's okay.” Muli akong ngumiti sa kanya. “So, gaano katagal ka nang nagtuturo dito?” Pag-iiba ko ng usapan.
“Uhm, around two-three years na rin siguro?” nakangiti niyang sagot. “Actually, mom ko yung original na nagtuturo dito. I just convinced her na ipasa na sa akin since ito yung nagiging outlet ko para maglabas ng stress sa buhay.” Kwento pa niya.
“Wow! Lakas maka-hugot, a? May pinagdadaanan ka Ms. Yvette?” mapang-intrigang tanong ni Lemon pero tinawanan lang siya ni Yvette bago sumagot.
“Kung iniisip mo na lovelife ang source ng stress ko, nagkakamali ka,” aniya at nagpakawala pa ng malalim na buntong-hininga. Sobrang lalim kaya para na akong nakukumbinsi na may pinanghuhugutan talaga siya. “Sa kuya ko pa lang, quota na ako sa stress.”
“Sus! Inaway mo na naman yung kuya mo?” tanong ni Apple habang naiiling. “Kasama ba sa daily activities niyong mag-kuya ang pagbabangayan?”
“Duh! For the record, siya ang may kasalanan this time.” Mabilis niyang depensa. “Imagine, ang dami niyang excuses bago pumayag na ihatid ako dito. Na-late tuloy ako. Eh hindi naman ako magpapahatid sa kanya if hindi coding yung kotse ko. Feeling ko talaga, ayaw niya lang akong papuntahin dito, e.”
“Sus. Bakit naman gagawin ng kuya mo 'yon?” tanong ni Peachy.
“I don't know. Basta, that's how I feel. Ibang klaseng breed kasi yung si kuya.” sagot pa niya kaya napangiti ako. Para naman kasi niyang ginawang aso yung kuya niya. ”Edi kung nagpadala ako sa pagpapabebe niya, baka hindi ko nakita dito si Eloi—!”
“Hep! Uunahan nakita!” Putol ni Lemon sa pagsasalita ni Yvette. Iniharang pa ni Lemon ang kamay niya sa bibig ni Yvette kaya nadikit ang nguso nito sa kanya. “Ay! Ang dugyot!”
“Ang arte, ha?” ani Yvette. “Nagtoothbrush and mouthwash ako no!”
“Char lang.” ani Lemon bago kumunyabit sa braso ko. “Wag mo siyang tatawaging Eloisa dito. Ibang tao na siya. Hindi na siya si Eloisa dahil siya na si Lychee. Siya ang Eloisa bersyon 2.0!”
“Hala why? I mean, ang ganda-ganda ng Eloisa. Bakit Lychee?” reklamo ni Yvette. Oo nga bakit ba kasi Lychee nang Lychee itong si Lemon.
“Gan'on talaga! Kapag naging inmate ka din, bibigyan din kita ng second name. Ano ba gusto mo? Macopa? Mango? O kaya Banana?”
“Ayoko nga!” tanggi ni Yvette. “Gusto ko Pomee. Short for Pomegranate!” aniya at saka tumawa nang malutong. Akala ko, ayaw niya ng code s***h second name, magre-request lang pala siya.
“Sige, Pomee na.” Pagsang-ayong ni Lemon. “Pero hindi yung sinabi mo. Masyadong mahaba. Pomee as in Pomelo, yung suha? Ang hirap hirap i-prounouncinism yung Pome... po... Oh tingnan mo, di ko na matandaan!”
Hindi ko napigilan ang sarili ko at bahagya akong natawa.
“Una sa lahat, pronounced 'yon. Hindi prononouncinism. Wag kang imbento,” ani Peachy. “Pangalawa, di namin kasalanan kung matigas dila mo.”
“Oh talaga? Pakihanap.” ani Lemon.
“Hanapin ang alin?” nakangiti kong tanong.
“Yung paki ko.” Mabilis niyang tugon kaya natawa ulit ako. “Basta Pomee as in Pomelo. Okay?”
“Nakakainis naman 'to,” bulong ni Pomee, este ni Yvette.
‘Ano ba 'yan? Nahahawa na ako kay Lemon!’
-
“Y-yvette, sure ka? H-hindi ba nakakahiya?” tanong ko dahil nagprisinta kasi siya na gagawa ng documentary video about sa'kin na ipo-post niya sa isang online platform na kinabibilangan niya. Napag-alaman ko kasi na Vlogger s***h influencial pala siya na may nasa mahigit 2 million followers.
“Oo naman. Alam mo kasi, you are being trial by the media. One sided lang ang nakikita ng mga tao kaya sa pananaw ng iba, ikaw talaga yung killer,” aniya matapos lunukin ang sandwich na pa-snacks para sa mga sumama sa activity ngayon. Kasalukuyan kasi kaming naka-break, recess nga kung tawagin ni Lemon, e.
“I mean, marami na yung followers mo baka lang kasi i-boycott ka nila kapag nalaman nila na suportado mo ako.” Paliwanag ko.
Ewan ko ba, noong una niyang nabanggit ang tungkol sa documentary video, na-excite talaga ako. Feeling ko, isang way 'yon para malaman ng ibang tao ang side ko kasi tama naman siya, puro side ng kampo ng mga Sy ang alam ng lahat. I had no time to defend myself kaya maganda talaga yung ideya niya. But then, naalala ko yung sinabi ni Atty. Yabang. I could ruin Yvette's career. I mean yes, I am inoccent but still, I could bring harm to those who wants to be on my side.
“Girl, my platform is for the truth and transparency.” aniya. “And besides, I won't be doing something illegal naman, a? I'll be getting your consent. Kahit kausapin ko pa yung lawyer mo.”
“Ay girl! Bongga yung abogado niyang si Lychee! Kumbaga sa ulam, malinamnam!” Maharot na sigaw ni Lemon.
“Really?” Excited niyang tanong. “Sige na girl? Pumayag ka na? Ha? Iko-closed ko yung lawyer mo tapos aayain ko ng 24 hour Jowa Challenge!”
“Gaga! Akin na nga 'yon, e!” Nakasimangot na reklamo ni Lemon kaya nagtawanan kami.
“Just kidding lang naman. May phobia ako sa mga laywers, e. Mahirap silang maging partner. They don't know when to give up when having an argument. Palagi silang may rebut, so, thank you and next!”
“Feeling ko talaga may jowa kang abogado,” ani Peachy at sinundot-sundot pa ang tagiliran ni Yvette. “Yung totoo? May hugot 'yan, e.”
“Wala! Hindi naman naging kami!” aniya at nag-iwas pa ng tingin dahil biglang namula ang magkabila niyang pisngi. “Pabebe siya, eh mas pabebe ako. Edi hindi kami umabot sa label. MU lang.”
“Awts. Sakit naman 'non girl! Malanding ugnayan lang?” nakangising tanong ni Lemon at tinawanan pa ni Yvette. “Wala ka 'don sa muntik ko nang maging jowa, pota, drug dealer pala! Nadamay pa tuloy kami!”
“Oo. Maharot ka kasi, kalaboso tuloy tayo!” ani Peachy at hinila pa ang laylayan ng buhok ni Lemon. “Geo, my loves pa nga, diba?”
“Hoy bakla! Parang hindi kinilig kay Tisoy, a?” sagot ni Lemon. “Si Apple nga, hindi nakaramdam na alagad pala ni Lucifer yung si Benedict, e. Tayo pa kaya?”
“Huwag niyo nga akong i-damay d'yan! At wag na wag niyong mababanggit ang pangalan ng hayop na 'yon!” gigil na sigaw ni Apple at padabog pang hinampas ang ibabaw ng lamesa bago mag-walkout.
“Sorry!” Mabilis na sagot nung dalawa at sabay pa na nag-zip ng kanilang mga bibig.
“Ayan kasi, ang dadaldal!” ani ate Suzy at kinutusan pa ng tig-isa sina Lemon at Peachy.
“Ito kasi si Pitchie, epal! Nagalit tuloy si Apol!”
“Hoy! Una sa lahat, Peachy hindi Pitchie! Walang letter T 'don. Pangalawa, ikaw kaya itong nagbanggit sa pangalan ni Benedict! Ikaw din ang nagpasok sa kanila sa usapan!”
“Aba'y hindi ako! Itong si Ms. Yvette kasi, nagkwento pa sa lab layf niya.” ani Lemon at itinuro pa si Yvette.
“Ako? Bakit ako?” Natatawa niyang tanong. “Gusto ko lang naman ng video content para sa platform ko, a?” dagdag pa niya. “Ito kasing si Lychee girl, ayaw pang pumayag!”
“Oh? Bakit napunta sa akin?” tanong ko. “Hindi ko naman alam, e.”
“Tigilan niyo na ang sisihan. Alam niyo naman kung bakit gan'on ang reaksyon ni Apple, diba?” awat sa amin ni Nanay Miling.
“Opo/Yes po.” They answered in unison.
“Bakit nga po ba?” tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin kaya parang gusto ko nang pagsisihan na nagtanong pa ako. “Curious lang po ako. If hindi pwedeng malaman, okay lang po.”
“Sige na nga, i-chika na namin sayo, tutal part ka naman na ng fruit salad,” ani Lemon. “Charot charot lang kasi na mga prostitute kami.”
“Ha?” Kunot-noo kong tanong.
“Ang totoo n'yan, gawa gawa lang namin yung backstory na mga pokpok kami. Mas madali kasing ipaliwanag yung gan'on. Kesa naman sasabihin namin nang paulit-ulit na nabiktima lang kami. Nakakasawa, e.” ani Peachy at matipid pa na ngumiti sa akin.
“Magkakasama kaming tatlo sa isang bahay ampunan. Nung nag-18 kami, umalis kami para maghanap ng trabaho. Noon namin naranasan na matulog sa kalya. Tapos, nakapasok kami sa isang modeling agency,” pag-uumpisa ni Lemon. Sabagay, magaganda sila at matatangkad din kaya nga nanghihinayang ako sa kanila noong nalaman ko kung ano ang dahilan kung bakit sila nakulong. “May nakilala kaming mga modelo din. Umpisa pa lang, click na click na kami sa isa't-isa kaya nung sinabi nila na lumipat kami sa agency nila, pumayag kami kaagad. Noong una okay naman, maayos ang mga naging projects namin kasama sila. Hanggang sa…”
“Hanggang sa?” tanong ko dahil pabitin yung kwento niya, e.
“Hanggang sa isang araw, nahuli namin sila habang nakikipag-transaction sila. Balak sana namin na kausapin sila at patigilin sa gan'ong gawain pero nagulat na lang kami may dumadampot na sa aming mga pulis.” Pagpapatuloy ni Peachy sa kwento. “Nang i-check nila yung mga gamit namin, may nakita silang drugs. Taenang drugs 'yon, magic!”
“Ibig mong sabihin, planted yung drugs?” tanong ko na malungkot nilang tinanguan. “Binaliktad nila kayo?”
“Oo,”
Nagulat kaming lahat nang bigla na lang sumulpot si Apple sa bandang likuran ko.
“Sila Geo, Luis at Benedict ang may pakana ng lahat,” pagpapatuloy niya. “Alam namin dahil sila mismo ang nagreport. Tumestigo pa nga sila laban sa amin, e.” aniya at bakas na bakas sa boses niya ang pagkainis.
“G-ginawa nila 'yon? B-bakit?” tanong ko ulit. I just can't imagine someone will do it.
“Akala siguro nila, ire-report namin sila. Takot silang makulong,” sagot ni Peachy. “Pero wala naman kaming balak na gawin 'yon e.”
“At iyon ang pinakamalaking pagkakamali namin,” ani Lemon na seryosong-seryoso ang ekspresyon. “Siguro kung hindi kami nagpadala sa pagmamahal namin sa kanila, wala kami sa sitwasyon na 'to. Pota, ang lakas makatanga ng pag-ibig!”
“Hindi kayo tanga,” sagot ni Yvette. “They just took advantage of your feelings.”
“May mga tao palang gan'on no?” tanong ko. “Mga taong handang makatapak ng kapwa, wag lang silang masira.” dagdag ko pa.
“Sabi ko naman sayo, e. Hindi perpekto ang mundo.” sagot ni Lemon at mapait pa na ngumiti sa akin. “Sa tingin mo ba, basta na lang kaming naniwala na inosente ka? Kung nasa labas kami at walang ideya sa kung paano tumakbo ang totoong mundo, baka isa kami sa mga humuhusga sayo ngayon.” Dagdag pa niya. “Kaya ma-swerte ka pa din, kasi kami nauunawaan namin ang sitwasyon mo.”
“Hindi lahat ng nakukulong dito, masama. Yung iba sa atin, biktima lang din.” Makahulugang wika ni Nanay Miling. Napangiti ako dahil isa iyon sa mga narealized ko tungkol sa lugar na 'to. “Parang ikaw, naniniwala kami na biktima ka lang ng sitwasyon.”
“Nanay Miling…” bulong ko at yumakap pa sa kanya.
“Kapag nakalabas ka na, wag mo kaming kakalimutan, ha?” bilin pa niya kaya mas humigpit ang pagkakayakap ko. “Pati kayo,” baling niya kila Lemon. “Alam ko na malapit nang matapos yung service niyo dito sa loob. Next week na 'yon, diba? Kapag hindi kayo busy, bisitahin niyo naman ako dito.”
“Makakalaya na kayo?” tanong ko habang nakatingin kila Apple. Sabay sabay silang tumango kaya napangiti ako.
“Ang bilis ng panahon! Akalain mo 'yon? Naka-limang taon na pala tayo?” ani Lemon at nagpakawala pa ng malalim na buntong hininga.
“Limang taon kayong nakulong dito?” tanong ko at tinanguan ulit niya. Five years? Para sa kasalanang hindi nila ginawa? And it was a drug related case! Paano pa yung kaso ko?
“Maswerte pa nga kami at hindi life inprisonment, e.” sagot ni Peachy.
“Anong plans niyo?” biglang tanong ni Yvette. “Do you have a place to stay?”
“Bahala na,” sagot ni Apple. “Basta naman magkakasama kaming tatlo, kayang-kaya namin ang lahat, e.”
“Wow. Ang tamis naman 'non!” Kantsaw ni Lemon na bumalik na ang liwanag sa mukha. Masaya pa siyang yumakap kay Apple at nakiyakap na din si Peachy. “Nako, kahit talikuran ako ng buong mundo basta kasama ko kayo, wala na akong paki sa kanila!”
“Sus! Eh mas makeso ka pala dito kay Apple, e!” ani Peachy na tinawanan lang namin.
“Kaya ikaw, Lychee girl magpakatatag ka. Okay? Kapag nakalaya ka na dito, sa labas natin ipapagpatuloy ang pagiging fruit salad aquad natin! Okay?” dagdag pa ni Lemon kaya nakangiti akong tumango.
“Ayieeh. Kapag nasa labas na kayo, pwede na talaga akong maging si Pomee!” ani Yvette at nagtatatalon pa. “Sali kami sa group hug!” sigaw niya at pilit pa akong hinila at nakiyakap na 'don sa tatlo.
Nilingon ko sila Nanay Miling at Ate Suzy, kapwa sila naiiling lang sa amin.
“Mga batang ito, ang tataas ng enerhiya sa katawan,” bulong pa ni Nanay Miling kaya napangiti ako.
Biglang sumagi sa isip ko si Sky. He is the only close friend I have. Marami akong collegues and acquintace pero si Sky lang talaga ako nago-open ng sarili ko. Palagi naman niya akong inaaya na makipag-kaibigan sa iba but I was too busy with my life, at para sa akin, I already had a bestriend and that was him.
‘Sky… are you seeing this? I have new friends here, but you'll be my bestfriend for life.’
-