CHAPTER 57 SERYOSONG NAGMAMANEHO si Iñigo ng kanyang sasakyan habang binabagtas ang daan papunta sa opisina niya. Napagkasunduan na nila ni Ziggy na doon magkita para pag-aralan ang sunod nilang hakbang. Mas pribado kasi ang magiging pag-uusap nila roon kahit paano. “That's odd," bulong niya matapos mapansin na tila kanina pa nakasunod sa kanya ang isang kulay itim na kotse. Noong una ay hindi niya iyon pinapansin ngunit nakahalata na siya nang magtagal. He maintained a certain distance para maobserbahan pa ang kotse. Lumiko din siya sa maling kanto pero ganoon din ang ginawa nito. Totoo ang hinala niya, nakabuntot nga sa kanya ang sasakyan. Wala masyadong tao sa kanto na napasukan niya. Wala ding maayos na pailaw ang kalye kaya nakaramdam ng kaba ang binata.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


