CHAPTER 58 "MAY KUTOB ako na baka may kinalaman ang flashdrive na nakuha kaya may nanloob diyan sa apartment ni Yvette. Papunta naman na kami ni Ziggy." Naging alerto at tahimik na pinagpatuloy ng binata ang kanyang pakikinig mula sa listening device na kanyang in-install. "Yung flashdrive? Nasa iyo iyon, di ba?" Isang pilyong ngisi ang mabilis na sumilay sa labi ng binata bago i-off ang kanyang speaker. Nilingon niya ang nasa harapan. "Boss, wala po talaga do'n. We already turn the whole place up side down." Paliwanag ng isang lalaking nakaluhod at nakayuko "Wala talaga kayong makikita doon dahil wala naman sa kanila ang flashdrive," sagot nito. "Wait for my next order. I'll try deal with it by myself." HINDI NA namalayan nila Eloisa kung gaano sila katagal na naghintay sa loob ng

